[Astrid's]
"Asan na nga sabi eh ?!" Tanong nya sakin . hindi ko sya sinagot at dumiretso nalang agad ako papuntang kwarto .
Alam kong nakasunod parin sya sakin kaya binilisan ko ang lakad at wala pang isang segundo ay nasa kwarto nako.
"What thee ? Bat ang bilis kong makarating dito parang nandun lang ako kanina ah ? " takang tanong ko sa aking isipan
Sinarado ko nalang ang pinto at nilock ito para di nako magulo ni Ate Chelsea.
Dumiretso agad ako sa cabinet at tinignan ang regalong binigay sakin ni tatay.
Namangha ako sa disenyo ng box nito dahil parang gawa sa purong ginto ang mga designs netong bulaklak.
*Boogsh Boogsh
Nang marinig ko yun ay dali dali kong ibinalik ang regalo ni tatay sa loob ng cabinet Balak pa kase yatang sirain ni ate chelsea ang pinto ng kwarto ko.
Bakit ba kase interesado sya sa bigay ni tatay ?!
Ei halos araw araw naman syang may regalo. Di pa sya nakuntento dun ?
[Chelsea's]
Bwisit talaga yung sampid na yun ! Nakita kong binigyan sya ng regalo ni daddy kanina. At ang nakakainis ay may regalo sya at ako wala ! E ano naman kung birthday nya bukas at wala sila daddy?
Like duh, Ampon lang sya at Sampid lang sya dito sa bahay, dapat nga ginagawang katulong nila mommy yan dito dahil mukha naman syang alipin.
at sa tingin ko rin ay may lahing Mangkukulam ang babaeng yan, kulay blue ang buhok at yung mga mata ay kulay violet, Nakakatakot sya tignan pramis! Sya pa yata ang dahilan kung bakit Nawalan ako ng boses kanina. Well, halata naman talaga sa itsura nyang mukha syang mangkukulam. Buti pa ako maganda at sya naman ? Hayyy Walang wala sya sa kagandahan ko.
Kasalukuyan kong sinisipa ang pinto ng kwarto nya. Kukunin ko ang regalo ni daddy sakanya, dapat akin lang yun dahil ako lang naman ang tunay na anak dito.
Sipa parin ako ng sipa sa pinto nya pero wala parin aghhh Iniinis nya ako !
Ang sarap nya sabunutan at itulak pababa sa hagdan tas iuntog-untog sa pader.
Hanggang sa napagdesisyunan ko nalang na pabayaan nalang yun tutal magugutom naman yun e. Siguradong ba-baba yun at ako naman ay sisimpleng papasok sa kwarto nya habang nasa baba sya. *evil smile.
[Astrid's]
Hayyy salamat tumigil narin si ate chelsea sa panggugulo sa buhay ko.
Napatingin ako sa orasan ng aking kwarto [5:26 pm] na pala. Matutulog nalang muna ako para palipasin ang oras.
_●_
Nagising ako ng sobrang dilim na sa labas haaayyyy. Gabing gabi na pala. Ano bang oras na ? Napatingin ako sa Orasan [11:32 pm] May 28 minutes pa bago mag 12. iisipin ko muna kung ano bang magpapasaya saken. Kase ang hirap naman nun. Hindi mo naman talaga alam kung yung pipiliin mo ba ay magpapasya ba talaga sayo. Hayy ang hirap magisip , pero pipigain ko na talaga ngayon ang utak ko dahil minsan lang ako makakuha ng ganitong pagkakataon.
Ilang minuto na akong nagiisip pero hindi parin ako segurado sa naiisip ko. napadako ang tingin ko sa orasan. [11:59 pm] shockss.
inihanda ko na ang Kahon at sinasabayan ang paggalaw ng segundo sa orasan. Ting ! [12:00 am] dali dali kong binuksan ang kahon at kinuha ko ang isang kwintas sa loob nito ng may makita akong sulat.
—
Happy Birthday, Astrid ! Make a wish !
—Oo nga pala, magwiwish pa ako.
Wini-wish ko na sana ay makita ko na ang mga tao at mga bagay na makapagpapasaya saken habang buhay.
Pagkatapos ay hinalikan ko ang kwintas at sinuot ito sa aking leeg.
*Tug. Tug. Tug. Tug.
Tss. anong ingay na yun ? Tanong ko sa aking sarili .
May naririnig akong ingay sa loob ng aking aparador.
*Engggggkkk.
At Nagulat ulit ako ng biglang bumubukas paunti unti ang pintuan ng aking aparador. Minumulto na ba ako ? Lord, Jusko. Pleease Help me ! Mabait akong bata. Huhuhu.
At imbes na multo ay isang anghel ang lumabas.
Ang Gwapo namang anghel to. May matangos na ilong, magagandang mata, pati yung lips nya mapupula, mas mapula pa ata kesa sakin .
Weyt. Sinusundo na ba ako ? Kase kung oo magpapasundo nako. Jusko patawarin nyo po ako sa aking pinagiisip.
"Miss, wag mo naman akong tignan ng ganyan. Napaghahalataan ka e." Aniya at sabay tumawa. Inayos nya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga kamay. Omoo shems pati yung mga daliri nya ang gaganda. Tinalo pa 'ko.
"S-sino ka ?" Tanong ko. Feeling inosente. Hayysst. Astrid , bat lumalandi ka na ngayon baka totoo na ang sinasabi ni Chelsea na malandi ka ?!
Napailing nalang ako sa aking pinagiisip. Nagtaka pa nga si Kuya kung anong pinaggagawa ko. Kuya, pinagsasamantalahan na po kita. Heheheh. " I can read your mind, Ms. Pervert And by the way , my name is Burn Blood" Ani nya sabay ngiti. Literal na nganga ako dun. At ang ganda pa ng Name nya SUNOG DUGO HAHABHHAH AY Burn Blood daw pala.
Nakita ko syang umiling. Ay nababasa nya nga pala ang nasa isip ko. Weyt, naguguluhan parin ako , Nananaginip lang ata ako.
"Anyways, Nandito ako para sunduin ka " sabi nya at ngumiti.
"Hala, dadalhin mo na ba ko sa langit ?" tanong ko.
"Oo kung gusto mo." sagot nya at ngumiti ng nakakaloko.
" Uy kuya nagjo-joke lang ako! San nyo po ba ako dadalhin ? " This time, sumeryoso nako.
"sabihin na nating tutuparin ko ang hiling mo. Dadalhin kita sa kung anong mga bagay ang magpapasaya
sayo, Habang Buhay" Aniya at ngumiti sakin.Ano to ?!
Hayyy isang napakagulo ngunit isang napakagandang Panaginip.
Author's Note:
ayan na ang 3rd Update sana nagustuhan nyo.Byun Baekhyun As Burn Blood.
Vote and Comment ☺
BINABASA MO ANG
LOVEGOOD ACADEMY : The Heirs
FantasyLovegood Academy is not an Ordinary school. This School Contains students who has a blood of Vampires, Wizards, Fairies, Mermaids, Witches and more ! Do you believed in magic ? What if you have it ? Come on and Read this story ! ...