Tulala si Naomi habang nakahiga sa malambot nitong kama sa mansion ni Lionel.Sinasariwa ng kanyang isip ang pag sangayon nito na magpakasal kay Lionel kapalit ang kalayaan sa buhay.Namimiss na niya ang pamilya niya sa probinsiya,kung tutuusin hindi naman niya kailangang magtiis pa kay Lionel.Pwede naman siyang tumakas at umalis pero nahihiya siya sa binata,wala siyang maisip na paraan para masuklian ang pag ibig at kabutihan nito sa kanya.
''Hay bat ka pa ba nagpapaka choosy Naomi,daig mo pa kaya ang nanalo sa lotto.Gwapo naman si Lionel,pero tama ba ang pakasalan siya? hay ewan bahala na.''wika ni Naomi na itutulog na lamang ang mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan.
Nakangiti si Lionel habang iniisip ang secret wedding nila ni Naomi.Gusto niya intimate lang ang magiging kasal nila ng kanyang so called DESTINY.Kailangan niyang magmadali dahil paparating na ang kanyang Mama para ipush ang kasal nila ni Lhian, ang kanyang fiancee.
''Mukhang masaya ang little bro ko ah.''wika ng isang matangkad na chinitong lalake na biglang aakbayan ang tila nagulat na si Lionel.
''Kuya! Oh bat nandito ka asan si ate Kate.''tanong ni Lionel sa nakakatandang kapatid sa ina na si Cedrick.
''Andun busy kaka shopping around the world,kanina pa ako andito hindi niyo lang napansin.So whose the girl na ibinahay mo dito ha little bro? alam ba ito ni Mama?''tanong ni Cedrick sa tila umiiwas na si Lionel.
''Hindi pa kuya,she will eventually know once nakasal na kmi ni Naomi sa Friday.''wika ni Lionel sa magugulat na si Cedrick.
''Lionel do you really love that girl?''tanong ni Cedrick sa nakababatang kapatid.
''Yes i love her so much that i would do anything for her.''wika ni Lionel na pinapakita sa kuya na mahal na mahal niya si Naomi.
''If you love her set her free,for God's sake Lionel hindi mo kilala si Mama at ang kaya niyang gawin once na suwayin mo ang utos niya.You and Lhian are enggage, yun ang nakatakda!''wika ni Cedrick na ikinainis ni Lionel,akala niya susuportahan siya ng kanyang kuya ngunit bakit parang tutol ito sa pagmamahalan nila ni Naomi.
''I dont care,i love Naomi and i will marry her para makita ni Mama na wala na siyang magagawa kungdi tanggapin ang aking asawa.''wika ni Lionel na pilit pinapaintidi kay Cedrick ang nararamdaman niya.
''Ok sige lets just say naging asawa mo si Naomi,after that kaya mo bang protektahan siya kay Mama? Lionel pag isipan mo tong maigi,hindi ako tutol sa pagmamahalan niyo ng babaeng yan gusto ko lang mag isip ka ng maayos wag padalos dalos.''payo ni Cedrick kay Lionel na pursigido paring ituloy ang kasal nila ni Naomi.
''I will protect her,kahit mawalan ako ng mana at palayasin sa bahay na to gagawin ko makasama ko lang ang babaeng mahal ko.''wika ni Lionel sa mapapa buntong hininga na si Cedrick.
''Madali lang sabihin yan pero once nasa sitwasyon ka na wala kang magawa kungdi panoorin na lang na pahirapan ni Mama ang mahal mong Naomi.I was once in your shoes bro,na inlove din ako sa babaeng hindi naman itiinadhana sakin ni Mama.We eventually got married secretly gaya ng pina plano mo pero ng malaman ni Mama ang lahat she destroyed her life.For her to be free of misery pina annull ko ang kasal namin at nagpakasal kami ni Kate.I tried to reconcile with her pero laging andun si Mama para ipaalala sakin kung ano ang kaya niyang gawin para sirain ang mahal ko.I had no choice but to forget her,to let her free and be happy with someone else.Lionel if you love Naomi set her free,hindi mo kaya si Mama.''wika ni Cedrick sa nakikinig na si Lionel.Alam niyang may tendency na maging bossy ang Mama niya pero hindi niya inaasahan na hahantong sa ganun ang kayang gawin ng kanyang ina.
''Hindi magiging ganun ang sa amin ni Naomi,ill make sure of that.''wika ni Lionel na buo parin ang pasya na pakasalan ang mahal niya.
''How will you know? kung ako nga at si ate nagawang makontrol ni Mama ikaw pa kaya.If u love her unahin mo muna ang kapakanan niya bago ang sarili mo Lionel.Nasa huli ang pagsisisi kaya goodluck nalang sayo.''wika ni Cedrick na tatapikin sa balikat ang mapapaisip na si Lionel.
Nang gabing iyon hindi alam ni Lionel kung ano ang gagawin,nasa isip nito ang maaring gawin ng kanyang ina sa pinakamamahal nitong si Naomi.Ilayo man niya si Naomi pagkatapos ng kasal ay hahanapin parin ito ng kanyang Mama.Marami silang koneksiyon at unti unting nakaramdam ng pangamba si Lionel para sa mahal niyang si Naomi.
''Sir Lionel! Si Madam! Si Madam dumating na po!''wika ng isang katulong na agad pinuntahan si Lionel ng dumating ang Mama nito.
''Get Naomi out of her room, pakitago muna siya sa kwarto niyo.''utos ni Lionel na agad pupuntahan ang ina na may kaba sa dibdib at nangangamba sa buhay ng kanyang mahal na si Naomi.
Itutuloy