New Elizah

10 0 0
                                    

Elizah's POV
"Anak this is for the best."

Nag-init kaagad ang ulo niya. What is the best in that set-up?! She will work as an enployee?! To the W - World INC?! NO FUCKING WAY!

"Dad.. Please of all company why there and I'm a Vice President of A&A and then?! A secretary in a much lower company than ours?! Dad, that is the company of the men i hate the most."

Halos umiyak na siya sa pagmamakaawa sa Daddy niya na huwag doon pero..

"Anak this is the way to prove yourself that you are strong and unbeatable heiress of A&A. And this is for you Maria."

Isang halik sa noo ang binigay ng kanyang ama bago umalis sa kwarto.

Bukas na bukas din ay aalis siya papunta sa apartment na masikip! Magsusuot ng mga damit na hindi branded! At higit sa lahat.

Bukas..  Hindi na siya si Maria Elizabeth Alcantara. Siya na si Maria Adamson isang typical 21 years old na dalaga nakatira sa isang maliit at masikip na apartment at sekretarya ng isang Williams.

Oh how she hates Williams! 

Dahil ang lalaking nanakit sa kanya ay isang Williams. Hanggang ngayon hindi niya pa rin makalimutan ang isa pinaka nakakahiya at pinaka masakit na nangyari sa buhay niya.

5 years ago

El and Elizabeth - 16 years old (4th year highschool)
Tucker and Brianna - 19 years old (2nd year Business Management)

"mahal kita."

Nagulantang siya ng sabihin iyon ni Tucker. Si Tucker mahal siya?! Sa sobrang gwapo nito at popular sa University? 

"Mahal mo ako? Ako? " tinuro niya pa ang kanyang sarili dahil hindi talaga siya makapaniwala. Sa taba at nerd niyang ito ay mahal siya ni Tucker?!

Ngumiti ito sa kanya at inulit ulit ang mga sinambit nitong salita

"Mahal kita Elizah."

Niyakap niya ito sa sobrang pagka tuwa.

"Mahal din kita! Mahal din kita Tucker! "

Anim na buwan na silang nagkikita ni Tucker pero hindi niya alam kung bakit pag dating sa school ay ayaw siya nitong pansinin pero pag sila lang dalawa ang lambing lambing nito.

"Just stop what you're doing right now Eli. Or I will tell Mom and Dad." tinignan siya ng masama ni El. Sinamangutan niya naman ito.

"Ang damot mo talaga!  Ngayon lang ako sumaya ng ganito!" sigaw niya naman dito na lalo nitong ikinasimangot.

"If you get hurt in that happiness of yours. I will kill him Elizabeth. I swear if you shed a fucking tear for that smug for fooling you I will shred him to pieces."

Pagkatapos sabihin iyon ni El ay umalis na ito. Natakot naman siya sa salitang binitawan ni El. Hay. Hayaan mo na si El! 

Bukas ay University gathering And JS prom naaaa! Kapartner ko si Tucker!

"Babe?  Hindi ba partner tayo bukas? "

Ngumiti naman ito sa kanya.

"Of course babe. "

Pagkababa niya ng sasakyan ni Tucker ay si El ang bumungad sa kanya sa gate.

"Wag mo kong pagalitan masyadong maganda ang mood ko ngayon!  Lika na pasok na tayo! "

Hinatak niya ito at nag-patianod naman ito sa paghatak niya.

Sa gabi ng prom nila ay kasama niya si El. Hindi raw kasi siya masusundo ni Tucker. Nang makapasok sila ni El sa building kung saan gaganapin ang event umalis muna si El para mag-cr siya naman ay naiwan sa table.

Bigla lumapit sa kanya si Brianna.  Ang rumored girlfriend ni Tucker pero hindi siya naniniwala. Patay na patay lang ito sa boyfriend niya kaya pinapangaya at ipinagkakalat niya na siya ang girlfriend ni Tucker which is not true!

"Hey there miss piggy. "

Hindi niya ito pinansin kaya nainis ito at tinapunan siya ng juice!

"Ano ba?!"

Natawa ito.

"uuuhhh galit na si Miss Piggy Piggy oink oink!"

At dahil doon nagtawanan ang mga tao sa event. Pinagtitinginan siya at pinagtatawanan.

"Akala mo ba hindi ko alam na nilalandi mo ang boyfriend ko?"

Huh?  Anong nilalandi?  Ako ang girlfriend ni Tucker!

"Anong nilalandi? Wala akong nilalandi!" saad niya.

"At talagang lumalaban ka! Nilalandi mo si Tucker! Ang boyfriend ko! Akala mo makukuha mo siya?  Sa taba mong yan?! Nanlilimahid ka!"

Sigaw ni Brianna at tumawa.  Tumawa din ang mga tao sa loob. Bigla na lang may yumakap sa kanya at kasunod non ang pagbuhos ng kung ano ngunit hindi niya iyon nakita. Siguro ay galing sa taas. Tumingala siya at doon niya nakita ang isang timba na nakatumba at tumingin siya sa baba doon niya nakitang nagkalat ang kung anong malagkit na liquid.

"Stop this shit Brianna." kalmado ngunit may babala sa boses ng kanyang kapatid habang hawak siya nito sa bisig niya. Tumingala siya rito at nakita niyang may pasa ito sa mukha.

"A-anong nangyari sayo?" tanong niya rito at hinaplos ang pasa sa pisngi at sugat sa labi.

"Some peasants in the bathroom did this to me but I already took care of them."

Humarap siya kay Brianna at nakita ang ngisi nito.

"IPLAY NIYO ANG VIDEO! "

Doon niya nakita ang sarili niya na nakatalikod sa si Tucker. Nasa botanical garden sila. Dito umamin si Tucker!

At nandon sa part na niyakap niya si Tucker at naka rehistro sa mukha ni Tucker ay isang ngisi at nagthumbs up pa sa camera.

Nanghina siya.

"Let me explain Babe.. "

Maagap ang kapatid niya at sinuntok si Tucker sa mukha.

"Asshole don't touch Eli! Don't ever show your fucking face to her you motherfucking jerk! "

Nagkagulo ng pagsisipain pa ni El sa tyan si Tucker.

"Ta-tama na-- Tama na.. "

Tumigil si El at tinignan siya..

"maria.. " sambit ni El at inalalayan siya.

"I'm sorry.. im sorry El..  I didn't know I loved him so much--"

"shh..  Let's go home.. "

Pinunasan ni Elizah ang tumulong luha sa kanyang pisngi. That part of her life she needed to erase it all. Tama ang Daddy niya kailangan niyabitong harapin upang makalimutan niya ito.

She will come back as the new Elizah.

Secretary's Secret.. SHHHWhere stories live. Discover now