Prologue

8 0 0
                                    

Prologue

Ken

"Si Saito? Aba! Mag-tatatlumpu't minuto na siyang wala."

Napatigil ako sa paglalakad ng dahan-dahan dahil sa boses ni coach. Sabi ko na nga ba sermon na naman 'to. Tinuloy ko na lang ang paglalakad ng dahan-dahan pero 'yung mata ng captain ball namin na si Emmanuel nasa akin na. Pinanlakihan ako nito ng mata. Akala ko isusumbong niya ako kay coach pero ibang demonyo ang nagsalita.

"Coach! Ayon si Saito, oh."

Putspa naman itong si Alex. Napakapabibo! Parang kulang sa aruga. Akala mo naman paborito ni coach. Eh, ako favorite nina coach at Emman.

Lumingon sa gawi ko si coach kaya agad-agad kong binaba ang bag ko at pumunta agad sa kanila. Buti na lang nagbihis agad ako. May training kami ngayon sa gym. Varsity player ako ng volleyball and I'm the middle blocker. Wala, eh. Matangkad na nga, gwapo pa.

Tumabi ako kay Alexei na kulang ng aruga kaya nakulangan din sa height. Akala ko noong una Aleksey pagpronounce ng pangalan niya, Aleksee pala. Ang daming arte. Lahat napunta sa pangalan niya. Walang natira para sa height niya.

Nakipagfist bump ako sa kanya. "Gago ka." Bulong ko.

"Obs lang? Sa tangkad mong 'yan, sinong hindi makakakita?"

"Oo nga, eh. Sana ikaw rin, nakikita." Nakita ko kung paano siya napalingon sa akin. Hindi naman siya sobrang liit. Sakto lang naman siya.

"Aba, ga---"

"Okay! Let's start."

Nginisihan ko lang si Alex pero ang bansot sinipa ako sa puwet. Ang sakit pa man din niya sumipa. Siya tuloy itong nakangisi ngayon.

"Ramos! Saito!" Agad naman kaming sumunod kay Emman.

"Please, quit fooling around. Ken, bakit ka late?" Ang hinahon ng pagkakatanong ni Augustine pero bakit ako natatakot? Mas nakakatakot kasi siya magalit pero sobrang bait niya.

"Cleaner ako tapos saktong kasched ko si Julian. Eh, maarte 'yon sa dumi. Tumakas nga lang ako." Metikuloso kasi 'yung Julian na 'yon. Sobrang arte pa na kulang na lang inumin niya lahat ng bleach at alcohol. Not to mention, he's the school's student council President.

"Pfft. Si Hulyan pa talaga. Kawawa ka naman Saito." Tatawa tawa pa 'tong Alex na 'to.

"Okay. Maki-line na kayo roon."

"Yes po." Sabay naming sabi ni Alex. Buti na lang agad kaming nakatakbo bago pa niya kami bigyan ng warning eyes. Iniisip ko pa lang kinikilabutan na ako.

Nakaline kami to check our heights. Pero nawala rin lang 'yung maayos na line kasi makati mga paa nila. Coach Jeremy was the one measuring our heights and our manager, Nika naman 'yung tagalista. While measuring our heights, ibibigay na rin 'yung bago naming jersey. "Number one, Emman. One hundred eighty-five centimeters."

Ang tangkad din talaga ng Emman na 'to. Kinabahan tuloy ako. Baka mas matangkad na siya kaysa sa akin. Ang yabang pa ng tingin niya sa amin. Inisa isa niya kaming tignan lahat.

"August, two. One hundred seventy-five centimeters."

"Sakto August two ngayon." Nagtawanan kaming lahat. Even August chuckled and lost his composure kaya pinatayo siya ulit ng maayos ni coach.

"Baby boy Calil...wait...number eight." Nika muttered while looking through the box.

"Anong height niya, coach?" Tanong ni Bench kaya napailing na lang si Calil. Palibhasa mas matangkad si Calil kaysa kay Bench.

and so the story beganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon