Cj's Pov
Pagkatapos tumawag ng kung sino man yun..umuwi na kami agad.
Pagpasok namin ng bahay agad kaming pumunta na kwarto para magpahinga at maligo.
Mabilis lang kaming natapos ni Nika...dalawa kasi ang cr sa kwarto namin.At tska kami bumaba.
Pagbaba namin nakita namin si Aaron na nagla-laptop,si Zero na nag ce-cellphone at palagi nalang nagpo-pose ng hugot line sa social media,si Tani na nasa cr ata..at si Blade na nanonood ng kung ano sa cellphone nya pero feeling ko alam ko na kung ano yung pinapanood nya...spg yun!!..gm kasi.tsk
Wait...may napapansin ako.
"Parang ang tahimik naman yata nila ngayon"bulong ko kay Nika.
"So true"pabulong niya ding sagot.
Mukhang narinig nila ang ang sinabi ko kaya itinigil nila ang kanilang ginagawa.
Parang may something talaga eh..parang....
may kinalaman sila sa pangyayari kanina.
Matanong nga!
"Guys may--"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil inunahan ako ni Nika.
Hayst..ang daldal talaga!
"Uyy..kanina alam nyo ba--"
"Hindi pa namin alam"painusenteng pambabara ni Aaron.
" Nak nangfuchsia kita mong nagsasalita pa koh tapos sisingit singit ka dyan!Alam mo mukha kang singit! Pwedeng wait lang!"singhal ni Nika dito sabay irap.
"Mahal mo naman"pabulong na sagot ni Aaron.
"Ano?!"singhal ni Nika
"Mahal mo naman daw--"pang-aasar ko.
Nakita kong lumaki ang dalawang mata ni Nika.Gulat kunno siya,pero deep inside kinikilig.
"Wala!"pagpuputol ni insan sa sasabihin ko.
Pagbaling ko kay insan pinandilatan ako ng mata.Binelatan ko nga.Charot.Binigyan ko siya ng ngiting nang-aasar.Tss.Pikon
"So..ayun nga nagjogging kasi kami tapos--"hindi nanaman natapos ni Nika ang sasabihin nya dahil sumingit si Tani na kagagaling lang ng cr.
"May tumawag ba sayo kani?---"hindi naituloy ni Tani ang sasabihin nya dahil tumakbo si insan papalapit sa kanya at tinakpan ang bibig nito.
"Sinasabi ko na nga ba may kinalaman kayo sa nangyari kanina eh!!"kunyaring galit na saad ko.
Hindi naman ako galit eh..naiinis lang.Di kasi sinabi.tsk
"H-huh..hindi namin alam yang sinasabi mo insan."tugon ni Aaron.
"Oo nga alam nam--este wala kaming alam dyan!."wika din ni Blade.
"Hoy!wag na nga kayong mag magpanggap na walang knows!,ba't niyo binigay yung number ko dun--"
"Ah...insan may pupuntahan pa pala kami"natatarantang saad ni insan sabay tingin sa kanyang relo,ngayon ko lang napansin na naka porma pala sila.San kaya punta nito?..
"Hoy! insan hindi pa ako tapos.. hoy!"
"Bye insan!"nakangising pagpapaalam ni insan sabay sara ng pinto.
"Hoy!insan...lagot ka sakin mamaya pag uwi mo!"panghahabol ko.
Tsk.Hanubayan!
Napasandal nalang ako sa backrest ng sofa.