Un:@GlovitaMalditah
Name: Glovie E. Jurado
Age: 20 years old
What is the definition of cute for you?
Ang cute ito yung sa unang tingin palang, hindi mo na maalis ang tingin mo sa bagay/tao na iyon. “Head turner” sabi ng karamihan. Yung tipong magaganahan ka tapos sasabihin mo “Ay ang cute-cute naman nito.” Ang cute kasi ay hindi kabuuoan ang pinapahiwatig niyan, yung may mga bagay/o bahagi sa iyo na nagiging cute ka. Yung cute ka magdamit, tapos ang cute mong tingnan. Yung hindi nakakasuka sa paningin ng iba. Ang cute ay yung may isang katangian sa iyo na wala sa iba.
Why do you consider yourself as cute?
HAHAHA. Ako cute? HAHAHA ulet. HAHA! De seryoso na talaga. Gaya ng sagot ko sa una kong tanong ang pagiging cute ay hindi ang panglahatan. May bahagi lamang na nagiging cute ka kaya ganun. Cute daw ako kasi sa pagiging chubby ko ay may shape ang katawan ko at ang cute ko daw tingnan. Hindi po ako nagmamalaki dahil totoo po iyon, kahit makipagkita pa kayo sa akin. HAHAHA! Yung cheeks ko din daw ang cute daw at yung mata ko ngayon na ubod ng laki sa eyebags ang cute ko daw tingnan. Seriously? Sila lang po yun nagsasabi sa akin nun. Lagi kasi nila sinasabi sa akin ito. “Dili man ka gwapa Glov, pero cute jud ka. Samut nag mukatawa ka, basta cute ka sa pagka-ikaw.”(Hindi ka naman maganda Glov, pero ang cute mo talaga. Lalo na kapag tumatawa kana. Basta ang cute mo sa pagiging ikaw.) Someone said that to me, kasi yun nga nag-cocompare sila ng mga classmates kong magaganda tapos dumating yung turn na kinompare nila ako. Kaya ayun napa-ha ako kasi sinali ba naman ako sa compare nila. Haha! Pero natuuwa ako na ang cute ko pala kapag tumawa.
Do you believe that cute only refers to puppies?
Agree, not believe. Remember yung pusa sa shrek?? Haha! Ang cute niya kaya yung pinapalaki niya ang mata niya. Yung mga kaaway niya doon eh napapa-aaw dahil sa sobrang cute niya. Gaya ng sinabi ko sa una kong sagot, ang cute ay hindi sa pangkalahatan. May mga bahagi lang na ang cute mong tingnan. Example nagsuot ka ng damit yung kulay ay attractive diba may magsasabi sayo ng “Ang cute mo dyan. Bet ko yan.” Yung ganun.
Tell me something about you, your personality, behavior, attitude, appearance.
About me, I’m chubby, bubbly, malakas tumawa. HAHAHA! Minsan boyish magdamit, minsan kikay din. Moody, strikta sa lahat ng bagay, ayoko yung pinapakialaman yung gamit ko without my permission, prangka magsalita, walang pakialam, okay Joker daw ako kasi ang funny ko daw haha LOL! Yung marunong makisabay sa lahat ng bagay, a mirror to yourself : Opo ganito pa kasi ako, kung baliw ka baliw din ako, kung tahimik ka tahimik din ako, bungangera, medaling magreact at hindi muna pinag-iisipan ang lahat, madaling magsawa, at tamad sa mga gawaing bahay, gustong laging natutulog, mahilig mag-imagine, pangarap maging singer haha lastly MALDITA AKO at proud ako doon.
Give me three characteristic, appearance, or personality you that describe why you’re cute.
Why do you think having this is cute? My cheeks, yung pagiging bubbly ko at yung chubby figure ko. Bakit? Dahil ito din naman ang unang makikita/mapapansin ng tao sa akin, yes ang lakas ko talagang tumawa yung tipong pagtitingnan ka ng mga tao dahil sa lakas, pake ko ba ang sarap kayang tumawa ng hindi mo pinipigilan diba? :D So ito nga, ito yung unang nakikita ko sa sarili ko kung bakit ako cute.
If you would be an animal what cute animal would you be? Why?
Tulad sa pagkapili ko ng Extinction ni Mickoy, rabbit talaga ang pinili ko. Bakit? Dahil una sa lahat nung bata pa ako, gusto ko na talagang magkaroon ng rabbit. Ang cute kasi niya, yung balhibo niya ang sarap haplosin tapos yung mata niyang mabilog at yung tenga niyang mahaba. Kaya yun, gusto ko talaga ang rabbit
What is one thing that symbolizes you as a cute person? Why?
A stress ball, kasi bukod sa bilog at malambot itong hawakan ay nakakawala ito ng pagod. Totoo po iyon, isa akong laging mainitin ang ulo kapag pagod pero trust me, I can be your friend in times of everything. Ok balik tayo sa stress ball, ang cute niya diba? May iba’t ibang design kaya nagiging cute siya tingnan, color palang ng stress ball nakakarelax na, ganun din ako ang cute ko sa lahat ng bagay. Kung may problema ka pagsasabihan kita ng wag ganun kasi ganyan. Hindi ako yung tao na dinadaan lang sa biro ang lahat. Minsan kasi kailangan din ng iba ng taga-payo. Kaya I consider myself as a stress ball dahil sa cuteness nito at the same time nakakawala ng stress.