Trip 30: Partyツ

64 1 4
                                    

Sthefy's POV

Ayon, -__- libre ko nga yung lahat. Pero kahit ganun, nag enjoy pa rin ako kahaponxD

Nandito na kami ngayon sa bahay ni lola para mag ready sa party. Free kami kasi wala sina Lolo at Lola dito sa mansyon. Kakausapin daw sina mama at papa tungkol sakin. Ano kayang tungkol sakin? Hmm..

"Ahhhh! Ayoko! Ilayo niyo ako sa make up na yan! Hindi ko kakayanin pleeeeeaaasssseee!!!!"- nabigla naman ako mula sa pagmumuni muni ng sumigaw ng pagkalakas lakas si Jhemz. -_-/// Walanjo!

Hila hila na sya ni Kassy at Trix habang sya halos makipagpalit na ng pwesto sa haligi.

"Eto naman! Exagge masyado??! Hindi ka naman papatayin! Make up lang. Chill ka lang!"-Trix

"Aniyo! Iie! No! Ayoko! Mamamatay muna ako bago magpa make up!"-Jhemzie na nakasigaw na!! (pati ako nakisigaw!! XD)

"Ahh ganun.. Ayaw mo talaga?"-Kassy

Binitiwan nya na si Jhemzie kaya si Trix na lang ang humihila sa kanya.

"Ayoko talaga!"-Jhemzie

Lumabas si Kassy ng kwarto.

"Hala Jhemz! Nagtampo yata si Kassy!"-ako

"Hindi nagtatampo yun! Nagdra drama lang. Alam mo naman si kapatid natin emotera rin"-Jhemzie

Grabe lang! Ang sensitive mo Jhemz. Hindi na ako magtataka kung mapapatay siya nun. Nakakatakot kasi silang dalawa. Kung sila ang leon at tigre, kami naman ay mga uod XD

Bigla na lang pumasok si Nul, Minhyun, Mellow at Mitchie. Nakabusangot at parang naiinis

"Oh? Problema niyo?"-ako

"Ayoko na talaga!"- Nul na padabog na umupo sa sofa.

"I've had enough!"-Minhyun

"Weh! Inenglish mo naman yung sinabi ko eh!"-Nul. Nasapok tuloy sya ni Minhyun. Kasi naman, kelangan ipangalandakan?

"Bakit kasi??"-Jhemzie na naiinis na. Homaysiomai! Sagutin nyo na nang matino. Kakainin na tayo nyan! Tigre yan uod lang tayo. T.T Oo, ganyan na ngayon.. nangangain na ng uod ang tigre..

"Kasi naman. Wala pa yung flowers na ipinadeliver natin para ilagay sa center tables!"-Mellow

"Tapos yung ice sculpture. Natutunaw na!!"- Mitchie

Frustrated na frustrated talaga silang apat. (-.-)

"Eh. Bakit pinoproblema nyo pa yan? Marami kayang katulong si Lola."-ako

Nagkatinginan silang apat.... tapos tumingin sa amin na seryosong-seryoso. Napalunok na lang ako ng laway. Natetense ako sa sasabihin nila eh. Parang unti-unting bumibigat ang atmosphere dahil ni isa sa kanila walang nagsasalita

"Wala, trip lang namin" -silang apat

*pok* *pok* *pok* *pok*

Binatukan sila ni Jhemzie. XD. Akala ko naman talaga kung ano. Pinakaba pa ako. Trip talaga nila dinala pa dito sa Korea.

"Tsk. Brutal!!" -silang apat habang nakahawak sa kanya kanyang batok

"Kung anu-anong kalokohan ang pinaggagawa nyo eh hindi pa nga kayo ready para sa party eh!!" -Jhemzie na nakasigaw na naman.

"Sus. Nagsalita ang ready"- Trix na bumulong sa sarili

"Anong sabi mo Trix?" -Jhemzie na malapit na nakataas ang kilay.

Trip To Korea (para sa mga obsess dyan..XD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon