“ You will always be that someone who can make me laugh without even trying”
UN: @KayeSJ and @1Dude_ArcieS
Names: Kniks and Arcie
Love team name: The Goofy Ones
Endearment: Bebe and Bads
Real couples or love team?
- Errr.. Love team daw? Sila naman ang nag-ship samin. Haha!
How love have you been love team?
- I don't really know when, like I said, sila ang nag-ship samin. Haha! Basta nagsimula na lang, nakakaloko daw kasi.
Do you believe that best relationships start unexpectedly?
- Definitely yes, unexpected relationships happen when you actually fall in love. Falling for someone is the most beautiful thing in the world. It's spontaneous and unexpected that's why it's called falling in love.
Are you soulmates or opposites?
- This is really tough. Haha! I don't know, I think we're soulmates because we both have a shallow happiness. We laugh at littlest things all the time, we can see hilarious thing that a 'normal' people can't see. We love to give codenames, make our own vocabulary, we are random, we are silly. But we're also opposite in some ways. Am I making any sense here? Haha!
What makes your love team strong?
- It's the big laughter we've had. XD
What are your similarities and differences?
- Similarities: Bads' POV
* Pareho kaming mahilig sa sweets.
* Laging nasa bahay, mas malala lang siguro ako, kasi umabot na ng 2 buwan, hindi pa ako nalabas ng bahay Hahahaah! xD
* Parehong mahilig tumawa at magpatawa.
* Failed sa adlib ng "Oooooh" sa kanta Hahahhaha!
* Parehong tamad.
* Bully? Hehehe. Magkasangga kami diyan.
* Basta madami pa, hirap isa-isahin. (nakakatamad xD)
- Differences: Bebe's POV
* Math buff si bads, ako naman allergic!
* Malamig na kape ang gusto niya, ako naman mainit.
*Walang ibang sagot. Haha! Yun lang po ang difference namin
What is the thing/s that symbolizes you as a couple?
- Tux and bowtie kasi eh maganda na all by itself. But pairing them up would gradually make it a lot better. Ganyan kasi kami. Marami na ang nagsasabi na masaya daw kami kasama and kausap, nakakaloko daw. Some still haven't experienced talking to us na magkasama kami and woah... nakakasabog talaga ng panga't tiyan.
If you would be an animal/s what would it be and why?
- That would be hyena. Hyenas have this sound that make them seem like laughing. We always laugh, we love to laugh and everyone knows that. Sometimes, that's what everyone thinks, that we are laughing as a sign that we're happy. But it is said that hyena's laughter is a sign of frustration. Ganun kami minsan. May problema na pero tumatawa pa rin, or we make each other laugh pag may pinagdadaanan kami. Also, hyenas are known to be a wild animal, ganun din kami. Kung saan saan nagwawala na parang nakawala sa hawla.
Describe each other:
Bads' POV
- Ang galing ni bebe, ang galing ni bebe, ang galing ni bebe, ang galing galing. Bet on your bebe, bet on your bebe! xD Seryoso na! Si bebe, ano 'yan, ano na nga ba... Ayos lang 'yan. Hehehehe. Eto na talaga. Mabait naman 'yan sa mabait, mapangtrip lang talaga, tulad ko. Kung hindi niyo pa napapansin sa lahat ng sagot namin dito, eh mahilig 'yan tumawa at magbitaw ng jokes. Lalo na ang mga knock knock jokes. Pati tuloy ako nadamay na hahaha. Minsan ko lang nakausap iyan ng seryoso, at maikli pa. Ayaw niya kasi ng mga ganun, gusto niya masaya lang, bawal ang bad vibes. Malalapitan mo rin 'yan kapag may problema ka at asahan mo, mabibigyan ka na ng advice, tatawa ka pa! xD Ilang bes niya sinasabi na panget daw boses niya, hindi naman! I actually find it soothing. Kahit minsan failed hehehe. Magaling nga pala 'yan mag-gitara, 'sang bes nga papaturo ako diyan! Hehe.
Bebe's POV
Si bads?
Lalake iyon. Haha! :D Seriously, kung mabibigyang buhay ang word na 'makulit' malamang siya iyon. Ang kulit kulit niya to the extent na mahahawa ka sa hype niya. Ilang beses na rin niya akong pinaiyak... sa kakatawa. Kahit na hirap na hirap na ako, kahit torture na sa akin natutuwa pa rin ako kasi masaya ako. =)
Meron din isang beses na nagdradrama ako na hindi matuloy tuloy gawa niya. Patawa kasi ng patawa, sinisira niya ang moment ko hanggang sa nasira niya nga iyon and I ended up laughing and feeling better.
Hindi rin iyan suplado. Napaka-friendly kaya naman ang daming kaibigan, mga babae pa, insert sarcasm. Haha! Lagi siyang nag-rereply sa mga posts sa MB niya, nagbabasa ng stories na mga pinapabasa sa kanya, kapag magkausap kami, sa kanya palagi ang huling reply kasi it's either natulugan ko siya or matutulog na ako. Saka kumakanta iyan, nag-failed lang siya sa dalawang kanta kasi nag-cameo role ang pagaspas ng electric fan sa recording hahaha. Pero yung recent na kinanta niya okay naman. Ang husky ng boses niya, medyo paos kasi gutom daw siya nung nirecord iyon at sana next time mabuo na niya ang kanta. XD
Hanggang dito na lang po Ate Charo ang aking sulat.
Nagmamahal,
na pati ang fishball XD
What is your message to each other?
To Bebe: Padausdos, panganga, pasanib at patitig sa MB mo.... Ahahaah! Ano, alam mo na 'yun bebe! Basta PM mo lang ako kapag may problema ka, babangasan ko 'yan at I'm sure, tatawa ka xD. Tigilan mo na din ako sa pagta-try na paiyakin ako sa mga story mo, hindi ko rin babasahin 'yan, tee hee. Basta 'yon!
To Bads: Hoy, bads Tiiiing! Wala naman akong message sayo, araw araw naman tayong nag-uusap. Haha! Ano na lang katulad nga ng sinabi ko sayo dati kapag kailangan mo ng ano, anuhin mo lang ako. I-PM ba hahaha! Huwag ka ding mambabae kundi ipapadagan kita sa tiyan at ipapatitig sa pusa ng ma-conscious ka. HAHAHA! Tiiing! :D