Chapter 3

4 1 0
                                    



Maddy's POV

Natapos naman yung flag ceremony at nagsibalikan ang lahat sa klase,pero di talaga imposible abg himala!Dahil pinatawag ang mga teacher dahil nga magmemeeting sila tungkol sa foundation day.

Kaya eto 2 hours vacant masaya sana kaso wala si vio may meeting yung group nila ,magrereport kasi sila bukas eh kami next week pa at nakapag meeting at may naassign na saming gagawin.

Haaayyy! ang boring tuloy ng 2 hours vacant ko!

"Haayy! Buti pa ang kutsara may kapares na tinidor!" napabuntong hininga na lang ako dahil sa kaboringan.Guess what kung nasan ako? Ten ten tenen nandito lang naman ako sa usual place kung saan nagpapalipas ng vacant sa CANTEEN!!

"Oh !How sad magisa ka lang kumakain"out of nowhere na may nagsalita,pinagpatuloy ko ang pagkain pero di ko na sana sasagutin yung nagsalita pero umupo siya sa bakanteng upuan sa harapan ko

"Ano ba dapat pagkumakain by group?reporting?ikaw tiga nguya ako lulunok!? Kaloka ka kuya—"malakas na tanong ko sa kaharap ko pero napatigil ako at di kalaunan napanga-nga ng malaman kung sino ito.

"May tumutulo na laway."pagkasabi niya nun agad kong pinunas ang bibig ko at nalaman na wala ,letse tong lalaki na toh! Guess what kung sino toh?pro paguess guess what noh alangan di niyo alam di ko sinasabi -_- si sofia—imean si maru the 'first' kuno / mr.singkit

"Tse!Well well by the way sofi—i mean maru the first feeling close tayo ah kung kausapin mo ako?" pagkasarcastic kong pagkakasabi sa kanya

"Well ms.brat bukod naman sa ikaw lang naman sumipa sa kotse ko" tinignan niya naman ako ng seryoso

"Aba! Hanggang ngayon big deal parin yun aba mister----" di ko na natuloy ang sinabi ko dahil pinutol ng isang lalaki etsusera si kuya bastos lang eh ano?

"Maru!President! Nandiyan Dad mo pinapatawa ka sa office!"sabi sakanya ni kuyang pumutol sa sinasabi ko.Pero ano daw? Gahd nandiyan si mr.lim ?O to the M to the G!! Tinignan ko yung maru'ng toh

"Well ms.Brat be ready!"tumayo naman siya sa pagkakaupo at napatulala nalang ako habang tinitignan siya magkalakad palayo .Magsusumbong talaga siya?

Tumayo naman ako sa pagkakaupo

"Hoy Sofia the first o anuman !Sumbungero! Papa's Boy!" at dinuroduro ko pa siya ng tinidor kong hawak!!

Napatigil naman siya at napatingin sakin pero tinignan ko yung paligid nakito ko LITERAL na nakatingin ang mga tao sakin sa canteen.Ano toh teleserye?may palabas? ,tse! papgtutusuktusukin ko mga mata nila eh

Tumingin ulit ako sa marung toh tinitigan ko siya sa mata halo halong emosyon makikita mo di mo masasabi ano nararamdaman niya.May nasabi ba akong mali?

"Tch" at naglakad nalang siya ulit palayo

Sana naman ito na last na pagkikita namin lor dignin niyo naman panalangin ko !

Niligpit ko na ang pagkain ko at nilagay bag ang lunch box at nagsimulang pumunta sa library

Oo nga pala alam ko naman di oras ng pagpapakilala toh pero bobonggahan ko na

Madison Jane Ramirez here!you can call me maddy or MJ but almost of the people call me maddy .18 years ng nabubuhay sa balat ng lupang kinatatayuan niyo #NBSB ang ate niyo!char at tulad nga sa mga teleserye o mga palabas isa rin akong schoolar sa school na ito dahil pinalad ang isang tulad ko.

Well Family? Patay na si papa si mama naman ayun may kaforever ulit pero alam ko naman mahal na mahal niya si papa eh tanggap naman kami ni tito mike may anak rin naman na lalaki si tito mike sa dati niyan asawa .Ako kung may kapatid? Yess naman si kuya Mason (meyson) Jace Ramirez were not twins okay ,Pero na sa baguio siya at nagaaral rin bilang schoolar sa kilalang unibersidad sa baguio

Well ano pa ba? Bukod sa working student ako at nagtratrabaho sa isang restaurant dahil ayoko ko umasa kay mama nakakahiya rin naman kay tito mike di rin ako nakikitira sakanya umuupa ako sa boarding house malapit sa school at isa naman akong assistant chef dun sa pinagtratrabahuan ko ,pero jke lang talaga yung assistant chef waitress lang ako pero my dream is to be a chef !yesss!

Kaya ingat kayo kung magcouple kayo baka bigyan ko kayo ng napakatamis na order niyo kasi nahihiya ako baka kasi kulang pa yung kasweetan niyo hiyang hiya naman restaurant namin puro langgam na!

Si vio? Well bestfriend ko na siya since highscool end of introduction char

Sa pagkabitter ko? Ayyy well nbsb ako nga ako noh? No break ups. Inborn lang talaga yug pagiging bitter ko pinaglihi yata ako ng nanay ko dun eh.

Nakarating naman ako sa library,di naman ganun ka rami ang tao bakit ka naman tatambay dito pagvacant?aircon?malamig?yess naman pero nandito talaga ako para gawin na yung inassign sakin sa reporting namin eh gagawin ko na kesa magahol ako sa last minute

Humanap ako ng uupuan at ng nakahanap ako inilapag ko ang bag ko dun at sinimulang hanapin ang librong kailangan ko.ba't pa kasi sa libro pa noh may wiki naman at google copy paste nalang ano chararat kasi yung leader namin gusto daw yung makatotohanan at kapanipaniwala

Tiga bundok pa kasi leader namin di pa uso ang mga wiki at google pati cp at computer haiissssttt

"The....."

"The...."pagsasabi ko sa title.San na ba kasi yun???iniiscan ko ang bawat libro sa rack kung nandun ba ang hinahanap ko

Buti pa tong libro sa mga library pinaglalaanan ng oras para hanapin tapos pinageefortan ayusin kelan kaya siya magkakaroon ng oras at pageffortan ako chararat !

"Ayun!!"nakita ko na at tinuturo turo ko pa.madali naman ako pumunta kung san nahagip ng mata ko ang kanina ko pang hinahanap na libro.Pero napatingala ako at yun nga sad nasa pinakatuktok na rack di naman sa pandak ako mataas lang kasi yung rack.

Dahil nga nasa tuktok ito at di naman ako umaasang may prince charming na napaka tangkad at gwapo na kukuha ng libro kaya eto ako kinuha ang ladder na nasa gilid at umakyat ako at sa feeling ko na maabot ko na yun isang hakbang nalang talaga!

dahil nasa libro ang atensyon ko at nakuha ko na siya

"WAAAHHHHHHHHH!" tili ko !hangin po natapakan ko ng pababa na ako.Napapikit nalang ako at humihiling na sana may mala prince charming sumalo saakin

Ilang segundo nalang feeling ko pasahig na ang patungo ng naramdaman kong bumagsak ako sa matigas hindi sa sahig kundi sa mga braso .Ito na ba yung prinsipeng hinihiling ko

Unti unti kong dinidilat ang mga mata at di talaga dininig nang langit panalangin ko sabi ko sana di na kami magkita! 4th encounter nanamin ! pero may bait rin pala itong tinatago.

"Tch.Ang bigat !" at ibinaba niya ako

"Waaahhh!! Aahh! Ang Saaakkiiitt!" kung anong tunog yun?? Yun lang naman dahil tumili ako at alam ko nang malapit na akong palabasin sa library kasi naman binaba talaga ako ng lalaking ito literal na binaba scratch that binitawan pala!!

Binabawi ko na na prinsipe siya at mabait siya!!! Mabait your face!

Tumayo naman ako at hinihimas himas ang pwetan ko dahil ansakit talaga

"ikaw!" turo ko sakanya

"Me?"tanong niya.Walanghiya talaga tong lalaking toh arrrggghhh

"Oo sino pa ba common sense! Sinalusalo mo pa ako bibitawan mo rin pala ako ! JERK!" sigaw ko sakanyna

"oh! Well maybe that's a payback time hmmm welll bye bye library thank you nga pala sa paghahanap nito" sabi niya at pinakita pa ang hawak niyang libro na pinaghirapan kong hanapin na libro arrrgghhh!!

Curse you to death !!!! ahhhh ang sakit ng pwetan komas masakit pa sa break up !! huuhuhuh T^T

++++++

Well hello aloha! Sabi ko babawi ako this summer pero chararat lang yata yun ahahhahahh enebe sorry na!nahihirapan ako sa plot nito hahahhah pero busy kasi ako sa pageedit at pagiispaz sa pd 101 s2!!

Well enjoy!!!!

alam ko nama lame toh na update pero enjoy talaga!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bitter (walang forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon