Love Strings [Oneshot Story]
by: pinky_jenjenEnjoy reading!
__
Love never gives up...- 1 Corinthians 13:7
Dyra Shin Riva's Point of View
Tahimik akong naka-upo habang pinagmamasdan ang tanawin mula sa labas ng bintana. My mind is preoccupied with endless thoughts. Hindi ko magawang pakalmahin ang utak ko — maraming iniisip, maraming pinoproblema.
I don't know when I could feel the inner peace that can mend my mind and heart completely.
"Dyra kumain na tayo. Marami pa tayong aaralin mamaya," aya ni Aba, kaibigan at kaklase ko. Bumalik ang wisyo ko sa reyalidad. Niligpit ko na lamang ang aking gamit at sinabayan na ang kaibigan sa paglalakad.
"Grabe! Tinadtad tayo ng gawain ngayon. Ramdam ko na talaga na graduating tayo!" hinaing ni Aba. I agree to her statement. Pila-pila talaga ang kailangang isipin at problemahin.
Graduating student na ako sa kursong elementary education. Kabilang ako sa dean's list kaya labis ang pagsisikap ko upang hindi na muli matanggal dito.
"Sa library tayo tumambay mamaya pagkatapos kumain."
Napahinto ako sa paglalakad at hindi ito namalayan ng aking kaibigan. Sandaling napako ang tingin ko sa lalaking papunta na rito sa direksyon ko.
May kasabay at kausap siyang babae na hindi ko alam kung girlfriend niya o ano. Bago pa man magkrus ang landas namin, umiwas na ako ng tingin at lumiko ng daan.
As much as possible, iniiwasan ko talaga na makasalubong o makausap ang ex-boyfriend ko. Hindi sa pagiging bitter, hindi ko lang talaga alam kung anong reaksyon ang maaari kong ipakita sa kaniya o ano ang maaari kong sabihin.
I don't want him to notice the unbearable pain and sadness deep within me as he laid his eyes into mine. Sinusubukan kong itago ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pilit na pag-ngiti.
It's been five months since we broke up. He seems already moved on. Samantalang ako, nakakulong pa rin sa nakaraan at hindi alam kung may dapat bang pagsisihan.
Nakakatawa isipin na ako ang nang-iwan, ngunit ako itong mas nasasaktan. I broke up with him and he agreed. Ganoon kadali natapos ang relasyon namin. Pinili kong sabihin ang mga katagang iyon sa chat dahil hindi ko kaya kapag personal.
I would burst out. Sigurado rin akong hihingi siya ng dahilan kung bakit ako nakikipaghiwalay, subalit hindi ko kayang ibigay iyon sa kaniya dahil masyadong immature ang rason ko.
Walang mali sa kaniya, nasa akin ang problema. Maraming akong problema sa buhay ko, lalo na sa sarili. Madalas na negatibo ako mag-isip at nilalamon ng hindi maipaliwanag na kalungkutan. He always here for me to ease all my worries. Subalit, mas nadadagdagan pa ito.
I was frustrated when I almost failed one of my major subjects. Na-disappoint ako sa sarili ko kaya mas dinoble ko ang oras na ginugugol sa pag-aaral. Alam niya ang priority ko at naiintindihan niya iyon. Siya na rin ang nagawa ng paraan upang magkausap kami kahit na pareho kaming may kaniya-kaniyang kailangang gawin.
But I realized, he should focus more on his studies and passion. He shouldn't adjust his time for me. Hindi na niya sana sinasayang ang oras niya kakaintindi sa akin. May mga priorities siya na mas kailangan pagtuunan ng pansin.
BINABASA MO ANG
Love Strings (ONE-SHOT)
Historia Corta"I'm worse and a mess to keep, but he stayed no matter how hard I am to embrace. " - Dyra Shin Riva _ [ONE-SHOT STORY] Photo not mine. Credits to the rightful owner.