Prologue

6 0 0
                                    

"Hi." bati niya sa nakasalubong niyang babaeng matagal ng inaasam ng kanyang puso. Ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya ng buo ngunit sa panay sakit lang ang idinulot niya dito.

"Hello." Bati nito pabalik at ngumiti sa kanya. Isang maaliwalas at sinserong ngiti and iginawad nito, ngunit may kulang. Wala na ang ngiting lagi nitong ibinibigay sa kanya noon, ngiting punong puno ng pagmamahal, ang mga mata nitong kumikislap sa tuwing titingin ng diretso sa kanyang mga mata.

"May sasabihin ka ba?" maya-maya'y tanong nito. Bumalik siya sa kasalukuyan. Hindi niya na pala namalayang napatulala na siya.

Walang salitang namutawi sa kanyang bibig. Wala siyang ibang nais gawin kundi ang yakapin nang mahigpit ang kaharap niya.

"Maari na ba akong umalis? K-kung wala ka nang sasabihin? May pupuntahan pa kasi ako." paki usap ng nito saka nagbaba ng tingin. Hindi parin siya sumagot, patuloy lang siya sa pagtitig dito.

"Sige, mauuna na ako." Marahil ay nabagot na sa kahihintay kung may sasabihin ba siya. Tatayo na dapat ito ng magsalita siya bigla.

"Lily." Tawag niya dito.

"Yes?"

"Can we go out some other time?" Gumuhit ang kyuryosidad sa mukha ng dalaga. Napapantastikuhang tumingin sa kanya ang babae. Napaka-cute talaga nito kapag naguguluhan.

"Please?"

"A-ano kasi. M-" bago pa tuluyang makasagot sa kanya ay may tumawag ditong lalaki.

"Duchess!" tawag nito bago tuluyang makalapit sa kanila. Lumingon ang kasama niya sa pinanggalingan ng boses. Nang mahagilap ng mga mata nito ang tumawag sa kanya ay may namutawing mumunting ngiti sa mga labi ng dalaga.

"Kanina pa kita hinahanap." sabi nito.

"Pabalik na din naman ako eh." Sagot nito rito.

"Mauna na kami pre ha? Arch nga pala." sabay lahad nito ng kamay. Inabot naman niya iyon.

"Ramses." tipid nitong sagot.

"Pano? Alis na kami ha? May date pa kami eh. " tumalikod na ang mga ito sa kanya at naglakd paalis sa lugar na iyon.

Date? Tch. Mas bagay naman sila ni Lily. At Duchess pa talaga ang tawag? Walang sinuman ang pinayagan si Lily na tawagin siya sa ikalawang pangalan nito, maging siya man noon. Gumuhit ang kirot sa kanyang dibdib. Ramdam niya ang sakit na dulot ng pagkawala ng pagmamahal ng dalaga sa kanya.

Kung sana, noon pa lang ay pinaramdam na niya ditong mahal niya din ito gaya ng pagmamahal na ipinaramdam nito sa kanya noon. Kung sana ay hindi siya nagbulagbulagan noon sa tunay niyang nararamdaman. Kung sana noon pa ay inalis na niya ang galit na bumalot sa puso niya. At kung sana lang ay matagal na niyang inamin sa sarili niya na mahal niya ito. Marahil siya ngayon ang nakahawak sa kamay nito. Siya dapat ang may hawak sa puso nito. Ngunit ngayon, hanggang puro "kung sana" na lamang siya.

Si Lily ang kaisa isang babaeng nagpatibok ng puso niya. Ang babaeng minahal niya at patuloy niyang minamahal. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Tumingala siya upang pigilin ang mga luhang mahulog. Siguro ganito rin ang nararamdaman nito noon. Masakit. Parang sinasaksak ang kanyang puso ng paulit-ulit hanggang sa madurog at maging pino ito. Masakit na masakit at hindi na niya kaya pang isipin na kahit kailan, hindi na mapapasakanya ang babaeng bumihag muli sa kanyang puso.

Before, it's her one sided love. I guess, this time, it's his already.

A/N: Napahaba ang prologue.. Hope you like it :)

One-Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon