Rebecca Pov.
" Ekaaaaang !! Pwede baaa !! Bumangon ka na dyan !! Tanghali naaa !! "
Napapadyak ang paa ko habang nakahiga at bumangon ng nakabusangot ang mukha. Si nanay talaga, dinaig pa yung alarm clock ko.
" opo nay ! Maliligo na po "
Pabalik kong sagot kay Inay at hinawi ang kurtina sa bintana na tumama naman sa maganda kong mukha. Charot ! Hahaha
" Goodmorning Sunshine !! "
Sigaw ko. Narinig ko pa ang pag-sagot ng mga kapit-bahay namin na ikinangiti ko. Panibagong umaga para sa mag-aaral na katulad ko haha ! And im so exciteeeed to my neeeww school ! Oo na ! At dahil second year college na ko, inilipat ako ni Inay sa isang Unibersidad ! Sikat na University at kaya lang ako natanggap ay dahil sa Scholarship ko.
Oo nga pala ! Daldal ako ng daldal pero hindi ko pa nasasabi sa inyo ang name ko (^____^)v. My name is Rebecca Hyung, 18 years old, taking up HRM..
Alam ko pong nagtataka kayo sa Last name ko hehe ! Mahirap lang naman kami pero yung Last name ko pang-mayaman at sikat pa hahaha ! Well, hindi ko alam dahil ayaw magbigay ni Inay ng information about sa ama ko. Siguro Hyung ang Last name ng itay ko dahil Quirino ang kay inay. Atleast natutuwa ako kasi kahit na hindi ko kasama ang ama ko, last name niya naman ang dinadala ko.
" Tapos ka na baaa !! Bilisaaan moo !! Male-late ka na !! "
Napailing na lang ako at napanguso habang nakaharap sa salamin ng kwarto ko. Hayyy ! Rebecca kahit ano yatang pagpapacute at pagpapapanget mo sa sarili mo, maganda ka pa rin.
~~••~~
" Inaaaayy ! Alis na poo akoo ! "
Sigaw ko ng makalabas ako sa maliit naming kusina. Actually ! Nangungupahan lang kami, mura lang naman ang pagpapa-upa samen sa bahay kasama na dun ang tubig at kuryente. Hindi rin naman nahihirapang magbayad si Inay sa bayaran namin dahil malaki-laki ang sinasahod niya as a cashier sa isang restaurant-- Winston Restaurant.
" Oh, sige halika na ! Sabay na tayo at male-late na din ako "
Nagmamadaling sabi ni Inay at kinuha ang bag sa sofa. Nauna na kong lumabas at hinintay na lang siya sa tapat ng gate ng upahan. Napangiti ako ng makita si Inay na papunta na sa direksyon ko, walang duda ! Kamukhang-kamukha ko si Inay.
" Let's go "
Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Inay. Kaya napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo na halata namang napansin ni Inay.
" Oh anak bakit ? "
Napailing na lang ako at napatawa ng mahina sabay akbay kay Inay. Ganito kami, para lang kaming magkapatid at magkaibigan sa kilos namin.
~~•~~
Ok Beccaa ! Inhale. Exhale. Waaahhhh !! You need this !! Nag-sign of the cross muna ako at tumingin kay Kuya Guard na nakatingin saken habang natatawa. Napataas ang kilay ko at namewang sa harap ni Kuya Guard.
" Why are you laughing Manong Tukmol "
Napatigil naman si Guard sa pagtawa at tumingin ng seryoso saken at huli na din ng marealize ko ang sinabi ko.
" Sa gwapo kong 'to mukha akong Tukmol ? "
Napangiwi ako dahil sa hindi niya pag-tanggap na mukha siyang Tukmol. Heeeeyyy Keye Geyrd ! Pasalamat ka Late na ko kung hindi ! Hindi kita tatantanan sa katatawag ng Tukmol hahahha ! *cough *cough....
(>____>) grabe talaga si Lord. Binigyan agad ako ng karma huhuhuhu !
" Naku ! Manong Tukmol ! Papasok na ko ha ? Eto I.D. ko ! Hihihi ! Im late na kasi eh ! Babooosssh ! "
At kumaway-kaway pa ko sa kanya habang pakembot-kembot na naglakad papuntang hallway. Nang malayo na ko kay Kuya Guard ay huminga muna ako ng malalim at maglalakad na sana ako papunta sa Room kung saan ang section namin ng biglang may gwapong at matangkad na lalaki ang biglang humila sa braso ko at hinalikan ako ng walang pasabi sa labi....
T-teka ......
Loading....
Loading.....
Loading......
O__________O
H-hinalikan ???!
Hinalikan ako ?!!!
Waaaaaaaaaaaaahhhhhh !!!!! (/>0<)/
He kissed me ? Huhuhuuu !! Oh noooo !! He stole my FIRST KISSSSSSS !!!!!
AND WHY DID HE KISSED ME ?!!! SINO ANG GWAPONG---ESTE BAKULAW NA HUMALIK SA MAGAGANDA KONG LABI !!!
___
princessDonalyn18
BINABASA MO ANG
Fall Inlove With A Kissing Monster
Teen FictionPaano kung isang araw habang naglalakad ka sa bagong University na pinapasukan mo ay may bigla na lang lalaking hihigit sayo at hinalikan ka...? What will you to do with the hot guy na humalik sayo ?..... Instead na sampalin at sigawan mo siya ay na...