Part 1

30.5K 100 2
                                    

"Good morning class! I am Miss Kayla Ysabel Madrigal and I will be your class adviser and teacher in General Science for this school year."

Itong school year na to ang ika-5 year ko bilang isang science teacher dito sa Rutherford High School. After ko kasi mag-graduate ng college, nagapply ako agad dito kung saan ako nag-graduate noong highschool. Noon palang kasi, pinangarap ko na 'to.

First year star section ang advisory class ko ngayon, ang I-Molecule. At dahil first day of classes, ang advisers ay magsstay muna sa kanilang advisory class for the whole morning para sa orientation at getting to know each other.

"Hi classmates, may name is Brendan P. Arizabal." pagpapakilala ng first student.

Arizabal? Kaano-ano kaya ito ng ex kong si Marco?

"Arizabal? Kaano-ano mo si Marco?" tanong ko sakanya.

"Marco po, Ma'am?" napaisip sandali yung bata. "Ahhhh! Si father!"

"Father?! Anak ka niya?" nagulat kong tanong.

"Ma'am, hindi! Kapatid po siya ni papa. Tito father po tawag ko sa kanya. Bakit niyo po kilala siya, ma'am?" inosenteng pagtatanong ni Brendan.

Grabe. Kinilabutan ako dun. Kala ko pa naman may anak na siyang high school!

"Classmate ko kasi siya noong highschool, ijo." pangiti kong sumagot.

"Talaga po? Actually susunduin po niya ako mamayang lunch, ma'am."

"Ahh. Buti naman." sabi ko sabay change topic. "Okay next."

Tito Father ♥  [One shot] [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon