TEMPO 2

202 8 1
                                    

Lumapit ako kay Donny para umupo. Hindi ko na pinansin si Jansen alam nya naman siguro kong gaano ako kasaya na makatabi si Donny.

Sinulyapan ko sya pero nakita ko pa din syang nakasimangot.

"Can I?" Paalam ko kay Donny.

"Ah , sure. Para talaga sayo yan." Sabi nya.

"Kain na muna tayo guys , para makainom na." Sabi ng isa naming kasama.

Oo nga pala , allowed kami uminom since magdamagan naman daw ang party kaya okay lang.

Kumain na kami at ng makatapos ay uminom na. Habang umiinom ay hindi ako kinikibo ni Jansen , nagsusuplado na naman tong besty ko. Pinabayaan ko lang sya.

Napansin kong medyo namumula na si Donny. Nagdadaldal na sya. Medyo nakakatense na ang usapan nila. Nagiging X-rated na. Lasing na nga tong mga to!

"Oy Jansen , wag kang magpakalasing masyado. Hindi ka sanay." Pagsaway ko sa kanya. Napansin ko kasing tuloy tuloy ang pag-inom nya ng beer.

"Wag mokong pakialaman." Sagot nya sakin. Parang feeling nanigas ang mukha ko. For the first time ay sinagot ako ng best friend ko ng ganun. Ano ba problema nya.

Lalapitan ko sana sya ngunit hinawakan ni Donny ang kamay ko. "Sayaw tayo Jer."

"Hah ? Ako ?" Tumango sya. "Loko ka! Eh sweet music yang tumutunog." Sabi ko sa kanya sabay tawa. Pero yung totoo ay kinikilig na ako, ikaw ba naman yayain ng crush mo ?

"Eh ano naman , eh gusto kita makasayaw." Sagot nya. Pero halatang lasing na sya.

"Sus , Jer pagbigyan mo na yang si Donny.  Heart broken yan kaya samahan mo na." Sabat ng isa naming kasama.

Nagulat ako ng may biglang natumba na upuan. Nakita kong umalis si Jansen. Ano kaya nangyayari don?

Tumayo si Donny at hinila ako pagitna. Nagpalakpakan naman ang mga kasama namin sa lamesa at pati na rin ang ibang nakakita.

Pagdating sa gitna ay humawak sya sa bewang ko. " San ako hahawak?" Tanong ko . So awkward!

"Syempre , ikaw ang girl kaya dapat sa balikat ko." Sabi nya.

Hinampas ko sya ng mahina sabay hawak sa balikat nya. Medyo pabebe ako sa part na yun. Inihilig nya ang ulo nya sa balikat ko. Amoy na amoy ko ang pabango nya na may kasamang amoy ng alak. Napaka seductive ng amoy na yun para sa akin.

Natapos na ang kanta at kumalas na ako sa kanya. Pero pinigilan nya.

"Please don't.... Don't leave me! I can't afford a life without you." Sabi nya. What ? He says that ? To me ? Why ?

Kahit na crush ko si Donny ay hindi ko ipinagpipilitan sa kanya ang sarili ko. At kahit kailan ay hindi ko pa nasubukang magparamdam sa kanya. And I know he's straight , but?

"Sure , I won't." Sabi ko na lang sa kanya.

"I love you!"  Si Donny.

Ano kaya nangyayari sa kanya ? Alam kong kinikilig ako pero hindi ako ganun ka atat para maniwala agad.

Hindi ko sya sinagot. Naramdaman kong parang bumigat ang ulo nya. Nakatulog na ata. Inalalayan ko sya para makaupo sa lamesa at tinulungan naman ako ng mga tropa namin ng makita nila kami.

Pinaupo ko sya sa upuan at pinainom ng tubig. Sumandal sya balikat ko at tuluyan ng pumikit. Lasing na nga talaga to!

Tiningnan ko si Jansen sa upuan nya pero wala pa sya. Tinanong ko ang kasama namin , kanina pa daw sya sa CR at hindi pa bumabalik.

Ano kaya nangyayari don? Nag-aalala na ako sa bestfriend ko ah. Gusto ko syang puntahan pero paano si Donny ? Lasing na sya at hindi ko sya pwedeng pabayaan dito.

Maya-maya lang ay naramdaman kong hinawakan ni Donny ang kamay ko. Wala na akong nagawa. Mahina akong tao , kaya hinawakan ko na din ang kamay nya. Napangiti ako sa ginagawa ko , hindi naman siguro ako nagte take advantage kasi sya naman ang naunang humawak sa kamay ko.

****

"Iho , gabi na! Dito ka na kaya matulog. Delikado na pag umuwi ka pa." Sabi ng mama ni Donny sakin.

Oo nga pala , hinatid ko si Donny. Hindi na din kasi sya kayang ihatid ng mga kaibigan nya. Naloka ako kasi sabi magdamag ang party pero nagsiuwian na ang mga estudyante kaya nagpasya na din akong ihatid si Donny para makauwi. Hindi ko na din nakita si Jansen, umuwi na siguro kaya hindi ko na hinanap.

"Ah , eh. Nakakahiya po. Uwi na lang po ako tita." Sagot ko sa kanya.

"Naku iho , madaling araw na at medyo madilim pa mas delikado dyan sa labas. E text mo na lang muna si mama mo." Pangungumbinse nya sakin.

Wala na akong magawa at pumayag na lang. Don daw ako matutulog sa kwarto ni Donny , parehas naman daw kasi kaming lalaking kaya walang mali. Weh ?

Medyo nahimasmasan na si Donny at nakatayo na sya. Pagkapasok namin sa kwarto nya ay naghubad sya ng pantalon at naka boxer na lang , hinubad nya din ang t-shirt nya at hindi na nagsout ng pang itaas. Hinubad ko na din ang sout ko ,naka boxer din ako pero may sando akong sout.

Humiga sya. He looks so sexy. He is so tempting. Hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kanya. Ang ganda ng katawan ni Donny, he is a badminton player kaya I was expecting na maganda talaga katawan nya. Pero iba ang feeling pagnakikita mo sya in person.

Nagulat ako ng bigla syang nagsalita.
"Jero?"

Tumingin ako sa kanya. Nakatitig pala sya sa akin. Medyo namula ako don, nahihiya ako sa kanya pati sa sarili ko.

Tumayo sya at walang anu-ano'y dumampi ang labi nya sa mga labi ko. Kahit nagulat ay hindi ko nakuhang kumawala. Hinawakan nya ang pisngi ko habang patuloy sa paghalik. Nagpaubaya na lang ako , as if I am enjoying this but YES I am. Hihi

He kissed me as passionate as he was. I can feel his soft lips , his tempting tongue inside my mouth.

Unti-unting gumagapang ang kamay nya. Nadadarang na ako sa init at nagpaubaya na sa nangyayari , gusto ko si Donny  at maituturing ko na maswerte ang sarili ko dahil dito.

****

"Tita , uwi na po ako." Paalam ko sa mama ni Donny.

"Sige iho , ayaw mo naman mag-almusal eh. Mag-ingat ka ah." Sabi ni tita.

Umalis na ako. Habang naglalakad ay napapangiti ako, sa hindi ko inaasahan ay may nangyari samin ni Donny kagabi. Damang dama ang init ng pagtatalik namin. Halos hindi ko din mabilang ang pag "I Love You" nya sakin na sinagot ko naman ng "I Love You Too".

*****

TEMPO (One Shot Story) (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon