Five

82 2 0
                                    

Friday

Pacific, Dapitan

WHAT?! Naloloko na ba yung tatay ko? NAMAN EH.

Akala ko pa naman nag-aalala sila sakin, pero hayun, basta basta na lang akong pinaubaya sa blockmate ko.

Ba't kasi di niya naisip na baka lalaki yung blockmate na sinasabi ko?!

Hindi ako pwedeng magpalipas ng gabi dito! UUWI NA KO!

*voice over.. “Makitulog ka muna dyan sa condo niya.”

tapos we'll fetch you na lang tomorrow morning.”

NO WAY!

I looked at my watch. Magse-seven na. HUHU. Ang dilim ng langit, tapos ang lakas pa ng ulan.

GUSTO KO NANG UMUWI!!

“Uuwi na ko.” I said determinedly.

“Sige, babye.” Hindi man lang humiwalay yung mga mata ng bakulaw na to sa nilalaro nya. Bwiset.

I looked outside. Wala nang masyadong tao. Mid-leg na I think yung tubig, buti na lang elevated tong building na to. I gulped. Shit, I'm so helpless.

“Oh, akala ko ba uuwi ka na?” patuloy pa rin siya sa paglalaro. “Shoo!” tinaboy pa niya ko gamit yung kamay niya, yung parang pagtataboy sa aso.

Hayop din 'to e no. Walang pakielam! Anong akala nito? Hindi ko kayang umuwi mag-isa? Na weakling ako?

I stood up. Hinubad ko yung jacket niya. “Oh. Sayo na 'yan.” I got my things. “Aalis na ko.” I looked at him once more.

Pucha. Di pa rin umaalis yung mga mata niya dun sa nilalaro niya. Teka, ano bang nilalaro nito? Dumukwang ako ng konti, Tap Tap pala. ARGHHH. Diyan na siya! Magsama sila ng Tap Tap niya!

Di man lang 'to nagsalita o nagba-bye. Ni hindi man lang nag-prisinta na ihatid ako kahit hanggang diyan lang sa labas! Pakielam ko sakanya! KAYA KO 'TO! Bwiset!

Naglakad na ko palabas. OMG. Sobrang lakas ng ulan at hangin. Ang dilim ng kalsada, sarado na halos lahat ng tindahan. Deserted? Oo. Mukha siyang deserted street. Tinignan ko ulit si Higgs na prenteng nakaupo sa loob, safe and sound, at naglalaro ng tap tap. ARGHHH! Wala man lang ba tong chivalry sa katawan?! Bwiset!

Nakalabas na ko ng building, shit, nanunuot sa buto yung lamig. I sneezed. Magkakasakit ata ako. HINDI. KAYA KO 'TO.

Nagsimula akong maglakad. Tinaas ko yung skirt ko, at sinugod yung maitim at mabahong tubig. HUHU. Shit, Thomasian na nga talaga ako. Habang naglalakad, napansin kong tumutulo na yung sipon ko. Minalas-malas nga naman oh. Nagkasipon na ko! Pinalis ko yung sipon, pero maya-maya may tumulo ulit! Huhu! Runny nose!!

Medyo nakakalayo na 'ko sa Pacific nang may humablot sa braso ko. SHIT! SINO 'TO?!

Medyo madilim, at nanlalabo yung mga mata ko. Hindi ko makilala kung sino 'tong humablot sa braso ko. AHHH! HELP ME!

Bago ko pa ko makasigaw ng 'TULONG!', narinig kong nagsalita yung lalaki.

“NABABALIW KA NA BA TALAGA?!” sigaw niya sakin.

Si Higgs. Nakatayo sa harap ko, walang payong. Basang basa sa ulan, and I can see anger on his face. The muscles on his face is flexing..

“ANONG BALIW?! BITIWAN MO NGA AKO! UUWI NA NGA AKO E!” sigaw ko rin sakanya. ANG KAPAL NG MUKHA NITONG MANIGAW AT MAGALIT SAKIN! Bakit, inano ko ba siya?!!

Tinanggal ko yung kamay nya sa braso ko at tinalikuran siya. Hawak yung payong sa isang kamay at yung palda ko sa kabila, nagsimula ulit akong maglakad.

“FUCK.” narinig kong sabi niya. Tinignan ko siya ng masama, I saw him brush his hands along his hair. Naglakad ulit ako.

Before I know it, nasa harap ko na naman siya, nakaharang sa daraanan ko.

“ANO BA!” pumihit ako pakaliwa. Humarang ulit siya. “BUMALIK KA NA LANG DOON AT MAGLARO NG TAP TAP MO! UUWI NA KO!” Sigaw ko sakanya.

“DI KA PWEDENG UMUWI!”

“EH BAKIT BA?!”

“DI NGA PWEDE SABI EH! GUSTO MO BANG MAPAHAMAK?!”

“EH PAKI MO BA KUNG MAPAHAMAK AKO?!”

I saw his eyes sharpen. I returned his sharp stare, then walked again.

“Ayaw mong magpaawat ah!” He scooped me, and before I knew it, buhat buhat na niya ko.

Nabitawan ko yung payong ko, ngayon, pareho na kaming naliligo sa ulan.

“ANO BA! BITIWAN MO NGA AKO!” Pagpupumiglas ko.

Instead, he held me closer. I can feel his strong arms grip me tighter.

“Wag ka ngang magulo! Gusto mo bang madulas ako at maligo tayo sa tubig baha?!” he's not shouting anymore, but his face still suggests irritation.

“EH BAKIT BA? SABI KO, BITIWAN MO KO!” Nagpumiglas ulit ako, pero mas mahina na lang this time.

“Pag dika tumigil diyan, Hahalikan kita dito mismo.” banta niya.

I looked at him sharply, and saw he's dead serious. OKAY. That made me shut up.

I let him bring me back to Pacific. I already stopped fighting back. Alam ko namang wala akong magagawa e. Sayang lang yung effort ko.

As we were on our way, I can only hear the rain pouring hard, the wind blowing against my skin, and the splash of the water every time he steps forward. I've put my left arm around his neck, as he instructed--'para di ka mahulog'--while my right hand holds my bag.

I looked at him. He's staring straight ahead, his face void of any expression. I noticed his neck, wala na yung hickey na nakita ko sakanya last last week. His well defined jaw, his red lips formed into a straight line, as if he's gritting his teeth. I noticed how the water flows down through his face, it seem to just like slide through it.

Lumakas ulit yung ulan, basang basang basa na kami.

Malapit na kami sa Paci—SHIT. Kumulog ng malakas, I stiffened. Bakit kasi napaka-magugulatin ko?!

Higgs must have felt me stiffen, he held me even closer.

He looked down on me.

“Satisfied?” he asked, sly grin on his face.

Anong satisfied pinagsasasabi nito?!

“Okay lang, you can say how handsome I am. Sanay naman na 'ko e.” He looked straight again.

Jeez. Naramdaman niya atang tinititigan ko siya. Oh well. Di ko na lang pinatulan yung kayabangan niya. Mamaya itapon pa ko nito sa tubig e.

As we got back to the building, nilapag na niya ko sa floor.

Maliwanag na, I can now see his face clearly.

He looked at me, then laughed.

ANO NA NAMAN BA?!

Kinunot ko yung noo ko.

He reached out for his pocket, still laughing. May kinuha siya, panyo pala.

Inabot niya sakin.

“Anong gagawin ko dito?” I raised an eyebrow.

“Yung uhog mo. Punasan mo. Parang gripo e. Baka malunod ka.” He laughed again.

SHIT. Runny nose nga pala ako! I looked at his hanky, basa din.

Ah, kahit na. I wiped it off, then looked at him.

Ang hinayupak, hayun, naglalakad na papuntang elavator.

He looked back at me, then gave me his susunod-ka-ba-o-hindi look.

I gulped.

SHIT. Anong gagawin ko?

Tumingin ulit ako sa labas, the rain was pouring really hard, then saw lightning lit up the sky.

I looked back kay Higgs, then sa labas ulit, then kay Higgs ulit, tapos sa labas.

AH, bahala na.

My First LoveWhere stories live. Discover now