27. Going somewhere

8 2 0
                                    

KAZUMI



Sobrang boring kapag bakasyon ano? Kayo ba naboboring na din? Yung feeling na kain-- tulog-- nood movies-- facebook -- repeat. Hayyysss. Bukod sa walang magawa wala pang allowance. Saklap naman.






Mabuti na lamang at binibisita ako minsan nila Krishna and Stella. Minsan naman napupunta dito mga kaibigan ni Kuya which is kasama si Kaiver. Minsan nga nagtama ang paningin namin kaso lagi siyang nakatingin sa dibdib ko. Hindi kaya pinagnanasahan niya ako? Kekekeekkee. Talanders lang.






Syempre pasimple ako nandiyan si crush eh. Kapag nasa sala sila bababa ako kunyari kukuha ng gatas minsan naman tatambay sa pool. Nagtataka na nga si manang eh kasi pwede ko naman daw siyang utusan o kaya si butler na katiwala dito sa mansion kapag wala sila Mommy and Daddy at may intercom naman daw sa kwarto ko dahilan ko na lang na ayoko siyang mapagod para lang kumuha ng maiinom kasi medyo may edad na siya at mukhang nakalusot naman. Hehehheehehehe.







Sana naman. Sana lang naman eh maging productive naman itong bakasyon. Sayang eh, trip ko pa naman pumunta sa boracay or sa palawan mag stroll around.
Mag gala gala. Gusto ko kasi iyon eh.. Iyong paminsan minsan free-spirited. Hayyyss. Pang ilang sigh ko na ba ito?




Makapag facebook na nga lang ulit.




*Newsfeed




*Scroll





*Scroll




Stella Sandoval

Done packing my things. Hk be ready here we come!

Likes 82648 Comments 239 Shares 20

Hay. Buti pa si Stella pupuntang Hong Kong. Ni-like ko na lang ang post niya. And nag comment ako na ingat siya and pasalubong. Hehehehehe

*scroll

*scroll






Sexy si Krishna

Just bought a Hello Kitty luggage! Sana magkasya lahat ng dadalhin ko. Going somewhere outside the Philippines. Yehey!

Likes 12345 Comments 100 Shares 89






Aish! Si besh din? Huhuhuhu. Mukhang ako lang yata ang hindi masaya ngayong bakasyon. Itulog na lang natin ito. Wala eh sila lang masaya.






Makatulog na nga lang. Talukbong kumot. Mas mabilis kasi ako makatulog kapag very minimal light lang ang nakikita ko. Habang nakatalukbong naramdaman kong may pumasok dito sa kwarto. And I know who have the gut to do that-- always.





"Hoy 'lil sis. Bangon!" I know right? Hindi ko nga kinibo. Nye nye nye. Bahala siya diyan. "Kuya! Ano ba put me down!" Aish! Binuhat lang naman niya ako. "Go! Shower yourself we are going somewhere. And I am giving you an hour to do that" grabe talaga makautos!








"What is it this time kuya? Hello, fyi wala ng pasok ngayon. Where are we going anyway?" Wala naman kasi siyang nasabi na may pupuntahan kami or what.
Ura-urada pa! "You will know later." Yun lang ang sinabi niya at lumabas na ng room ko.





Okey. Bahala siya. Magbababad ako sa tub. Mga 2hours.. ay hindi mga 1hour na lang. Hehehehehhehe.



KRISHNA

What to do? May nagmagandang loob lang naman na magbigay sa akin ng engrandeng vacation. At dahil diyan papansit ako! De joke.




I need to buy my luggage. Well, ayoko kasi ng paulit ulit ang gamit. Gaya ng damit, isang suotan lang tapos stock na. Hindi na ako mag aabalang suotin ulit for the 2nd time. Reason? Wala lang trip ko lang hehehehehehe. Pwede na nga akong magtayo ng boutique or ukay ukay eh o kaya online shop kaso hindi ko magawa kasi karamihan, I mean halos lahat ng gamit ko puro hello kitty. Tignan ko pa lang mukha ni hello kitty ay naaawa na ako. Kaya nevermind na lang.




So, nandito ako ngayon sa mall ng friend kong si Stella. Favorite mall ko ito kasi kahit saang shop ako bumili sasabihin ko lang ang ever gorgeous name ko eh automatic na may discount na ako. I know Stella who's been a generous friend have something to do with this.



Dito na lang ako sa loob ng department store lagi nagsshopping kasi nandito na lahat. I mean, mas mahirap at mas matagal ako makakapamili kapag iba't ibang shops pa ang pupuntahan so bakit ko pahihirapan ang sarili ko?





Uhhmmm, may isang section sila dito na puro hello kitty stuffs kaya naman dito ako natambay ngayon at nahihirapan kung alin sa dalawa ang pipiliin ko isang light pink at isang puschia pink na luggage.





"Mas maganda iyong puschia pink na lang. Mas madumihin ang light pink lalo na sa isang katulad mo na mukhang burara. Sorry just saying",




Aba't kelan pa nagsalita itong kutong lupa na ito? At bakit ba siya nandito? Aba naman kung minamalas ka nga naman. Men!




"Mister 'whoever you are' I am not asking for your opinion 'kay? Don't you find it rude? At saka bakla ka ba? Don't tell me gusto mo din si Hello Kitty?", taas kilay kong sabi sa kanya. Bakit papatalo ba ako?






"Hell no! Miss 'whoever I am' hindi ako bakla, it just so happen na may reregaluhan ako na mahilig sa hello kitty. Pero if you realy insist na bakla ako better think twice baka halikan kita bigla diyan",






Sige nga patesting? Hey! Stop it Krishna gwapo siya pero arogante. Sa school pa lang hindi ko na siya feel. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Hmmmmm, maputi.. walang ka-pores pores ang fes, I doubt kung nakafoundation siya or may nilalagay sa mukha?





"Gwapo lang ako, pero hindi ako bakla!" Wait! Nabasa ba niya utak ko? "Okey, if you say so".






And dahil malapit na akong mainis tinabig ko na siya ng malakas habang hila hila ang luggage na hindi ko na pinagka abalahan na tignan.





Hmmmmmpp! Kunwari pa siyang may pagbibigyan. Uso na iyan ngayon eh super gwapo iyon pala in the end bakla. Sayang si kuya-- aish! Wala akong pake!

▪▪▪▪▪▪▪▪▪

Once There Was LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon