Cj's Point of View
Dumating na ulit ang Lunes ngunit kahit alam kong tumunog na ang aking alarm hudyat na alas otso na ng umaga tinatamad pa rin akong bumangon kaya natulog ulit ako hanggang sa nagising nalang ako ng alas onse.
Marahil ay natutulog pa sana ako ngayon kung hindi lamang ako nakarinig ng ingay at tawanan galing sa salas. Pagbangon ko ay dumiretso na kaagad ako sa banyo upang magsipilyo at maligo.
Pagbaba ko ay nakita ko sina Tani na nag ku-kuwentuhan at nagtatawanan marahil ay binabalikan nila ang mga nangyari kahapon. Dahil sa pagkakalam ko bago sila dumiretso sa condo ni Shawn upang sunduin ako ay galing sila sa Star City.
" Hahahahah nakita niyo ba yung itsura ni Tani nung sumakay tayo sa Roller Coster? Hhahahahah sobrang epic nung mukha niya. Ito oh....hahahahha " natatawang saad ni Blade habang nakahawak sa tiyan ang kaliwang kamay at hawak ng kabila ang cellphone niyang may picture ng isang kabay---.....wait si Tani ba talaga yan?
"Pffftttt HHAHAHAHHA." pati ako ay napatawa na rin.
Medyo malakas ata ang aking pagtawa kaya napalingon sila sa'kin.
Nakibit-balikat nalang ako habang nagpipigil parin ng tawa. Nang balingan ko si Tani ay masama na rin ang tingin sa akin.
Sorry Tani mukha kasi talagang ano eh...
Umupo nalang ako sa salas at naki tawa na rin sa mga kuwento pa nila.
"Ay ito pa...mas Malala." ani Blade.
"Naalala niyo nung naglalakad tayo may nakita si Itlog na---"
"Anong itlog?!" pagpuputol ni Zero.
"Bakit ba yun yung gusto kong itawag sa'yo eh. Balik tayo sa kuwento, nakakita kasi si itlog ng mag jowa tapos binigyan nung lalaki yung babae ng bouquet of roses maya-maya nagulat kami kasi lumapit si itlog sa kanila tapos tinapon yung bulaklak. Sabay sabi ng 'walang poreber'." paggaya ni Blade sa boses ni Zero.
"At alam niyo ba kung anong sabi nung lalaki." pagsabat ni Tani.
"Ano?" tanong naman ni Nika.
"Babe sa iba nalang tayo. Psh! palibhasa walang girlfriend." pag gaya ni Blade sabay hawak pa sa braso ni Tani.
Sabay tawa nila. Nakitawa na rin kami. Hayst Zero iba talaga epekto ng bitter sa pag-ibig.
Maya-maya pa ay kumain na rin kami ng pananghalian. Habang nasa kainan ay patuloy pa rin ang aming kuwentuhan.
Pinagmasdan ko ang aming grupo. Habang patuloy pa rin sa pagkuwento ang isa.
Hayst naisip kong mas masaya siguro kapag kumpleto kami.
Si Rage, siya ang palaging wala ngayong mga nakaraang araw.
Nami-miss ko na siya. Halos ilang Linggo ko na rin siyang hindi nakikita. Kamusta na kaya iyon.