Medyo maaga ako ngayon, may kelangan akong ayusin sa school para sa Prom namin mamaya, ako yung MC , actually dalawa talaga kami ako yung sa junior and one of my close friend ang sa senior.
"Bat ang aga mo?" Tanong ni mama sakin.
"Diba nga ma , mamaya na yung prom at MC so kelangan kung pumunta sa school para mag practice tsaka gagawa pa kami ng program." Pagpapaliwanag ko kay mama.
"Oh , sige. Naplantsa mo na ba ang isusuot mo mamaya ?" Tanong nya sakin. Umiling ako kasi hindi pa nga naman talaga. "Oh sige. Ako na bahala don."
Ganyan si mama , sya ang ever supportive mother na kilala ko. Kung papapiliin ako ng ibang mama ay wala na akong pipiliing iba kundi sya lang. Actually hiniram nga lang nya ang long sleeve ko eh. Yes! Poorita lang kami , promise! Galing akong probinsya , somewhere sa Iloilo. Siguro nagtataka kung bakit andito ako sa Maynila ? I came here just to study. Ok na yan , hindi naman yan kasama sa story ko eh!
That time ay hindi pa ako nag a out , as in hindi!
Nagpaalam na ako at umalis na ng bahay. Pagkadating ko ng school ay nakita kong medyo marami na ang nagsipuntahang volunteer , para mag-ayos ng stage and also the venue.
"Andito na pala si Mr. POGI." sabi ng babaeng nag-aayos ng bulaklak. At diniian pa nya ang pagkakasabi ng Pogi. Well , sanay na ako. Kasi alam ko namang hindi totoo ang lahat ng pinagsasabi nila.
Ngumiti na lang ako at nilapitan ang coordinator ng Prom namin. Kinuha ko sa kanya ang listahan ng mga magiging entertainer mamaya.
"Ang daming talented sa school ah?" Sabi ko habang iniisa-isa ang mg nakasulat.
Pagkakuha ko sa kanya ay hinanap ko na ang partner ko. Nakita ko naman agad sya, nasa likod lang pala sya nakatumpok na upuan.
" Joyce?" Tawag ko sa kanya na ikinalingon nya.
"Finally you're here. Kanina pa ako dito eh." Pagrereklamo nya.
"Oy ,7 pa nga lang eh. Masyado ka namang excited. Alas singko pa yung prom no." Pagbara ko sa kanya.
"Aba , syempre mag-aayos pa ako no? Buti ikaw eh hindi mo na kelangan." Sabi nya.
"Naku , kahit pa naman magmake-up ako ay hindi pa din naman mag-iiba ang hitsura ko." Sagot ko sa kanya.
Tumigil na ang pag-uusap namin at nag-umpisa na kaming magpractice.
" Jero?" Tawag sakin ng boses lalaki sa likod ko. Nilingon ko ito para makita ko.
I saw Jansen coming. Jansen was my bestfriend, sya lang ang nakakaalam ng tunay kong pagkatao dito sa school. Sya lang naman kasi ang nakakaintindi. Dito kasi samin , pag sinabi mong inlove ka sa kapwa mo lalaki ay bakla ka na. Hindi na alintana kung nagkaroon ka man ng mga girlfriends ,nonsense talaga sila. Pero ako yung tao na pag nagmahal ay seryoso , wala sakin ang tinatawag na biro oh kung ano mang panloloko. Hindi ko sinasabi na bakla ako kasi ayokong pagtawanan. Gusto kong marespeto.
Bata pa lang kami ay magkaibigan na kami ni Jansen. Medyo malapit kasi ang bahay nya samin. Kilala sya ng family ko. Madami na kaming napagdaanan ni Jansen , marami ng away, maraming kalokohan. Hindi ko nga alam kong bakit nagtagal ang pagkakaibigan namin ni Jansen , kahit na straight sya at bakla ako. Siguro wala na syang choice . Hahaha
Si Jansen ang taong tahimik lang pag hindi mo kilala. Hindi sya masyadong nagsasalita pero maiinis ka sa kadaldalan nya pag close mo na sya. Isa syang GREAT PRETENDER , kung lang siguro dahil sa matagal na kaming magkakaibigan , kahit hanggang ngayon ay hindi ko malalaman kung may problema sya. Bilib ako sa kanya kasi kaya nyang itago kung ano man ang nararamdaman nya. Kabaliktaran kung ano ugali , showy talaga ako sa kanya. Open naman kami both, pero minsan talaga tinatago nya na lang ang sakit na nararamdaman nya.
BINABASA MO ANG
TEMPO (One Shot Story) (BxB)
Short StoryAng sarap magmahal , lasang TANGA ! HAHA A/N: One shot lang naman kaya basahin mo na :)