YLAIZA'S POV:
"Ylai, yun na yun?" tanong ni Kianna na parang ayaw nya maniwala.
"Masaya ka na dun, Ylai? Sure ka?" dagdag tanong naman ni Lady.
"Oo naman! Baket ba? Nag-usap nga talaga kami ni Jasper!" sabi ko sa kanila. Ayaw nila maniwala. Hahahah Bahala kayo.
"Talaga? As in?" pagsu-sure ni Lady.
"Oo!" sagot ko.
"Ako din Ylai eh. Nag-usap din kami ni Marted dun sa camping!" sabi ni Lady sabay sigaw. Sumigaw din ako.
"Shet! Totoo? Oh my gosh!" sabi ko din sabay sigaw. Takte kinikilig kaming dalawa dito.
"Bahala nga kayo jan." sabi ni Kianna sabay alis palabas ng room. Bahala ka din Kian. Wala ka kaseng lovelife. Maghanap ka nga dun.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
JASPER'S POV:
"Oh? Emotional spider!" narinig ko may sumigaw kaya lumingon ako at nakita ko na naman ang genius ng ATHS. Ay, jusko eto na naman.
"Ako ba tinatawag mong emotional spider? Hoy, di ako emotional at tsaka wag mo banggitin ang spider sa harap ko. Nakakabadtrip." sabi ko sa kanya. Aga-aga nambabadtrip tong babaeng to.
"Anong ginagawa mo dito, emotional spider?" tanong nya as if she avoided the topic.
"Ano ka ba? Sabi ko wag mo kong tawaging emotional spider! At tsaka unti-unti ka na talagang nagiging bobo. Canteen to hoy kaya syempre nandito ako para kumain." sagot ko. Hahaha nagtanong pa eh kitang-kita namang nasa canteen kame.
"Upo ka nga dito." sabi nya saken na change topic na naman tapos hinila ako papunta sa table nya. "Alam mo bang walang ibang umuupo dito? Ako lang." eto na naman show-off na naman tong babaeng to.
"Baket andito ba pangalan mo? Nakasulat ba? San banda? Dito? Dito?" sarcastic na tanong ko.
"Oo. Eto." sagot nya sabay pakita saken yung nakaukit na magandang 'KIMBERLY' sa tapat nya. Ay na waley yung sarcastic kong tanong. "Natatakot ang iba na umupo dito."
"Oo, kase natatakot silang kainin mo ng buhay." sabi ko naman. Natawa sya. Oy, ang cute nya. Ay hindi pala. Joke lang yun.
"Uy, yan ba pagkain mo? Soda at funky? Ano ka ba? Tingin mo hahaba buhay mo jan?" tanong nya pagkatapos tignan ang tray ko. Baket ba kase. Mamamatay ba ko pag eto kinakain ko? Alam mo Kim, di na nakakatawa ha.
"Wala akong pakealam." sagot ko naman. Tumawa na naman ang loko. Ano ba problema ng babaeng to. Nagsimula na lang akong kumain at sya rin, nagkwentuhan kami pero mejo may away pa den ng biglang sumulpot yung bespren nya. Galit ang mukha tapos biglang hinila si Kim palabas. May comment pa saken sabi nya, "Ikaw, lumayo ka na sa kanya." Uy, pare yang bespren mo ang nagpaupo saken dito. Check mo CCTV.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KIMBERLY'S POV:
"Ano ba, Kein?! Let go of me!" kanina pako sumisigaw dito. Hindi ko maintindihan kung baket nya ko hinila palabas ng canteen while I was busily feeding myself. Binitawan nya ko. Tumitig sya saken pero I gave him a sharp look.
"Kein, ano ba problema mo?" tanong ko ulit.
"Hindi ka na sana umupo dun Kim at nakipagtawanan sa gangster na yun!" sigaw nyang sagot.
I scoffed. "Hindi sya gangster, Kein. At tsaka ano ba pakealam mo kung gusto kong makipagkaibigan dun sa tao? Ha?"
"I'm just trying to protect you from him, Kim. Intindihin mo naman yun." sagot nya.
"Protect me? Who told you to protect me?" I asked and turned around. "Ah." sabi ko tapos lumingon ulit sa kanya. "From now on, don't touch me without my permission." sabi ko tapos I walked out of the scene. Unbelievable, Kein.
Naglakad na lang ako papunta sa classroom ko para kunin yung mga gamit ko para sa next class. Kumukulo pa din dugo ko kay Kein. Seriously. Tinignan ko ang wrist watch ko to know what time it was but I bumped into some guy. Matangkad sya kaya napaatras ako ng isang step bago ko sya tinignan. I glared at him. Ano? Magsosorrry na naman ako? I hate those words. I love you, I miss you, I'm sorry, I need you, Thank you, tumatayo balahibo ko pagsinasabi ko na mga yan.
"God made humans with eyes therefore look where you're going." kalmadong sabi nung lalaki saken pero halatang pinipigilan lang nya yung sarili nya na hindi mainis. Hindi nako nakasagot dahil tinawag sya nung babaeng humahabol sa kanya. Umalis silang dalawa kaya naiwan na lang akong naiinis at nagtatanong kung sino yung mga bagong mukang yon.