Wattpad Cuties - takehumiTAMII

231 15 12
                                    

Username: takehumiTAMII

Name: Arjay Glorioso

Age: 14

What's the definition of cute for me:

Ang pagiging cute ay isang salitang gustong-gustong makamit o makamtam ng iba, kasi once na na sa'yo ang salitan "Cute" isa ka na sa mga taong hahangan nila o mga taong makaka kita sa'yo. Pero sa akin ang salitang "Cute" ay may kaakibat na obligasyon. Once na naging cute ka kailangan mo na 'tong pangatawan. Kailangan mong maging presentable at mag mukhang maayos para mapanatili ang pagiging cute mo't para wag kang layuan ng iba o ayawan. Isa pa. Once na naging cute ka magiging mahirap ang pag tago ng iyong privacy, marami na kasi ikaw taga hanga kaya lahat ng sekreto mo'y gusto mong alamin. Pero masasabi kong hindi lang sa mukha or physical aspect makikita ang pagiging cute, maari din natin itong makita through emotional or moral aspect.

Merong taong nasasabihan na cute but hindi ito sa pagiging matambok na pisngi, matangos na ilong, mapupulang labi or kissable lips, sa pagiging maganda ng mata o mahaba ang pilik, nasasabihan sila na cute dahil umaasta silang na normal. Hindi nila kailangang maging cute or mag pa-cute para gustuhin o hangaan ng mga madlang maka ka kita sa kanila. At may mga taong cute dahil iba ang kanilang pag uugali, hindi maybang, hindi siga or feeling siga. Mas gugustuhin ko pang tawagin ang mga tao bilang cute bilang isang matalino, down to earth or humble, mabait, masipag, yun bang ganun. Kahit hindi matambok ang pisngi, may mahahabang mga pilik at magagandang pisngi. Kesa naman tawagin kang cute tapos once na malaman nila na masama ang ugali mo, bobo ka, siga o maangas ka, eh lalayuan ka rin nila for sure. Kaya para sa akin. Ang pagiging cute ay hindi bilang meron kang perpektong mga pisngi't pilik mata na mahaba, kundi bilang isang magandang moderno para sa mga taong hindi cute ang mukha kundi cute ang mga ugali. Katulad sa pagiging maganda. Hindi importante kung maganda ka sa panlabas na anyo basta maganda ang panloob mong ugali. at take note. Hindi porket na sinabihan na cute ka ay isa ka nang gwapo, hindi sila mag kaparehas. Spelling palang ang layo-layo na. Pag sinabihan kang cute ibig sabihin nun ay malapit ka nang maging gwapo. Pero pag gwapo ay gwapo ka talaga. Swerte ka kung isa kang Gwapong Cute.

Why i consider myself as cute:

Masabi kong isa ako sa mga cute dahil hindi ako meron akong magandang mukha kundi meron akong magandang ugali na pwede sa kahit na sinong uri ng tao. Kung isa ka mang bipolar ay karapat dapat tayong mag sama. Pero seriously, isa kasi akong taong marunong makisama kaya masasabi kong cute ako sa pakikisama.

Do I believe that cute only refers to puppies:

Pwede kung mukha kang talagang tutang anak ng isang asong ulol. Jowk. It's a big NO. Hindi lang pwedeng makita ang pagiging cute sa isang tuta. Pwede din mo naman 'to makita sa isang Love Bird or sa akin xD. Hahahaha basta hindi lang pwedeng makita ang pagiging cute sa isang tuta. Case Closed.

Tell me something about you, your personality, behavior, attitude and appearance.

Isa akong 5.4 akong tao may bilogang mga mata at may malagung buhok medyo may kapayatan pero hindi naman parang tingting. Meron akong magandang buhok na sa tingin ko'y nag pa-cute sa akin at mga mata kong kulay brown tsaka ang labi kong manipis. Dahil ito lang ang naiiba sa akin na hindi sa iba.

If you would be an animal what cute animal would you be? Why?

Guston kong maging isang panda dahil paborito ko si tao. Di jowk lang. Seriously gusto kong maging isang pusa, kasi once na naging pusa ako ay maari na akong mamungkal ng pag kain ng iba. At ikinaganda nito ay pwede na akong makipag halubilo at mare-realize ko na rin kung pa'no ang kumain ng mga tira tira at pag kain na nasa basurahan. Mahilig kasi akong mag tira ng pag kain at baka dun ay ma realize ko kung pa'no kahalaga ang pagkain.

One thing symbolize being cute:

Fear of God. Kasi kung hindi dahil sa kanya ay wala kang taglay na ka cute-an kung hindi dahil sa kanya. At tsaka, cute kaya ang pagiging maka-dyos ( kahit ako'y hindi ganun) iba kasi ang paki-ramdam pag may kasama kang banal parang isa ka naring banal kahit hindi. At tsaka mas mamumulat ka nya about god and the bible too. Kaya ayun, Fear of God ang napili ko.

Guston kong maging isang panda dahil paborito ko si tao. Di jowk

Wattpad Cuties 2014 Round 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon