2. Yan

0 0 0
                                    

Yan POV
Spain

Down to my 3rd and last coffee for this night. Time check - 3 o'clock am.

'La mataré. Ugh! Ese pinche idiota!' cursing internally as I have my nervous breakdown.  (I will kill her. Ugh! That fuckin' bitch)

Why was she not home yet?? TT.TT. Hope she's not dead yet. Cross finger. 

I heard the bedroom door clicked open.

"Is momma home yet?" Asked by 3 year old angel. Peeking and tiptoeing around the house. Rubbing the sleepiness on her eyes.  I pity her.

"momma??" She pouted her little lips. Looking for answers.

I shook my head as an answer.

"Not yet. Ok I will wait for her then." She confidently spoke. Propping herself up in the kitchen's bar stool. I helped her so.

Nakakainis naman kasi yung babaeng yun. Alam naman niyang hindi gigising at gigising ang batang to pag nakita niyang wala siya sa tabi niya e. Kabeastmode lang.

Awang-awa ako sa bata. Pilit nitong nilalabanan ang ang antok. Maya't maya ang tingin sa pintuan nagbabakasakaling iluluwa nito ang ina.

'Yumi nasan ka na ba!!'

"Yan! Momma is okay, ayt?"

"Of course baby. Yumi is superwoman. She can handle all the bad guys." Pilit kong pinapagaan ang loib nito. Kahit alam kong hindi siya masyadong kumbinsido sa mga sinasabi ko. At ang sagot niya ang nakapaggimbal sa akin.

"I wish them all dead. Maybe if im bigger enough I would kill them on my own."  Parang wala lang sa kanya ang pinagsasabi niya. Lumaki ang mata ko sa narinig.

'Masamang impluwensya ka Yumi!!'

"All I want is momma besides me all the time." Huling sabi nito. Bago niya naisipang iub'ob ang ulo sa counter.

Maya maya pa.

Bumukas ang pintuan ng bahay. Iniluwa nito ang duguan na si Yumi. Hawak hawak ang balikat nitong may tama. Ibinagsak niya sa sahig ang palagian niyang dalang bag. Naglalaman ng mga kinailangan niya sa ginawa niya.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko." Galit kong sabi. At tinungo siya. Hapo siyang umupo sa sofa. Sinandal ang ulo.

"Pinaghandaan ako ng mga puta. Tss. Shit!" mayabag nitong sabi. Sinamaan niya ako ng tingin ng tinulak ko siya sa parteng alam kong may sugat. "Yhan.Putang ina naman."

"That's for keeping me waiting this late. Fuck you too so much."

Ngumiti lang siya. At ipinikit ang mata. Gago.

Nagmadali akong kinuha ang first aid kit sa banyo at binalikan ko siya. Nadatnan ko siyang titig na titig kay Sandy. Nang naramdaman niya ang presensya ko ay nagsalita siya.

"Bakit nanjan yan?"

"Nagising malamang. Sabi ay hihintayin ka daw. Ang sama mo."

Lumamlam ang mata ngunit hindi na muling nagsalita hanggang sa natapos ko siyang gamutin. Tinanggal ko ang bala sa balikat niya. Fortunately, that's the worst for today. Tinahi ko ito. At tinapalan lahat ng butas ... ay este.. sugat sa katawan niya.

This is how it goes.

Nakaidlipan na nito ang paggamot ko sa kanya.

Tinapik ko ang kanyang pisngi para gumising. Unti unti ay nagmulat ito. Inayos ko ang mga ginamit ko.

Tumayo ito at binalikan ang bag niya. Saka siya naglakad papuntang kwarto nila. Akala ko'y di niya babalikan si Sandy. Kung hindi sana'y ako ang gagawa. Naalimpungatan ang bata. Nakita ko kung paano kumislap ang mata nito nang masilayan ang ina. Napaghigpit na lamang siya ng yakap dito.

Ako nama'y dumeretso na aking kwarto.

Isa na namang araw ang nakalipas. Malapit na kaming bumalik sa aming pinanggalingan. Pinapanalangin ko ang kaligtasan ni Yumi.

Siya na lamang ang natitira kong pamilya. Hindi man ako sigurado sa kung anuman ang papel ko sa buhay niya ay mananatili at mananatili akong magtatrabaho para sa kanya, sa kahit anong paraan na makita ko. Hindi man niya ito sabihin.
---
Naalala ko pa noong una ko siyang nakita. Nakakatakot siya. Yung ang una kong nasabi.

I am once a slave of a well known mob in Russia. 1 year ago. Binenta ako ng sarili kong tiyuhin at inilipad sa Russia.

Wala akong nagawa. Sapilitan ito against my will. I wanted to run for my life but I couldn't. I worked for that family. Without anything in return.  Swerte ko na kapag pinakain ako ng tatlong beses sa isang araw. Yun lamang at wala na.

Hindi ako nakakalabas ng bahay. Bilanggo. Ni hindi ko na masubukang masinagan ng araw ng halos mag iisang taon. Puro ako trabaho. Lahat ng trabaho. Ni wala na akong oras umiyak at kaawaan ang sarili ko.

Namanhid na ako sa lahat ng sakit na nadanas ko mula sa kamay ng pamilyang yon. Pisikal at emosyonal. Kapag nagkakamali ako'y hindi ako pinapakain ng ilang araw kasabay ng pananakit sakin at pagbibigay ng mas maraming trabaho.

Ilang beses kong gustong patayin ang sarili ko. Lalo nung isang beses na may nagtangkang gahasain ako ng isang nagtatrabaho din sa kanila ngunit mas malayong mas mataas siya sa akin. Mabuti na lamang at nawalan ito ng ganang ipagpatuloy ang nasimulan.

Isang araw nilusob ang mansyon ng pinagsisilbihan kong pamilya. Ng isang hindi kilalang babae. Nanatili ako sa isang sulok. Takot na takot ako sa mga pangyayari. Puro patay. Nasa isip ko noon ay hindi pala ako mamamatay sa kamay ng mga hayop kong mga amo kundi sa babaeng walang habas na  kung pumatay sa lahat ng taong madadaanan nito.

Pumikit na lamang ako at hinintay ang katapusan ko. Ngunit bumalot na ang katahimikan ay buhay parin ako.
"Ano pang ginagawa mo diyan. Tumakas ka na." Sa salitang Russian, nadinig ko ang tinig ng babae.

"S-s-sino ka?" Tanong ko.

Ngunit imbes na sagutin ay tinalikuran ako. Pumunta siya sa kwarto ng matandang lalaki ng bahay. Paglabas nito'y may bag na itong punong puno. Hindi ko alam kung ano ang laman.

"Kumuha ka ng mga kakailanganin mo. Pera, gamit, damit o kung anong gusto mo. At sumunod ka sakin pagkatapos ng labing limang minuto." Matatas na Russian na sabi nito.

Hindi ko man mawari ay mabilis akong kumilos. At inuna ko ang kinalalagyan ng pera ng pamilya. Sa tagal ko ditoy alam ko na ang pasikot sikot. At ang mga nakatago.

Walang ibang salita ay nilisan namin ang lugar. Hindi man ako siguro sa kasama ko ay panatag na ako dahil sa wala na ako doon sa impyernong bahay na iyon.

Tumuloy kami sa isang bahay. Hindi parin niya ako kinakausap. Naisip ko tuloy ay siguro ay papatayin din naman niya ako kaya bakit pa niya ako kailangang patayin?

Doon ko nakilala ang isang bata. Na tinatawag ang babae ng 'momma'.

'Anak niya ito? Eh mukhang kaedaran ko lang siya a. 18'

Mabait ang bata. Kinakausap ako. At napag alaman ko na ang pangalan ng babae ay Yumi at siya naman si Cassandra.

Makalipas ang 3 araw.

"Mananatili ka ba dito o sasama ka sa amin sa Spain?" Tanong ni Yumi.

Walang alinlangan akong sumama.

Ako si Arianna Soriano. Ito ang naging kwento ko. 

At simula ng makilala ko si Yumi ay nagbago na ang buhay ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vendetta Story: The One Who Was Left BehindWhere stories live. Discover now