Elizah's POV
"Take care of yourself okay baby?" sabi ng Kuya Marcus niya at hinalikan siya sa noo. Ang Kuya Martin niya naman ay hindi na umalis sa likod niya naka-yakap ito mula sa likod at talagang habang naglalakad siya'y sinusundan siya nito habang nakayakap!
"Kuya!" saway niya dito ngunit hindi ito nagpatinag.
"Dito ka lang sa bahay bunso. O kaya doon ka na lang sa condo ko kasama mo si Jackie don."
Natawa siya. Clingy talaga ang Kuya Martin niya lalo na sa kanya kay Ate Mari.
"Kuya hindi pwede.. I need to start all over again and prove myse--"
Sumimangot ito.
"You already do! Dad you can't do this to our Princess!"
Makulit talaga si Kuya Martin at dahil doon natawa si Dad at binatukan siya at tuluyan ng inilayo sa akin.
"Pa!" reklamo nito ng ialis siya sa tabi ko nakakatiwa talaga si Kuya.
Tumingin ako sa paligid at nakitang wala si Mommy.
"Dad? Si Mommy po? Hindi niya po ba siya magpapaalam sakin? "
Nag-iwas silang lahat ng tingin. Hay nako alam ko na baka nasa kwarto niya at umiiyak.
"I will call her baby." sabi ni Ate Mari at umalis na. Tinignan ko naman si El. Wala naman siyang expression siya kasi maghahatid sa akin sa apartment ko.
"El nakita mo na ba ang apartment ko?" hindi nagsalita si El at umiwas lang ng tingin.
"yes. It's spacious enough."
Sumimangot siya at may ibinulong "I will not let you stay there." Lumingon ako sa kanya at nagtanong
"Ano yun El?" he just 'tsk' saka ako inismiran! Aba hindi ata siya nagkukulit sa akin?! Saka ang init init ng ulo niya! Buset na to dagukan ko to e.
"Maria.. " boses iyon ni Mommy! Bakit mugto ang mga mata niya? It pained her seing her in that state but she manage to flash her a sweet smile.
"Mom.. Bakit ka ba umiiyak?" Lumapit ako kay Mommy at niyakap siya. "Ma aalis lang ako at bubukod sandali.. And mind you Mom I'm already 21 years old no need to cry.."
Dahil sa sinabi kong yun lalong humagulgol si Mommy na ikinatawa naman naming lahat.
"Don't laugh! Malay mo pagbalik mo dito buntis ka na!"
"Mom!" bulaslas niya dahil sa sobrang gulat.
Bumitaw ako kay Mommy at hinaplos ang mukha niya.
"Mom don't worry this is my new beginning." sabi ko at hinalikan siya sa noo.
NANG nasa sasakyan na ako hindi ko mapigilan malungkot. Panibagong buhay para sa akin. Anim na buwan akong magiging ganito. Tahimik lang naman si El. Kaya natulog na lang ako.
"Elizah we're here." sabi niya at tinapik ang pisngi ko.
"hmm.. " Nag-inat pa ako sandali at bumaba na sa kotse niya. Dala ang maliit kong maleta at isang shoulder bag na naglalaman ng mga make-up at pang-personal hygiene ko.
Nakita ko ang bahay na tutuluyan ko. Rerentahan ko ito ng 5,000 a month wala pa ang kuryente at tubig. May gate ito na kulay red at may maliit na garden at maliit syempre na bahay at para lang talaga siya sa isang o dalawang tao.
Pumasok na kami at ang bumungad sa akin ay maliit na hallway sa kaliwa ay mini walk in closet sa kanan naman ay maliit na cr na may toilet, lababo at nakahiwalay ang shower room na maliit din! Kafrustrate!
YOU ARE READING
Secretary's Secret.. SHHH
General FictionI have this little secret.. That no one should ever know for me to become the official heiress of my Family.