Chapter 46:New Students

9.9K 268 37
                                    

Ellisay's Pov

Nang makapasok ako sa silid ni King Drack.May nakita akong isang pamilyar na tao.

Si Ace ba iyon?Nakikipag-usap siya kay King Drack.Kasapi ba namin siya?!

Napatingin ako kay King Drack na di ko namalayan na nasa harap ko na.Kaya't yumuko ako.

"Magandang hapon,Mahal na Hari"hinawakan ni King Drack ang aking baba at itinaas niya ito upang makita ko ang kanyang mukha.

" May pagtataka ang iyong mukha, dahil ba ito kay Ace?"sabi niya sa akin na parang bulong lang.

"Opo,Mahal na Hari , anong ginagawa niya rito?at kakampi ba natin siya?bakit hindi ko po alam?" Nakakunot ang aking noo ng tanungin ko ang mga tanong sa aking isip.

"Wag kang mag-alala Ellisay.Kakampi natin siya pero hindi ko pwedeng sabihin sa iyo kung bakit siya nandito at anong ginagawa niya dito." Sabi nito habang nakatapat ang kanyang bibig sa aking tenga.

Bakit hindi ko pwedeng malaman?Nagdududa ba sa akin ang hari?O baka naman akala niya hindi na ako kasapi sa kanila?

"Mahal na hari,wala po ba kayong tiwala sa akin?" Halos pabulong kong tanong.Ngumiti naman siya tapos hinawakan ang aking kamay at hinalikan ito.

"May tiwala ako sa iyo Ellissay. Kaya nga kita ginawang isa sa mga alagad ko diba?upang pagsilbihan ako at makaganti kay Athena?Pero iba na ang aking plano,kaya manood ka na lang sa mga darating na pangyayayari" sabi niya at tumingin saglit kay Ace.

Biglang nawala si Ace sa kinatatayuan niya at biglang napunta sa harap namin.Ngumisi siya ng nakakakilabot habang nakatingin sa akin.

"Kalaban ka pala Ellissay. Galing mong magpanggap ah?kamusta na sila?ang mga hadlang kong mga kaibigan?At si Athena?hinahanap ba niya ako?" -Ace

Ngumiti ako sa kanya ng nakakaloko at inakbayan siya.

"Wag kang mag-alala Ace.Tayo ang mismong maghihiwalay sa kanila.Kasi mukhang may nagaganap ng hindi maganda sa kanilang dalawa e, ang ibig kong sabihin parang may namumuong pag-ibig.Sa katunayan nga ay magkasama sila ngayon. At nung isang araw hinahanap ka niya." Pagkasabi ko sa kanya non, ngumisi siya at tumingin kay King Drack na ngayon at nakatingin ng nakakaloko sa amin.

Ngunit nagpaalam si Ace dahil may aasikasuhin pa daw siya,kaya naiwan kami ni Haring Drack.

"Nasaan siya?Ang isa mong alagad na gumagawa ng mga plano mo?Umalis kasi siya kanina at alam kong dito punta niya.Asan siya Mahal na Hari?"

MAGIAN ACADEMY : The Legendary Princess | UNDER REVISION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon