Chapter Three

593 20 20
                                    

I want to dedicate this to @sweetprincess07 hi sissy thanks sa pag add nito sa RL mo hihi ^^ really means a lot.

~**~**~

Luhan's POV:

Nandito kami sa baba, asar hindi parin ako pwede mag pahinga, hirap talaga pag boxer eh, ang dami daming mga stretching at kung anu-ano pang ka-ekekan. Wala eh gusto ko talagang maging boxer

“Luhan, mag jumping rope ka ng 50 times” sabi ng coach ko. Waaah pwede bang water break muna? Grabe asan na ba kasi yung si Erin, pag kasi andito yun nakakatakas ako ng inom

“Op--”

“Kuya Suhooooooo!” narinig ko yung pamilyar na boses ng kapatid ko. Naalarma ako kaya't napatakbo ako papasok ng mansion pabukas pa lang ako ng pinto ng bigla akong tawagin ni coach

“hoy Luhan san ka pupunta?” tanong nito

“wait lang po. Yung kapatid ko po kasi” nakita ko si Ren na natakbo papunta sa direksyon ko

“Lu, ano nangyari? Bakit parang narinig ko yung sigaw ni Erin?” sabi niya alalang alala siya

“oo nga eh” sabi ko natataranta na ako. Binuksan ko agad yung pinto

“aaaah!” sabay kaming napasigaw ni Ren dahil pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay biglang bumungad samin yung lola ni manong (ata?)

“maghanda kayo. Pagsisisihan niyo ang ginawa ng kasama niyo. Hahaha! Maghanda kayo dahil muli niyo siyang ginising! Hahaha!” nawala ang respeto ko sa matandang to, dahil nagmamadali na nga kami hinayaan ko nalang siyang tumawa dun. Bahala siyang maloka dun. Dali-dali kaming umakyat ni Ren at nakita ko si Erin na nakalupasay sa sahig at naiyak. Agad ko siyang pinuntahan at niyakap

“uy bakit ano nangyari sayo?” sabi ko sakanya habang kinakalma siya.

“Si...ayaw ko...” nanginginig siya, pagkatapos ay iyak siya ng iyak at tinuturo ang kwarto ni Suho.

“Kuya... s-si kuya Suho...”

“shh... kalma, kalma Erin” sabi ni Ren. Tapos ay tumigil ng pagiyak si Erin

w-wala na siya kuya” sabi niya, napakunot ako ng noo sino ang nawala???

“sino?” sabi ko

“kuya Suho” sabi nito at patuloy ang pag-agos ng luha niya pero nakatingin lang siya sa malayo

“Ren, kuha lang ako ng tubig ah” sabi ko at binitawan si Erin, pero pinigilan ako nito. Napatingin ako sakanya, nakatingin lang siya ng diretso

“wag kuya... wag mo ko iwan” sabi niya

“ano bang--” naputol ang pagsasalita ko ng bigla kaming humagis sa pinakadulo ng hallway. Akala ko kaming tatlo, kami lang pala ni Ren. Napansin ko si Erin na dumudugo yung ulo niya

“waaah waaag!” sigaw nito

Erin's POV:

“waaah waaaag!” sigaw ko. Dahil nakita ko ang isang babaeng duguan, kulay puti ang mata, may tahi ang gilid ng labi nito, at nakalutang siya na naakyat sa hagdan.

“Erin~~” sabi nito, nakakatakot ang boses niya parang hinugot sa ilalim ng lupa, nakakatakot siya

“waaaaah!” sigaw ko ng bigla niya akong hilahin

“Erin!” narinig ko yung sigaw ni Kuya at Ren

“waaah waaaag!! k--” hindi ko na naituloy dahil kinaladkad niya ako sa hagdan. At ang last na naaalala ko nagdilim lahat ng paningin ko.

Nagising ako, pero hindi ko alam kung nabulag ba ako o ano. Wala akong makita sobrang dilim.

“kuya? Ren? Chanyeol? Asan kayo?” sabi ko at kinapa yung sahig. May naaninag ako sa hindi kalayuan. Kulay light blue ang damit nito, parang yung suot ni Kuya Suho kanina nilapitan ko ito at tinignan kung sino

“oh my gosh!” napa-gasp ako sa nakita ko. Nakatali ang mga kamay ni kuya Suho, ang dami niyang sugat sa katawan at duguan ito. Niyugyug ko siya baka sakaling magising siya

“uy gising ku—waaaah!” nagulat ako ng may biglang humiwa sa braso ko. Shit ang sakit napatingin ako sa likod ko at nakita s--

“aaaaaaaaaah!” napasigaw ulit ako dahil inihagis ako nito sa pader sobrang lakas, ang sakit ng likod ko

*cough* *cough* pag tingin ko sa palad ko may dugo, pinahidan ko ang bibig ko at nalaman ko na nagsusuka na ako ng dugo, nag groan ako sa sakit, ipinikit ko ang mga mata ko at sumandal sa pader.

“AEBO!” sigaw nung babaeng nakita ko kanina, yung babaeng kumaladkad sakin sa hagdan. Napamulat ako dahil naramdaman kong nahiwa na naman ako and this time sa kabila ko namang braso

“tama naa...” naibulong ko nalang ito dahil hindi ko na kaya yung sakit. Pagkatapos ay nakita ko siyang ngumiti, yung ngiti ng demonyo at pagkatapos ay tumawa siya, ano na bang nangyayari sayo?

Kusa nalamang sumara ang mga mata ko...

Ren's POV:

What the fvck just happened? Naiwan kaming tulala ni Luhan dito. Kitang kita namin kung pano nakaladkad sa hagdan si Erin. Pero ang nakakapagtaka ay wala namang humihila sakanya

“shit kasalanan ko to” sabi ni Luhan at napasapo sa noo niya at nag umpisa nang umiyak.

“shhh Luhan wala kang kasalanan” sabi ko at pinakalma siya. Pero sa totoo lang naiyak narin ako dahil kitang kita ko kung pano nakaladkad si Erin at kung pano umagos ang dugo niya.

“anong nang—aaah b-bakit may d-dugo dito?” takot na takot na tanong ni Chanyeol, kasama niya sina Baekhyun, Shane at Lay.

“lagot sakin yung matandang yun!” galit na galit na tumayo si Luhan at pinuntahan ang matanda sa baba na hanggang ngayon ay natawa parin. Hinablot ni Luhan ang damit nito

“anong ginawa mo sa kapatid ko!” sigaw ni Luhan. Pilit namin siya inihihiwalay dun sa matanda dahil baka kung ano pang magawa niya. Pero kahit sina Chanyeol, Lay at Baekhyun na ang pumipigil sakanya hindi parin nila ito maawat

“sinabi ko na sainyo. Pagsisisihan niyo ang ginawa ng kasama niyo dito. Yung lalaking yun. Siya siya ang gumising sa kaluluwang natutulog. Maghanda kayo hahaha” sabi nung matanda. Sino? Sino ba kasi yun?! Binitawan ni Luhan yung matanda at napaupo sa sahig.

“ano ba kasing nangyari? At ano ang tinutukoy ni lola?!” inis na sigaw ni Baekhyun

Wala na si Erin” sabi ko.

“ha?! Panong wala?” alalang tanong ni Chanyeol. Itinuro ko yung hagdan. Napagasp silang lahat

“omg. Pano? Pano nawala si Erin?!” takot na tanong ni Shane, katulad namin ni Luhan at Chanyeol umiiyak narin siya

“hindi ko alam. Nakita namin siya na parang may kumakaladkad sakanya. Hindi ko alam” sabi ko. Gulong gulo na ako. Sino ba kasi yung nagising namin! At anong klaseng bahay ba to?!

A/N

Tantanenen sino ba kasi yung nagising nila? Tsk

omg anong nangyari kay Erin at Suho?

Patay na kaya sila?

Sino yung tiutukoy nung matanda?

Sino yung gumising sa kaluluwang yun?

Abangan hihohiho ^^

again thank you po sa pagbabasa nito :) really means a lot <3

The Portrait (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon