3rd Person's POV
Hindi alam ni Lily kung saan pupunta matapos siyang mapalayas sa inuupahang bahay. Ang sabi kasi ng may-ari sa paupahang bahay na si Aling Dina ay darating na ang anak nito mula sa ibang bansa at doon iyon tutuloy sa bahay na pinaupahan sa kanya. Mabuti sana kung noong nakaraang linggo pa nito sinabi na kailangan na niyang umalis upang sana'y nakahanap siya ng malilipatan man lang. Ngunit heto siya ngayon.
Nagpasya siyang pansamaltalang tumuloy muna sa isang maliit hotel ng ilang araw upang may matulugan siya habang naghahanap ng malilipatan.
May kaya ang pamilya ng kanyang ina ngunit kaylanman ay hindi siya lalapit dito upang humingi ng tulong o pera. Sapat na ang naipon niya para makapagsimulang muli pagkatapos mamatay ng kanyang pinakamamahal na ama. Sa kadahilanang kahit kailan ay hindi naman siya tinuring na pamilya at anak ng mga ito matapos ang isang kaguluhang naganap noon . Kaya nga noong naghiwalay ang mga magulang niya at pinalayas ang ama niya sa mansyon na dati niyang tinuring na bahay ay sumama siya sa ama.
Sinisi at itinuro kasi ng kaibigan ng lolo niya ang kanyang ama na ito raw ang nagnakaw sa pera sa kwarto nito nang ito ay tumuloy sa bahay nila nang magkaroon ng munting salo-salo ang kanyang pamilya sa bahay nila. Ngunit alam niyang isa lamang iyong frame up na isinagawa laban sa kanyang ama ngunit hindi niya alam ang dahilan kung bakit nagawa ng mga ito iyon at kung sino sino ang mga taong gumawa at nagplano rito.
Ang pangyayaring iyon ang dahilan kung bakit niya ginustong kumuha ng kursong Criminology. Ngayon naman ay isa na siyang ganap na pulis. Nais niya kasing muling buksan ang kaso ng kanyang ama. Namatay man ito, ngunit nais niyang linisan ang pangalan nito sa kanyang pamilya at sa publiko. Patutunayan niyang isa itong mabuting tao. Hindi dahil gusto niyang muli siyang tanggapin ng kanyang lolo at ina. Mahal niya ang kanyang ama kaya't gagawin niya ang lahat upang maging tahimik at matiwasay ito sa langit. Sapat na iyong dahilan.
Matapos niyang makapagcheck in at ideposito ang mga gamit sa loob ng kwarto niya ay bumaba siya upang bumili ng makakain sa maliit na cafe na nadaanan niya sa ibaba. Pagkarating niya sa loob, lumapit siya sa counter para umorder. Ngiti ng isang napakacute na waitress ang bumungad sa kanya.
"Good morning ma'am, ano pong order niyo?" tanong nito.
"Isang frap at dalawang slice ng chocolate cake. Thank you." ngumiti siya rito tsaka inabot ang bayad.
Binuhat niya ang tray na naglalaman ng kanyang order tsaka ikinalat ang tingin kung may available pang upuan. Nakita niya ang pangdalawahang mesa. May nakaupo doon sa isa ngunit lumapit siya patungo roon.
"Pwedeng makishare ng table?". Tanong niya sa Nakaupo roon.
"No. Go find another seat." MAsungit na sagot nito ng hindi man lag lumilingon sa kanya. Sumimangot siya at sumagot.
"Eh sa wala na ngang available seat. Bahala ka jan. Basta nagpaalam na ako." Padaksol siyang umupo saka nag-umpisang kumain. Bahala siya. Edi siya ang lumipat kung gusto nito. Hmp.
Ramses' POV
Abala ako sa pagchecheck ng emails na ipinasa sa akin ng sekretarya ko. I asked her to email me the monthly report about the company's transactions and investments and the ledger for the financial statement from the accounting department. At nagreklamo pa. Kesyo bakit ngayon ko lang daw sinabi and such. Damn it. If only she's not my cousing, I would have fired her in no time. Then a certain girl asked to shared a table with me and without looking at her, I declined because she might disturbed me from what I'm doing.
Isa pa tong babaeng ito. Matigas din ang ulo, sinabi nang hindi kaso ito pa ang may ganang magtaray. Napatingin ako sa dalagang kumakain sa harapan ko. She's cute, very pretty. No! Her face is a combination of an angelic face and cute face but there's something in her presence, there's an authority, a strong personality hidden on that pretty face, or more than that, I can't name it.
BINABASA MO ANG
One-Sided Love
Non-FictionLoving someone who doesn't love you back is like free falling from high above without anything to land on. It's called One-Sided Love. Will you give up on loving that person or continue to love him unconditionally?? A/N: This is a TagLish story.. Di...