Chapter five

585 8 0
                                    

SEAN'S POV

"Bro!! Dito tayo bilis!!". Napangiti ako sa itsura ni Nlee. Nakaupo sya sa harap ng stage at hawak hawak ang script nya. Habang parang siraulong ngisi ngisi sa harap ni Raijin.

"Tsk !! Bakit ba kase pati kame nadamay sa drama drama na to !?? Ano namang alam namin dito?? Dapat ang isali nila dito yung mga babaeng nagkakapalan ang make up at yung mga lalaking pang leading man ang dating hindi tayo!!". Iritableng sabi ni Radlee na nakasimangot habang binabasa ang sa kanya.

"Sige na !! Basahan mo nalang satsat ka ng satsat kapag yan hindi mo nakabosado hindi na ko sasali sa grupo niyo!!". Pagbabanta ni Nlee. Pinandilatan lang siya ni Radlee at saka napapabuntong hiningang lumapit sa tabi ko.

"Ayos ka lang ?? Kung hindi ka pa okay pwede ka munang mag isa. Naiintindihan ka naman namin magsabi ka lang.". Taka pa kong napatingin sa kanya dahil sa sinabi nya.

"Psh !! Okay lang ako !! Desisyon nya yon at ginusto nya dun sya masaya kaya okay lang sakin". Kinwang natatawang sabi ko at nagsitinginan naman silang lahat sakin. Kasalukuyan kaming nasa gym at nagkakabisa ng script para sa drama club na sinalihan ni Nlee at pati kami ay idinamay pa.

"Boy! Alam ko yang ganyang style mo!! Samin ka pa ba naman magtatago aba eh parang iisa nga lang takbo ng utak nating lahat maliban lang kay Mherx at Raijin eh!!". Makahulugang sabi ni Jeio. Napabuntong hininga naman ako at agad na pinigilan ang pamumuo ng mga luha sa mata ko. Kung tutuusin ay para na rin akong namatay sa pagkawala ng kambal ko. Hindi ako showy katulad nila hindi ko ugaling ipakitang may pakialam ako dahil ayokong isipin nila na may masasandalan sila gusto kong maging matapang sila para harapan mag isa ang problema na walang inaasahan kundi ang mga sarili lang nila. Saming anim na magkakaibigan ay ako lang ang nakakapagisip ng maayos pag problema na ang pinag uusapan lahat sila ay galit at pride ang pinapairal.

"am i really that weak?? How could i let him die in front of me?? How could i didn't anything to protect him ??". Parang siraulong kausap ko sa sarili at ramdam ko naman ang bigat ng mga pagjinga nila.

"No one knows he will do that for her but we have to stand for that. Wag kang panghinaan ng loob Sean hindi naman sa lahat ng oras kaylangan mo maging matapang eh minsan talaga kaylangan mo rin magpakahina para sa mga taong nakapaligid sayo". Tinapik tapik pa ko ni Jeio sa balikat saka ito naglakad papalayo. Astang tatalikod na rin AI ng bigla tumayo si Raijin kaya naman nabaling sa kanya ang paningin ko.

FREEDOM UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon