Chapter 1

22 2 2
                                    

Chapter 1: Finding love, error exist.

Nakatanaw ako ngayon sa isang malawak na paligid na tuluyang nababasa dahil sa malakas na daloy ng ulan. Nagpapahiwatig na umiiyak na namang ang kalangitan na nagbibigay naman ng saya sa mga tao dahil sa klimang dala nito. Pero alam mo ba na ang ulan para ding tao? Taong nasasaktan at hindi kinakaya ang lahat at bigla na lamang iiyak. Sing lamig ng klima ang kanyang nararamdaman dahil wala ni isa sa kanyang mga minahal ang nagtangkang magseryoso dito pero gaya nga ng ulan pagkatapos ng ilang mga sandali mayroon paring bahaghari na lilitaw at magbibigay ulit sakanya ng rason para magpatuloy muli. Parang sa tao din pagkatapos nating masaktan mayroon paring isang taong gagamot sa lahat ng mga sugat na nakuha natin sa mga taong nanakit satin. Isang taong kayang magbigay ng init at liwanag sa buhay nating sing dilim ng kalangitan kapag umuulan. Hindi naman kasi mabubuo ang rainbow kung walang araw na lilitaw diba? Kaya kahit gaano man kahirap ang nararamdaman mo ngayon lilipas din yan pagdating ng panahon.

Kringggggggggg..kringgggggggggg......

"Alexa, may tumatawag sayo!" sigaw ni sophia na isa sa mga kaibigan ko at dali daling binigay ang phone

Bigla akong natauhan sa pagkatulala ko habang pinagmamasdan ang ulan sa labas ng room namin at mabilis ko namang sinagot ang tawag at mabilis din kaming natapos. As usual si mama kong napakasweet na naman ang tumawag. Pinapaalala sakin na wala siya namaya dahil may pupuntahan daw siyang importante. Tinanong ko kung saan pero hindi na niya sinabi at mabilis na pinatay ang phone. Siguro sa kaibigan niya na naman na matagal na niyang binibisita? Ewan basta alam ko masaya si mama kapag pumupunta siya doon pero never niyang sinabi sa akin kung saan iyon at wala din naman akong balak na malaman dahil may tiwala ako kay mama. Wala na kasi si daddy. Namatay sa isang car accident at magsimula noon naging cold na ang bahay namin. Pagkapasok ko ng school aalis agad si mama para bisitahin yung sinasabi niyang kaibigan at dahil alam ko namang walang mali doon pumapayag ako.

Pumasok nako ng room at mabilis na umupo sa pwesto ko dahil next subject na after 4 mins. Pagkaupo ko palang agad ng tumingin patalikod si sophia. Nasa harap ko siya at everytime na may tumatawag sakin lagi niyang tinatanong kung sino ito. Haha single kasi kaya akala niya lalaki. Laging gustong magpalakad kasi sobrang desperado ng magkaboyfriend pero napakabait at sweet nitong kaibigan kong ito. Bukod kay mama siya lagi ang kasama ko everytime na wala akong karamay.

"Hoy alexa gong sino na naman yon! Lalaki mo no? Ikaw talaga share ka naman oh?" sabi nito sabay ngiti na parang excited makarinig ng kwento haha

"Wala 'yon gaga! Si mama lang" sagot ko naman dito sabay pisil sa pisngi niyang mataba

"Ahhh, aray inggit ka na naman sa fluffy cheeks ko haha!" sabi nito sabay tawa at ganon din ako pero mabilis din napatol ang tawanan namin dahil pumasok na si mr. Ramirez na math teacher namin.

"Good morning class!" malakas nitong sabi

"Good morning din sir" mahinahon naming sagot

Ayon na nga at pinaupo na kami at nagstart ng mag lesson si sir. Pero speaking of this subject alam ko meron kaming graded recitation today pero ngayon ko lang napansin na wala pa si Marc, isa din sa mga malapit kung kaibigan. Sa katunayan lima kami yung dalawa napunta sa ibang section nagkakilala kami at nagsimula ang barkada namin nong 2nd year pero pagsapit ng 4th year nagkahiwalay na kami. Sina hannah at justin nasa kabilang section. Samantalang ako, si sophia at si marc magkakaklasi. Si marc yung kaibigan naming kabaligtaran ni justin. Mabait, matalino at matino kasi to while si justin jusko mayabang, malibog pero mabait naman. And speaking of marc bakiy hanggang ngayon wala pa siya? Ano kaya nangyari doon? Hindi ugali ni marc na magpalate lalo na kung usapang grades.

"So now we will start the graded recitation. Noted naman kayong lahat doon diba?" tanong ni sir

"Yes sir!" malakas na sagot ng mga kaklasi ko

"Anyway before we start it i forgot to ask whos absent?" tanong ulit ni sir at nagsimula ng mapatingin ang mga kaklasi ko sa kanya kanya nilang seatmeat pero dahil wala nga si marc at katabi nito sophia. Nagtaas ng kamay si sophia at sinabi kay sir na wala nga si marc

"Sir, marc is absent po" sabi nito habang nakatayo

"Anyone of you knows why marc is absent? I cant believe it, marc is one of the top students and now hes absent sa graded recitation pa natin? Wala ba siyang excuse letter or what na binigay sa inyo o kanino man?" tanong ulit ni sir

"Sir? Tingin ko po linagnat siya dahil sa nangyari kahapon?" sabi ni jayson isa sa mga kilala ni marc

What? Ano na naman kayang nangyari sa lalaking yon? Nakakagulat lang kasi hindi talaga ugali mi marc ang magabsent kahit may sakit pa yon

"Really? Ano bang nangyari sakanya kahapon?" tanong ni sir dito

"Sir? I really dont know po eh? Baka si cathy po may alam siya po kasi yung malapit kay marc eh?" sagot ulit nito

"Cathy? Whos cathy?" nagtatakang tanong ni sir kay jayson

Oo nga sino nga ba yon? Girlfriend ni marc? Malabo! Torpe yon never siyang magkakagf!

"Liniligawan po ni marc!" malakas na sagot ng lalaki sa likod ko

Halos lahat kami nagulat kasi hindi namin akalain na may liniligawan pala si marc. Sa torpe niyang yon. Tahimik pa sa langgam yon eh!

"Hoy alexa may alam ka ba doon?" mahinang tanong ni sophia habang nakaharap sakin

"Huh? Wala! Hindi ko nga kilala yung cathy na yon eh!" sagot ko dito

"Hindi ko alam na binata na pala si marc haha" patawang biro ni sophia at sabay kaming nagtawanan

At yon nga sinimulan na ni sir yung graded recitation kahit wala si marc at siguradong pwede niyang ikabagsak yon. Ilang minuto din ang tinagal ng recitation and finally natapos na din. Mabilis na nagayos ng gamit ang mga kaklasi ko. Kanya kanyang pasok ng gamit sa bag. Yung iba nagaayos na dahil class dismissed na namin

"Sir pwede na umuwi?" tanong ni sophia

"Yes sophia you can now leave! Kanina pa ang class dismissed remember?" pilosopong sagot ni sir dito

Biglang nagtawanan ang mga kaklasi ko ganon din ako. Habang si sophia hiyang hiya kaya hinila niya na ako palabas ng room

"Ikaw no pinagtawanan mo rin ako! Kainis ka" sabi nito at biglang nagisnob

"Biro lang yon gaga" sagot ko dito

"Oo na! Anyway bago tayo pumunta ng dorm puntahan mo na natin si marc?" sabi nito at biglang ngumiti

"Diba bawal pumunta sa dorm ng mga lalaki ang mga babae?" sagot ko

"Sandali lang tayp ako bahala sa guard" mahinang sagot nito at hinila na ako palayo papunta sa dorm ni marc

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon