chap I

160 7 1
                                    

"tita saan nyo po ako dadalhin?"

"basta! magmadali ka at baka hindi na naten iyon maabutan, dali! "

mabilisan namang sumunod ang bata sa tiyahin. ulila na ang bata at sa tita nya nalang ito nakikitira. namatay ang mga magulang nito nung na aksidente ang sinasakyan nilang eroplano nung pauwi na sana sila ng pilipinas maswerte namang nakaligtas ang bata. buhay mayaman ito tila isang prinsesang nabubuhay ngunit nagbago ang lahat ng simulang kupkupin ito ng tiyahin nya na akala nya sa una ay mabaet pero maling mali sha.

limang taon na nung nangyari ang aksidenteng bumawi ng buhay sa mga magulang nya. nasa labas sila ngayon sa malaking mansion na kulay puti at tila ba white house kung tawagin dahil puting puti ang kulay nito at halatang malawak ito sa loob at itim na malaking gate. ang ganda ng bahay na iyon kasing lake lang ng lumang bahay nila na ibinenta ng tiyahin nya. panay ang door bell ng tita nya hangang sa pagbuksan sila nito ng isa sa mga katulong sa loob.

"ano po yun?"

"Anjan ba si mr. buenavista? paki sabi si susan ito at dala ko na ang sinasabi ko sakanya" nagtataka lang ang bata at wala na mang ibang dala ang tita nya kundi ang sarili nito at sha

after 6 years.

"Yaya She!!"

"oh Nana, andyan ka na pala tamang tama maghahapunan na din ang lolo mo sumabay ka na at kanina pa ito balisa sayo"ang sagot naman ng katulong kay Nana.

"sorry po Ya, nag overtime po kasi kami tinapos po namen yung project" agad namang tinungo ng dalaga ang kwarto nito at nilapag ang dala dalang proyekto at nagbihis ng pambahay. bumaba ito at humalik sa pisngi ng matandang si Jude,kumaen kasama ito! Tama, si lolo Jude buenavista ang nagkupkop sakanya nireto kasi ito nung tiyahin nyang si susan, matanda na ang lalake at may seryosong karamdaman. ginawa shang scholar ng lolo jude nya, at tinuring itong parang tunay na Apo.

FLASHBACK

"matalinong bata iyon at hinding hindi kayo magsisisi! mabaet at mapagmahal wala na kasi talaga akong pampaaral dun sa batang yun at nagseselos na din ang mga anak ko dito dahil nahahati ang oras ko. Don jude ampunin nyo na si Nana"

napahawak nalang sa baba ang matanda at napaisip sa sinabi ng dati nyang katulong. kung tutuusin sobrang yaman ng matandang ito at mga katulong lang ang kasama sa bahay. nasa abroad kasi ang mga anak at apo nito at wala ng natira dito sa pilipinas ayaw nya namang iwan ang angking kayamanan nya dito sa bansa para sakanya mahalagang bagay ito at tanging alalala ng namayapa nyang asawa.

END OF FLASHBACK

"sige na lolo last naaaaaa (-.-)" napakamot ng ulo ang matanda

"ang dami dami mo ng naikwento saakin eh. ikaw talagang bata ka magpahinga ka na at alam kong pagod ka hindi ka ba napagod?" tanong ng matanda sa bata.

"pagod po pero nawawala po pag napapasaya ko po kayo lo hehehe sige na po last kwento na po tunkol po ito sa isang diwatang nagngangalang Maria Maire. sige na lolo" pangungulit nito. at pumayag nalang ang matanda dahil alam nitong hindi sha titigilan, habang nagkwkwento si Nana ay namalayan nya nalang na natutulog na pala ang lolo nito

"tapos sumigaw po sha lo..LO?? lolo naman eh.. hayyyyy di pa ako tapos e." napakamot ito sa ulo at nadismaya. dumating naman si Manang Jo para ayusin ang natutulog na matanda laging ganun ang set up nakakatulog ang matanda sa wheel chair nito at pag tulog na pagtutulungan nila Manang Jo at Manang Merci ang matanda na mailipat sa kama. umakyat naman ng kwarto si Nana at doon ay nagbabasa sha ng story book na kinahiligan nya na mula pagkabata.

habang nag aalmusal ang mag lolo napagusapan naman nila ang nalalapit na debut ng dalaga.

"huwag na lo. wala din namang pupunta eh. konti lang po ang mga kaibigan ko at halos lahat po sila ay busy dahil mga scholar din po ito"

"nako nana alam mo ba na ang debut ang pinakamasayang kaarawan ng isang babae dapat hindi mo palampasin iyon" tugon ni yaya She na nag lalagay ng kape sa tasa ng matanda

"eeh ok lang naman po saaken kahit hindi masaya ang birthday ko basta masaya si lolo "

"pag nagdebut ka Nana masaya na din ako. yun ang kasiyahan ko dahil mag ey eytin bertday na ang pinakamaganda kong apo dapat masaya ang araw na iyon at dahil pauwi na din ang isa ko pang apo"

"APO po? s..sino p..po?" nagtatakang tanong ni Nana pero bakas sa mukha ang pag ka excite nito.

"si Esmael!" nakangiting sagot ng matanda sabay inom ng kape.

"si Esmael po lolo? talaga po?" malake ang ngiti ng dalaga kilalang kilala na niya na ito. dahil nakwkwento ito ng lolo nya ang gwapo nga daw nito ayun sa lolo nya. walang mukhang bibig ang lolo nya kundi ang ichura ni esmael at bukod sa napakgwapo malambing din daw ito.

~~~~~

"kinakabahan ako sa pagdating ni sir Esmael"

"hindi yan sa gandang bata ni nana baka ma inlab pa ito dito hindi naman malabo diba? bagay na bagay nga ang mga ito ichura palang"

"oo pero----l"

"shh! ano ba kayo baka marinig kayo ni Don jude magsibalik na kayo sa trabaho"

"hayy kinakabahan talaga ako para sa Nana naten "

"huwag naman sana"

---------------

A/Note: I dedicate this chapter to Jaycer Cerbo,Hi Jaycer my first reader/voter/commentor here in wattpad :) Thank you Jaycer for your time! :) Sorry kung my mga typo pa first time kong magsulat ng story hope you like it! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AKIN KA ANASTASIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon