° Part II. °

4K 82 1
                                    

A Dream or a Past?

PHOTOSHOOT doon, photoshoot dito. Yan ang sistema ko halos araw-araw. Pero don't get me wrong. Hindi ako model. I'm actually a photographer. Nagta-trabaho ako sa isa sa mga sikat na fashion magazine sa pilipinas.

Sa loob ng dalawang taon, matapos akong maka-graduate, nagsikap ako para maharap ko ang career kong ito. Kahit na nakatapos ako ng photography course, pumasok ako sa mga workshops para mahasa pa nang husto ang kakayahan ko.

Nahilig din akong gumawa ng photography blogs kaya mas dumami ang mga taong nakikilala ko at nakakakilala sa 'kin. Nagugustuhan nila ang mga photos ko at mas dumalas ang pago-organize at pag-improve ko sa mga portfolios ko.

Yung mga kaibigan ko naman, ayun. Kanya-kanya na rin silang sikap sa kanilang mga careers. Pero madalas pa rin kaming magkita-kita kapag may free-time.

Kami ni Mama? Masaya naman kaming dalawa sa isat-isa. Proud na proud siya sa akin dahil nagawa kong maabot ang mga pangarap ko sa kabila ng mga nangyari sa pamilya namin.

At nung mismong graduation ko, kumain kaming dalawa sa labas. Bigla niyang tinanong kung bakit raw wala pa akong nagugustuhan.

Nagtataka siya.

Natawa pa nga ako nun dahil sa sunod niyang sinabi. But na-touch din ako at the same time.

"Kung gano'n..." pinagmasdan niya ako. "'Wag mong sabihin na lesbian ka, Sophie."

"What? Ma! Hindi. Promise. Wala lang yan sa isip ko ngayon," pagtatanggi ko.

"Eh kailan mo maiisipan yan? Pag tumanda ka? Pag nawala na ako?"

"Ma! Don't say that."

Hinawakan ni Mama yung kamay ko. "Sophie... tayong dalawa na lang ang magkasama. Nag-aalala ako dahil tumatanda na rin ako. Ayokong kapag mahina na ako, wala nang mag-aalaga sa 'yo. Hindi naman sa tinataboy kita. Ayoko lang na tumanda kang dalaga. Alam kong yung paghihiwalay namin ng... Papa mo ang isa sa naging dahilan kung bakit natakot kang sumugal sa pag-ibig.

Pero anak, hindi mo ba alam na kung hindi dahil sa pagmamahalan namin ng Papa mo noon, hindi kita makikitang ganito." Isang luha ang lumandas sa mata ni Mama na nagpaluha rin sa akin. Mas hinigpitan pa ni Mama yung hawak niya sa kamay ko.

"Nagpapasalamat ako sa Diyos na binigay ka Niya sa amin ng Papa mo. Na nagkaroon kami ng matalino at magandang anak. Gusto kong kahit na mawala ako sa mundong ito, dumating man lang panahon na may mag-aalaga at magmamahal na lalaki sa buhay mo. At balang araw, magkakaroon ka ng sariling anak, katulad ko. Tandaan mo yan anak. Mahal na mahal kita," maluha-luhang sinabi ni Mama. Sa sobrang emotional ko sa sinabi niya, niyakap ko siya ng mahigit. Maswerte ako at nagkaroon ako ng ina na katulad niya. Inang laging nandiyan at hindi sumusuko para sa 'kin. I really love her more than anything in this world.

"I love you too, Ma."

"Alam mo, Sophie, minsan nagsisi rin ako na pinigilan kita noon..." Bigla niyang iniwas yung tingin niya. Tiningnan ko si Mama.

"Po?" naguguluhan kong tanong. Bumuntong-hininga naman si Mama na tila nahihirapan siya kung magsasalita ba siya o hindi. "Ma."

"Anak... kasi, natatakot akong baka may mangyari sa 'yo."

"Ma, anong sinasabi niyo? may tinatago po ba kayo?" Medyo kinakabahan ako sa inaakto ni Mama.

Umiling na lang siya. "Wa-wala anak. Kalimutan mo na yun. Basta lagi mong tatandaan 'wag kang mag-aalinlangan na magsabi sa 'kin ng kahit ano. Okay, nandito lang ako para sayo." Kahit naguguluhan ako, tumango na lang ako at sumang-ayon.

Indelible Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon