Liham

143 6 5
                                    

"Nakakarinig din po ako ng boses lagi hindi po ako mapalagay natatakot po ako."

Ayoko sabihin kay tito na pumunta ako sa mental hospital lalo na't patago akong pumupunta dito. Para sa'kin hindi normal ang palaging makakarinig ng boses pero alam ko sa sarili ko na totoo siya kung minsan nga ay...

"May nakita po ako, magandang babae lagi ko siyang nakakasalubong nakangiti sakin pero madalas umiiyak siya."

Baliw...

Naririnig ko habang dumadaan ako sa canteen namin hindi ko sila masisisi dahil lagi akong nakatulala at nagsasalita magisa yung babae kapag sinusundan ko siya biglang naglalaho.

Schizophrenia

"Make sure to accomplish your daily check up and about the medicine please wag mo itapon." inabot niya sakin ang papel at masusi niya akong tinititigan dama ko ang galaw ng mata niya sa bawat pagpirma ko sa mga forms

"Doktora hindi ako baliw." Seryosong saad ko pero mapait siyang ngumiti.

"See you again, Ms. Villa."

Napayukom na lang ako sa inis, siguro nga walang nakakaintindi sakin at walang maniniwala sakin. Oo, tinatapon ko yung gamot dahil alam ko walang mali sakin. Pumunta ako dito dahil akala ko maiintindihan nila ako pero mali lalong mas naging kumplikado ang lahat at pagdududa ko sa mga bagay bagay.

Pagkalabas ko sa ospital naglakad lakad  ako para magpahangin hindi muna agad ako sumakay. Inilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang handbag para hanapin yung earphone. Madalas nakaipit ito sa mga notebook ko kaya medyo nahirapan ako na hanapin dahil kailangan ko pa tanggalin ang mga notebooks. Hawak ko ang phone sa kabilang kamay, may lalaking nakasumbrero dumaan at binangga ako.

"Kuya dahan dahan na-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil mabilis niyang hinablot yung phone na hawak ko.

"MAGNANAKAW!" malakas na sigaw ko para may makarinig at tumulong sakin.

Tumakbo siya, wala na akong panahon para humingi ng tulong. Hinabol ko ang may sala at napansin ko sobrang bilis niya tumakbo.

Hindi maaari, bakit mas mabilis siya sakin?

Hindi ako nagpadala sa mga bagay bagay na naiisip ko, may napansin akong kakaiba pero mas importante sakin ang cellphone ko. Pilit kong binibilisan ang takbo ko para abutan siya, mas lalo siyang bumibilis hindi ko namamalayan nakaabot na kami sa madilim na lugar. Hindi ko na natatanaw ang mga shops sa gilid malayo ang natakbo namin. Tumigil ito na para bang hinihintay ako, tama pagkakataon ko na. Nilabas ko ang kutsilyo.

"Maschenny Cyan Villa, labing-walong taong gulang. One of the ten students to complete Augustus Dungeon Mock Test bubuksan ko ang pintuan para makapasok ka sa-" Mabilis akong kumilos papunta sa likod niya at inipit sabay tutok ng kutsilyo banda sa leeg niya.

"Nasaan ang cellphone ko?" dahan dahan kong diniin ang kutsilyo sa kanya.

Hindi ako interesado sa mga sinabi niya isa lang gusto ko makuha. Bigla siyang ngumisi at tumawa ng malakas kaya mas hinigpitan ko ang pagkakaipit sa leeg.

"Tinunaw ko habang hinahabol mo ako" Nandilim ang paningin ko at hindi nagdalawang isip na gamitin ang dahas sa kanya. Lalong lumalalim ang sugat sa leeg gamit ng pagkakadiin ko sa kutsilyo napansin ko ang pagpatak ng dugo.

"Andante"  Nanlaki ang mata ko pagtapos niya bigkasin iyon.

"Sino ka?!" Dumilim ang paligid unti unting nanghina ang katawan ko parang hinihigop ang kaluluwa ko at hinawakan niya ako sa kamay.

Malakas siya, isang tao lang ang kilala ko na may ganitong lakas.

Venga conmigo! abrir la puerta

sinasabi ng bulong, hindi maaari...

"Huling vivace na hinahanap ko at sa wakas nakita din kita. Hindi ka baliw, totoo lahat iyon alam mo sa sarili mo at ikaw lang ang tumatakas." lumapit siya sakin at biglang may lumitaw sa harap ko.

balahibo ng paboreal, kulay ginto.

"Ako bilang isang mensahero dala ang  imbitasyon at nagpapahiwatig na isa ka sa napili, liham mula sa kataas-taasang kautusan ng Andante ipinapahatid na ikaw ang huling vivace natatanging napili sa pagsubok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ako bilang isang mensahero dala ang  imbitasyon at nagpapahiwatig na isa ka sa napili, liham mula sa kataas-taasang kautusan ng Andante ipinapahatid na ikaw ang huling vivace natatanging napili sa pagsubok." 

"Tumigil ka" matalim ko siyang tinitigan. Nanginginig ang buong katawan ko hindi ko maigalaw ang paa ko para tumakas. Matagal na panahon nakakatanggap ako ng maraming liham alam ko hindi ako normal. Lahat ng liham sinusunog ko at pilit tinatakasan ang nakatadhana na hindi nararapat sa mundo ng mga tao.

Hindi ko ito mundo.

"Kapag hindi mo tinanggap ang liham, sumpa ang kakaharapin mo habang buhay kang katatakutan at mamamatay ang mga taong mahalaga sayo." napahawak ako sa dulo ng damit ko, nanghihina ang tuhod ko.

"Sa tingin mo maniniwala ako sayo at masisindak sa sinabi mo? hindi kita kilala, at normal ako."

"Hindi ka normal athena."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Arcantasia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon