(2)

39 4 1
                                    

[Astrid's]

Sabado na ngayon at bukas birthday ko na yipeeee ! Kaso paalis na sila Tatay Carlo at Nanay Charlene. And Kami nalang ni Chelsea ang maiiwan dito Hayyy.

Kanina ko pa sila sinusundan habang inaayos nila ang mga gamit nila sa pag-alis.

"O Adreanne, Anak. ano ginagawa mo dito ?" Si tatay lang ang tumatawag sakin ng Adreanne , samantalang si nanay charlene nman ay Astrid ang Tawag sakin, si Chelsea naman hayyy kung anong mga tawag sakin tulad ng sampid, Malandi at marami pa.

"A-ay wala naman po tay." Sagot ko. Pero sa loob loob ko gusto kong sabihin sa kanya 'tay, birthday ko na bukas. Nandito ka ba ? '

"Anak , alam ko kung may problema ka. Kung iniisip mong nakalimutan ko ang birthday mo. Mali ka, anak.
Advance Happy Birthday anak, Ito ang regalo ko sayo"
nagulat ako ng may inabot sakin si tatay na isang kahon.

"A-ano to tay ? " Tanong ko. Akma ko ng bubuksan ang kahon pero pinigilan nya ko ano na naman meron kay tatay ang gulo ah.

" Ops. Ops. Wag mo munang bubuksan ngayon yan. Makinig ka muna sakin." pigil ni tatay sakin.

Tumango nalang ako. "Pagpatak ng alas-dose, mamayang gabi. Nais kong humiling ka ng isang bagay na magpapasaya sayo at hilingin mo  kung ano ba dapat ang nararapat para sayo. Itong regalong nato ay ibinibigay ko sayo, iingatan ka nito at ilalapit ka nito sa tunay mong pagkatao. Habang humihiling ka hawakan mo lamang ito at damhin ,Sabihin ang iyong hiling, at halikan ito pagkatapos" Paliwanag sakin ni tatay at ngumiti ng bahagya at alam kong maungkot ito.

Pero Wish ? Hiling ? Totoo ba yun ? Linoloko lang yata ako ni tatay.

napahinto ako sa pagiisip ng bigla ulit syang nagsalita.

"Pero tandaan mo anak, na laging may pagsubok na dadaan sa buhay natin maging matatag ka lang. Isuot mo lagi ang nasa loob nyan at ingatan mo palagi yan anak. Dahil ililigtas ka nyan sa anumang kapahamakan. Magiingat ka, mahal na prinsesa "

yun ang huling saad ni tatay sakin at tuluyan na silang umalis ni nanay charlene.

---

Kasalukuyan akong kumakain sa lamesa ng ginulo na naman ni chelsea ang buhay ko.

" Hoy sampid ! Anong binigay sayo ni daddy ?! " sigaw nya. Tss. Di ba sya namamaos kakasigaw sakin ?

TANGGALAN KO YAN NG BOSES E.

"Hindi mo na kailangang alamin yun ate chelsea " sagot ko sakanya at nilagay na sa lababo ang aking pinagkainan para ito'y hugasan.

"Abaaa! Ang K-kapa---" Nakatalikod lang ako sakanya pero Nagulat ako ng napahinto sya sa pagsasalita pero ang bibig nya ay panay parin ang buka.

"Ate chelsea anong sinasabi mo ? Bat wala namang lumalabas na salita galing sa bibig mo ?" Takang tanong ko sakanya . anong nangyari dito bat parang nawalan ng boses ?

Nakita kong lumaki ang mga mata nya na parang nagulat sabay hawak sa leeg nya. Halaaa anong nangyayari sakanya ?!

"Ate anong nangyayari sayo ?! " sigaw ko at lumapit sakanya.

panay ang dikta ng kamay nya sa sarili nya at parang sinasabi nyang hindi sya makapagsalita.

Halaaa inisip ko lang namang tanggalan sya ng boses bat parang nagkatotoo? Bigla syang naupo at umupo narin ako para pantayan sya.

Nakita ko syang namutla. Hala anong gagawin ko ?

Sana bumalik na yung boses ni ate chelsea .

ayon lang ang nasaisip ko. Nagulat ako ng tumayo sya at bigla na syang nakapagsalita.

"Hik. H-Hooy sampid ! Anong ginawa mo sakin ?! " bulyaw nya sakin.

"Halaaa ate chelsea nakakapagsalita ka na" sabi ko sakanya at bigla syang yinakap.

"Wag mo nga akong yakapin sampid !" Sigaw nya at bigla akong itinulak. Tumama ang pwet ko sa sahig. Aray ko naman.

"balikan natin yung tanong kanina , Anong binigay sayo ni papa ?! At asan yun ?!" Pasigaw nyang tanong sakin. Ngayon, Nakaupo parin ako sa sahig.

"Bakit ano bang gagawin mo dun ate chelsea ?!" ngayon tinaasan ko na sya ng boses.

"Ano ba sa tingin mong gagawin ko dun HA ?! Gusto mo bang idisplay ko yun ?! Magisip ka nga ! Ano bang dapat gawin ko dun ?! " tanong nya sakin.

Hindi ko alam kung anong gagawin nya pero isa lang ang nasaisip ko, iingatan ko yun gaya ng sabi sakin ni Tatay.

Author's Note:

Huhuhu. Please appreciate my efforts. Para gawin tong chapter nato Dalawang beses kase sya nadelete. At dalawang beses ko tong inulit . tinatamad na nga akong isulat to e. Tas medyo nagkaroon ako ng inspiration at inisip na sulatin ulit. Tas nung pinindot ko ulit yung drafts tas nakita ko yung revision history so yun nakita ko yung dalawang nadelete. Kaya thanks God ! Binigyan nya ako ng pagkakataon. So yun Chapter 2 palang to at nagsisimula palang dito yung kwento , nakita nyo naman ang nangyari kay chelsea diba ? HAHHAHAHHA Buti nga sakanya yun . so Vote and comment kayo guyss. Muah muah.

Krystal Jung as Chelsea Vallejo, So di sila magkapatid ni Astrid. Ampon lang si Astrid at apilido ni Tatay Carlo nya ang gamit nya okey ? And WALA PO AKONG GALIT KAY KRYSTAL HAHAHA BAGAY KASE SAKANYA YUNG ROLE , OPINYON KO LANG. AND MAHAL NA MAHAL KO YANG BABAENG YAN KAHIT BREAK NA SILA NI KAI.

-ByunParkDowifeuuuu

LOVEGOOD ACADEMY : The HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon