Yuri's P.O.V
Nagising ako ng masakit ang ulo
Fck that hang over
Agad ko namang sinilip sila Snow at himalang hindi ko sila nakita .
Di nila ako ginising ? Sinong anghel ang sumapi kay Snow at di nambulabog ?
Nagulat ako ng biglang nagring yung phone ko.
"Hello Yuri ? "
"Yes ma !"
"Kelan nyo balak umuwi ? Okay lang ba kayo jan ?"
"Yes po. Balak ko- na rin po namin na umuwi bukas "
"Okay . That's great ! We'll wait for you bukas ha . Mag iingat kayo jan"
"yes ma . I love you . Bye"
agad akong tumayo at naligo . Uuwi na kami bukas . Di nako komportable dito
Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas nako para hanapin yung dalawang babaeng yon
San na kaya ?
Habang naglalakad ay sa malayo ako nakatingin upang tanawin sila Snow
Ngunit sa kamalas malasang malas e may natapakan akong kamay ng isang nilalang na naka upo sa tabing dagat
"Fck"
agad naman akong napatingin sa taong nagmamay ari ng kamay na naapakan ko
Kingina . Pag tinamaan ka nga naman ng lintik ! Ang maangas pang nilalang ang nakatagpo ko
"Pasensya na . Di ko sinasadya"
Alam ko namang kasalanan ko kaya kahit na ka mutual ko sya e humingi na rin ako ng pasensya
"Are you f*ckin blind ? Can't you see that someone's here . Stupid"
Kingina . English !
Im nose bleeding -_-#"Sorry na nga e. May hinahanap kasi ako kaya di kita nakita"
Agad naman syang napailing at parang di naniniwala sa sinabi ko
"Liar ! I know you have a crush on me . Kaya lagi kitang nakikita and now you are making moves para ma notice kita"
E ?
E siraulo pala to e. Napakalaking assumero
"E mister-"
"And now you're calling me mister ? I guest you wanna know my name ?"
Tulungan nyo ko ! Sasapakin ko to ! Kahit isang araw sa kulungan kakayanin ko mabangasan ko lang muka netong mayabang nato .
Punong puno ng confidence sa katawan e.
"e siraulo ka palang assumero ka e. Ni hindi ko nga alam na naandyan ka e. Saka, aanhin ko yang pangalan mo ? Buti sana kung maibebenta ko yan . Tigilan mo yang kayabangan mo at baka makatagpo mo tong kamao ko"
Iniharap ko sa kanya yung kamao ko . Oo maliit ako pero marunong akong manapak ng tao lalo na ng assumero
"You know what ? You're insane"
Sa inis ko ay inapakan ko ang paa nya
agad naman syang napakapit sa kamay nya
"insane insane . Assumero ! Wala ka sa kalingkingan ng Ex ko kaya tigilan mo !"
At saka ako mabilis na nanakbo palayo.
Ngayon lang ako nakakita ng taong saksakan ng kayabangan.
YOU ARE READING
Diary ng Broken Hearted
TeenfikceNasaktan ka na ba ? Naranasan mo na bang maiwan ? Yung tipong, di mo alam yung dahilan ? Nakakatanga diba ? ˋ︿ˊ Kingina e. Sa haba ng pinagsamahan namin Ganon ganon nalang ? Tae lang . Tss. Para kong tinampal ng Reyalidad at nagising sa isang kaka...