Naniningkit ang mga mata ng galit nag alit na si Mary habang hinihintay ang taksil nitong asawa na si Joseph.Nakahanda na shotgun,itak at baseball bat na armas nito para putulan at pahirapan ang asawang inaakala niyang tapat sa kanilang pagsasama.Mapapa iling na lamang si Emilio ang heneral na ama nito habang pinagmamasdan ang hindi mapakaling anak nito.
‘’Mapapatay ko talaga siya Daddy,puputulin ko ang kaligayahan ng hayup na lalakeng yan.’’wika ni Mary na lalapitan ng ama sabay hawak sa balikat niya.
‘’Parehas tayo ng nararamdaman anak dahil sa pagtataksil ni Joseph pero naisip ko nab aka tayo mismo ang nagtulak sa kanya na gawin iyon.Pinilit ko siyang pakasalan ka,pinabayaan kitang abusuhin mo ang kabaitan niya na realize ko nab aka pagod na siyang intindihin ka kaya naghahanap nan g iba.’’wika ni Emilio kay Mary na unti unting matatauhan sa mga nagawa nitong kalupitan sa asawa.
‘’Pero kasalanan niya bakit nabuntis ako,kung sinunod lang niya ako at nagsuot siya ng condom noon wala kami sa ganitong posisyon.’’wika ni Mary na unti unting maaawa sa sarili ng Makita maladambuhala niton katawan sa salamin.
‘’Kasalanan niyo pareho,bakit ka nakipag one night stand sa lalaking hindi mo pa kilala ng lubusan.Anak ang lahat ng nangyayari sayo ngaun ay kasalanan niyong dalawa.Ikaw imbis na mapamahal sayo ang asawa mo unti unti mo siyang tinutulak papalayo sayo at umpisahan natin diyan sa katawan mo.Kahit ako kung ganyan ang asawa ko aba maghahanap ako ng mas sexy at hindi ako papatayin sa kama dahil sa sobrang lake.’’wika ni Emilio kay Mary na natauhan dahil may punto ang sinabi ng kanyang Daddy.
‘’Dad hindi ko siya kayang patawarin.’’wika ni Mary na agad yayakapin ni Emilio ng mahigpit.
‘’Kung hindi mo kaya then its time na maghiwalay na kayong dalawa,mag impake ka na at uuwi na tayo sa atin.Huwag mo ng dungisan ang mga kamay mo ng dugo niya dahil kahit mapatay mo siya hindi na magbabago ang mga nagawa niya.’’wika ni Emilio sa umiiyak na si Mary na walang magawa kungdi sundin ang kanyang Daddy.
Kabado si Joseph na pauwi na noon sa condo unit nila ni Mary.Oo nasarapan siya sa boss niyang si Sam matapos ang mainit na pakikipag sex nito sa kanya ngunit mas nanaig ang takot nito ng tahasang ilantad ng boss nito kay Mary sa kabilang linya ang ginagawa nilang pagtatalik na dalawa.
‘’Ano kaba hayaan mo na yang asawa mo huwag ka ng umuwi sa inyo.’’wika ni Sam habang nagbibihis ang nagmamadali na si Joseph.
‘’Hindi pwede Sam baka bukas nasa ulo na tayo ng mga balita dahil kay Tito Emilio.Ill try my luck na humingi ng tawad just to spare our lives so at the meantime huwag ka munang umuwi sa inyo mag check in ka sa hotel mahirap na delikado tayo.’’wika ni Joseph na agad hahalikan sa mga labi ng boss niyang babae.
‘’Masyado kang tense don’t worry about me I can handle myself hindi lang naman si Mary ang may kapit sa army.’’wika ni Sam sabay kindat sa nakangiting si Joseph.
Pero kahit anong pilit ni Sam na huwag siyang umuwi ay mas nanaig ang pagiging asawa ni Joseph sa kanyang misis na si Mary.Kahit na buhay nito ang nakataya ay susuungin niya para lang makahingi ng tawad sa dambuhalang asawa.
‘’This is it,Lord sorry sa lahat ng mga kasalanan ko sana if ever mapatay ako ng asawa ko tanggapin niyo ako dyan sa kaharian niyo.’’panalangin ni Joseph na mag dodoor bell at matiyagang naghihintay sa pagbukas ng pinto ng mapansing walang sumasagot at tila hindi naka lock ang pinto.
‘’Asan kaya sila?Mary? Mary asan ka?’’tanong ni Joseph ng mapansing wala na ang mga gamit ng asawa pati narin ang sa anak nila.Isang note ang makikita sa may ref na agad niyang binasa,at ganun na lamang ang gulat nito ng makitang gusto ng makipag hiwalay ni Mary at Malaya na siya mula sa kanya.
Joseph,
I quit,huwag mo na kaming hanapin dahil hindi na kami babalik ng anak mo sayo.I wil never forgive you,sinira mo ang buhay ko,ang buhay naming ng anak mo.Mas mabuti na tong magkahiwalay tayo dahil wala naman akong halaga sayo.You never loved me,napilitan ka lang oo alam ko.Im filing an annulment para tapusin ang lahat I know you will rejoice after seeing this message.GOODBYE JOSEPH.
Mary.
Hindi makapaniwala si Joseph na Malaya na siyang tao,wala ng nagger na asawa at pushy na byenan na kumukontrol sa buhay niya.Napangiti si Joseph at maya maya pa ay mapapahiyaw sa tuwa.Agad niyang kukunin ang cellphone nito para tawagan si Sam ng biglang maapakan ang squeeshy toy ng anak nila na si Tommy.Dahan dahan niya itong pupulutin at agad mamimiss ang anak nilang baby.
‘’Geez ano k aba Joseph bata lang yan pwede ka pang gumawa ng napakaraming ganyan kay Sam pero ang freedom mo dyan sa mag amang terrorista bihira lang yan.Pag binalikan mo ung balyena na si Mary baka never ka ng makatagpo ng tulad ni Sam.’’wika ng evil side ni Joseph na kontra sa konsensiyang namumuo sa utak niya.
‘’Gusto mo na lumaki ang anak mong si Tommy na walang kinagisnang ama,kinakahiya dahil pinagpalit mo siya sa ibang babae ha? Mag isip ka Joseph oo one in a million si Sam pero nangako ka sa harap ng Diyos na si Mary lang ang babae sa buhay mo at siya ang iyong pinakasalan.’’wika ng good side ni Joseph ng biglang tumunog ang phone at makikita ang numero ng boss nitong si Sam.
‘’Hello are you still alive? Hahaha sorry kung napatawag ako I was just concern nab aka patay ka na sa kamay ng asawa mo.’’wika ng nagbibirong si Sam sa mapapangiting si Joseph.
‘’Im ok Sam,asan ka ngaun pupuntahan kita diyan.’’wika ni Joseph na nakapag desisyon na mas piliin si Sam at kalimutan ang anak at asawang sa mga oras na iyon ay luhaan.
Two years simula ng maghiwalay sina Joseph at Mary,sinibukan ni Joseph na hanapin at Makita ang kanyang mag ina ngunit bigo ito ng malaman na nasa America na pala sila.Kaya naman binuhos ni Sam ang lahat ng oras at panahon nit okay Sam na malayo sa asawang si Mary.Liberated si Sam at praktikal sa buhay,para sa kanya hindi dapat seryosohin ang lahat ng bahay na sa tingin niya ay pansamantala.Unti unti nakikita ni Joseph ang mga bagay na hindi maganda kay Sam at nagsimula iyon ng mabuntis niya ito na hindi nagustuhan ng dalaga.
‘’I want to get rid of this Joseph,ayoko pang maging ina hindi ko pa siya feel.’’wika ni Sam sa magagalit na si Joseph.
‘’Why? Kung ayaw mong maging ina ng batang yan ako nalang mag aalaga huwag mo lang patayin ang anak natin Sam.’’wika ni Joseph na agad maiisip ang asawa nitong si Mary.Aksidente lang din ang pagkakabuo nila kay Tommy pero unlike kay Sam mas pinili ni Mary na buhayin ang bata.
‘’Pag pinanindigan ko to marami ang magbabago,my life, my body and my career.No way hindi pa ako handa kaya sa ayaw mo at sa gusto ipapalaglag ko to.’’wika ni Sam na agad iiwan ang mapapahwak sa ulo na si Joseph at unti unti na mapapatingin sa dyaryong dumapo sa kanyang binti.
‘’Patay na si Tito Emilio?’’wika ni Joseph ng mabasa sa ORBITUARY ang pangalan ng byenan nitong si Emilio ang heneral na ama ni Mary.Hindi nagdalawang isip ay agad pinuntahan ni Joseph ang lugar kung saan ibinurol ang mga labi ng byenan.Makikita nito ang isang matabang babae na nakasilip sa kabaong ni Emilio na umiiyak at may hawak panyo.Dahan dahan niyang lalapitan ito at hahagkan patalikod ng biglang magpumiglas at sampalin siya ng malakas sa mukha.
‘’Who are you napaka pervert mo!’’wika ng matabang babae na hindi pala si Mary sa nagulat na si Joseph.
‘’Sorry I thought your Mary!’’wika ng napahiyang si Joseph.
‘’What are you doing in here Joseph?’’tanong ng isang babae na pagharap ni Joseph ay halos lumuwa ang mga mata nito ng Makita ang isang Mary na seksi,maganda at tila bumata ng ilang taon na sa kanya at nakatingin ng masama.
Itutuloy