Trip 32: Drama Cheness xD

47 0 0
                                    

Sthef's POV

"D-dad?"

Napatulala nalang ako sa sinabi ni Dad. P-pano nila nalamang andito ako? At tsaka, bakit pinapauwi na nila ako?

"Sthef.. " sabi ni Dad habang papunta sakin kasama niya si Mom na mukhang.. galit? O.o Naku.. di ko pala sila sinabihang andito ako kina lola.

"Sthef, bat di mo kami sinabihang andito ka pala kina lola mo? Ginawa mo kaming tanga Sthef!" mariing sabi ni Mom na halata mo namang pinipigilan niya lang magalit ng sobra.

"Sthef.." Bulong ni Mellow sabay may nagpat ng balikat ko.

"*sniff K-kasi.." Di ko napapansin.. panay na pala ang pagtulo ng mga luha ko. Sa buong buhay ko.. ngayon ko lang naranasang pagalitan nina Mom sa harap pa ng maraming tao. Yung mga maids, mga kaibigan ko at yung iba pang andito sa mansyon ng lola ko. Pero di ko naman sila masisisi kasi kasalanan ko naman. Nagsinungaling kasi ako.

"Ano?! All this time..buong akala namin ay nagcheck in kayo sa isang hotel o nagstay in sa rest house ng kaibigan mo! Ilang araw na Sthef! Halos mag-iisang buwan na.. Yun pala andito lang kayo! Di ka namin pinalaking sinungaling." Mom

"Ah.. k-"

"Tama na Sthef.. Hali ka na.." Dad at hinawakan niya ng mahigpit yung braso ko..

"D-dad.." Mahigpit yung pagkakahawak niya habang kinakaladkad niya ako.. Masakit na yung braso ko.

"M-masakit na po yung braso ko.." kahit halos di ko na kayang magsalita pa dahil sa pilit kong pinipigilang huwag umiyak ay pinilit ko pa ring sinabi iyon.

"Jun!"

Sabay kaming napalingon at nakita ko si lola.. Pababa siya ng hagdan.

"Lola!" Tatakbo sana ako papunta sa kanya kaso di ako makaalis sa pagkakahawak ni Dad ng braso ko.

"Sthef.. Apo! Jun! Nasasaktan yung bata!" sigaw ni Lola ng may pag-aalala habang patungo siya samin.

"Ma, huwag mo na kaming pigilan. Hindi namin gusto na maranasan ni Sthef ang ipinaranas ni Papa sakin!" -Dad

O___o

"Ha? Ano pong ipinaranas?? Ha lola??" naguguluhan na ako. Kahit alam kong masama ang sumali sa usapan ng mga matatanda, nagsalita pa rin ako. Kailangan ko rin namang malaman ang totoo.

Ba't napunta rito? Parang kanina lang nagtatawanan pa kaming walo.

"Umakyat muna kayo mga apo.. at ikaw din Sthef.. Jun, please. Pag-usapan muna natin to..huwag mo nang hayaang marinig pa ng mga bata ang pag-aaway natin.."

"Hindi po! Gusto ko pong marinig.. Kung bakit po ganito.. Akala ko po kasi wala namang gulong nangyari sa pamilya natin. Sa inyo ni Lolo at kina Dad.. Yun pala.. meron!" ibinaling ko naman yung tingin ko kina Dad.

"Kaya po pala hindi kayo nagkukwento tungkol kina lola. Kaya niyo po pala iniiwasan yung mga tanong ko tungkol kina lolo at lola.." sabi ko.. This time, pinunasan ko na yung basa kong pisngi ng damit ko.. Nakacostume pa pala kami. Di ko na napansin dahil sa ang drama ng atmosphere..

"Sthef.." Mom

"Mom.. akala ko ba di niyo ako pinalaking sinungaling pero nagsinungaling din pala kayo sakin!"

*SLAP

.

.

Umalingawngaw ang tunog ng malutong na sampal na natanggap ko mula sa ina ko.

Trip To Korea (para sa mga obsess dyan..XD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon