Lunes ng umaga, dalawang araw na din ang nakakalipas pagkatapos ng prom. First time naming magkikita ni Donny ngayon after nong nangyari samin. Halos nakalimutan ko na si Jansen , hindi ko na din pala sya nakita nong mga nakaraang araw. Hindi sya bumisita sa bahay nong sunday kaya inisip ko na lang na busy sya.Maya-maya lang ay nakita ko si Donny sa may pintuan, ng mapatingin sya sakin ay nginitian ko sya. Ngunit nagulat ako ng inisnob nya ako. It seems like I'm stranger on him. Inisip ko na lang na baka hindi nya ako nakita.
Dumating na din si Jansen. Pero hindi sya umupo sa gilid ko. Nagdududa na ako dito ah , kelangan ko syang kausapin. Hindi ako sanay sa kinikilos nya.
"Meg?" Pagtawag ko sa atensyon nya. Tiningnan nya lang ako. "May problema ka ba?"
Umiling sya. "Eh tayo?" Pagpapatuloy ko.
"Walang TAYO!" Sagot nya sakin na may pagdiin sa huling salita.
"Coco Martin?" Pagbibiro ko sa kanya. Ngunit hindi nya ako sinagot.
Hinawakan ko sya sa balikat. "Oy , ano ba hindi ako sanay. Ano bang problema? Sabihin mo naman."
Nakita kong nagtinginan lahat samin ang mga kaklase ko. Napalakas na pala ang boses ko. Nakita ko ding nakatingin si Donny samin.
"Wala yun, okay lang ako. Wag mo na akong pakialaman kahit kailan." Sabi ni Jansen.
Hah ? Hindi ko sya maintindihan. Anong ibig nyang sabihin ?
Tatanungin ko pa dapat sya ngunit pumasok na ang advicer namin at nag-umpisa ng maglecture.
Natapos ang first class namin ng hindi ako kinikibo ni Jansen. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko din si Donny pero wala akong makuha kahit ni ngiti sa kanya. Sa tuwing susulyap kasi sa kanya ay naabutan kong nakatingin din sya sakin , kaya bawi naman ako agad ng paningin ko.
Lunch break na namin at kelangan na naming pumunta si Canteen. Tumayo ako at niyaya si Jansen , pero hindi daw sya sasama may training daw sila sa basketball at hindi pa naman daw sya nagugutom. Mas nauna pa nga syang tumayo sakin at umalis. Naku ,ano kaya nangyayari sa bestfriend ko?
Pinabayaan ko na lang sya at pumunta na sa canteen. Bago umalis ay nilingon ko si Donny sa kinauupuan nya ngunit wala na sya don. Binaybay ko ang hallway papunta sa canteen.
Napadaan ako sa room 101 , ang alam ko walang masyadong nagkaklase sa room na'to! Ginawa kasi itong Tech Lab. Pero bakit may naririnig akong nagsasalita. Aalis na sana ako ngunit parang kilala ko ang boses...
"Jean , mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka. 'Wag mokong iwan." Sabi ng boses ng lalaki.
Hindi ako pwedeng magkamali, that was him. Sumilip ako sa salamin sa may pintuan. Nagulat ako sa nakita ko.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak. Ang sakit sa pakiramdam. Tatakbo sana ako, ngunit nasagi ko ang basurahan at natumba ako. Nakita kong bumukas ang pintuan.
"Jero ? Anong ginagawa mo dito ?" Tanong nya sakin.
"Ah , eh.. Wala ,napadaan lang." Sabi ko sa kanya
"Eh bakit ka umiiyak?" Tanong nya na parang wala lang sa kanya. Na parang wala kaming pinagdaanan na parang walang nangyari samin. Nakakainis sya!
"Eh bakit ka umiiyak?" Tanong nya sakin ng mapansin na may mga butil ng luha sa mga mata ko.
Pinahid ko muna ito. "Ah , kasi masakit eh... "
Hindi pa ako tapos magsalita ng may humablot sa braso ko. "Tara na! Wag kang umasang tutulungan ka ng kupal na yan."
BINABASA MO ANG
TEMPO (One Shot Story) (BxB)
Short StoryAng sarap magmahal , lasang TANGA ! HAHA A/N: One shot lang naman kaya basahin mo na :)