chapter 1

3.9K 61 0
                                    

Ang istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at ang lahat ng mababanggit na lugar,,tao,,pangalan at pangyayari ay pawang imahinasyon lamang ng may likha.

Gusto ko lang malaman nyo na masama po ang ugali ko hindi ako katulad ng ibang otor na kilala nyo or something like mabait or feeling close sa mga readers gusto ko kase na ako yung kusang pumapansin hindi naman sa mapagmataas ako sadyang ayoko lang na tingalain katulad ng sa kanila dahil ako dapat ang tumitingala sa inyo dahil kung hindi dahil sa imahinasyon nyo ay hindi magiging maganda ang story na ito so pano guysssss suppooooorttttt nyo ko ahh don't forget to vote share and comment.

Ehryn's POV

Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko na nakapatong sa side table pabalikwas na bumangon ako at pinatay yon. Matapos kong magmunimuni ng ilang segundo ay dumeretso ko sa wash room ko at saka nagsipilyo at naligo.

Matapos kong maligo ay tumingin muna ko sa full length body mirror ko at saka ngumiti. Sinulyapan ko pa ang long sleeves at skirt na isusuot ko. Ngayon ang unang araw ko sa Freedom University kaya naman sobrang excitement ang nararamdaman ko.

"Ryn !! Breakfast is ready !!". Sigaw ni mommy sa labas ng kwarto ko habang kinakatok pa ang pinto.

"Susunod na !! Nagbibihis lang". Sagot ko at saka kinuha ang uniform kong nakasabit sa walk in closet ko.

" okay baby !! Don't forget to dressed yourself well !". sabi nya pa at saka ako nakarinig ng yabag na papalayo kaya naman hindi na ko sumagot at ipinagpatuloy ko nalang ang pagbibihis.

Matapos kong mag ayos ng sarili ay napagdesisyonan ko na rin na bumaba at sakto naman kumpleto na sila don.

"Good morning". Bati ko sa kanila at naupo sa assign chair ko.

Itlog,ham,hotdog,corned beef,bacon,sausage at tocino ?? Psh yan na yung ulam kahapon inulit nanaman peste !!

"Kain na tayo ". Sabi ko at astang susubo na ko ng biglang tignan ako ng masama ni dad kaya naman naibaba ko ang spoon na malapit na sa bibig ko.

"Matuto kang magpasalamt bago ka tumanggap ng grasya". Sabi ni dad at saka nag sign of the cross ganon din si mom nakigaya narin ako. Wala namang mawawala eh hahahahaha.

"so alam mo na ba kung anong building mo at kung anong section mo ??". Seryosong tanong ni dad ngumiti muna ko bago sumagot.

FREEDOM UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon