"AYAW KO PANG UMUWI!!!!!!"
"ARGHHHH!!! NAKAKAINIS!!!!"
Andito ako ngayon sa tambayan ko, dito ko lahat linalabas ang galit ko, haaay... Nakakainis talaga!!
Curios ba kayo kung ano itsura ng tambayan ko? Haha! Tanong lang, pero kung curios kayo, explain ko nalang. ^^
May mga lamesa, may mga upuan, madilim, haha! Basta isa tong lumang LIBRARY. Haha! Hanggang ngayon nga eh meron pa ding mga libro dito, kaya pag wala akong magawa, nagbabasa-basa nalang ako, Oo nag babasa rin naman ako noh! Di lang halata.
Dapat nga sobrang talino ko na, hahah!
Riiing*
Phone ko yun ah? Ang panget pala ng ring tone ko, haha! ^^
Riiiing*
Asan ba yung phone ko?
Hanap
Hanap
Riiiing*
-_____-
Nakakatamad mag-hanap, asan na ba kasi yun?
Riiing*
Hahahahhahhahah! Ang Bobo ko!! Hawak ko lang pala! Hahha!
Riing*
"Yes, Hello?"
"Hello, nak, bat ang tagal mo sagutin?"
"Ah, nay, di ko po kasi nahanap agad phone ko." ^^
Bat kaya ang lungkot ng boses ni nay?
"Umuwi kana dito, tumawag ang mommy mo."
"Ah, sige po."
Psh, tumawag pala si mommy eh, kung nag-tataka kayo kung sino yung kausap ko sa phone kanina, yun yung yaya ko simula bata palang.
At dahil sa mas feel ko syang maging nanay kesa kay mommy, at mas laging nandyan si tatay o kuya manong na driver ko pag may problema ako, kesa kila daddy at mommy, lumayas ako sa bahay nung 12 yrs old ako, pero hindi ako napauwi nila mommy sa bahay, kaya napilitan silang bumili ng bahay para sakin at kasama ko dun si nanay at tatay, na yaya ko at driver ko, buti pa kasi sila laging nandyan para sakin.
Pero dahil mabait akong bata, simula nung third yr, lagi na akong napapatawag sa office at na-kick out sa school, kaya sabi nila mommy pag na patawag pa sila sa school ng tatlong beses o na kickout ako, uuwi na daw ako sa totoo naming bahay.
Kaya eto na ang last chance ko, ayy, wala na pala dahil ito na talaga ang pinaka last. :(
(Sa bahay)
"Nay, andito na po ako."
"Kumain ka na ba? Kain na tayo." -nay
Halata pa ring malungkot si nanay.
"Ahh, sige po, bihis lang ako."
Nakakahawa tuloy, sanay kasi ako ng pag dating ko naka smile na agad si nanay.
Pag-baba ko sa kusina, nag-mano ako agad kay tatay, na nakangiti.
"Oh, anong problema nyong dalawa? Bat ang lungkot nyo?"-tatay
Nakangiti pa rin sya habang sinasabi Yun.
"Ahhm, nay, ano po bang sabi ni mommy?"-ako
"Susunduin ka na daw bukas."
"Anak naman kasi, kung ano-ano ginagawa mo, yan tuloy, pero ayaos lang yan, siguro ito naman ang time para makasama mo naman ang mga tunay mong magulang." -tay
"Sorry po talaga."
"Oh, sige na kumain na tayo, at mag-aayos kapa ng mga gamit mo." -nay
"Ahhm, pano po kayo?"
"Sabi naman ng mommy mo dito pa rin kami, kaya pwede mo parin kaming bisitahin"- tay
"Haay." -me
Pag-katapos kumain pumunta ako agad sa kwarto.
Haay, uuwi na ko, for sure magiging magulo na neto ang life kong napaka saya, feeling ko nga minsan ang sama ko eh, kung di lang talaga ako ang bunso nilang anak, pinabayaan na niala ako, kasi nga diba pag-bunso paborito lagi. Psh, kaya pag-nandun ako tutokna tutok sila sakin. -____-
"For sure talaga magiging BORING na ang life ko neto."
Sabi ko habang nasa terrace ako, at naka-tingin sa stars.
Parang balik kulungan tuloy ako. Tsk, kainis naman.
Makatulog na nga lang.
Zzz
Zzz
Zzz
Zzz
Zzz
"Beep beep"
"Beep beep"
-.o
o.-
O.O
Oopss... Muhkang andito na sila....
-----------------
AN:short update. Sorry po, mamaya nalang ulit. ^^
BINABASA MO ANG
HIM Meets HER
HumorPano kung makakilala ka ng isang tao na "super"? As in, super ingay, super daldal, super hilig mang-bara, super kulit, super kakaiba, super nakakainis, super maka-sira ng araw, super hilig mang-badtrip, super lakas mang-trip, super sama, Anong gagaw...