Part 2

25.3K 95 2
                                    

RIIIIIIINNNNNNNGGGGGGG #&%-#+#+$

Lunch break na. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko, bakit ako kinakabahan? Bakit parang may mga butterflies na gumugulo sa tiyan ko? Malaki yung campus, hindi naman siguro kami magkikita ni Marco. Lalo na't di naman ako dadaan ng parking lot.

Naglalakad ako pabalik ng faculty room. Bigla kong napansin si Brendan na naglalakad sa may harapan ko.

"Oh Brendan, hindi ka pa ba uuwi? Akala ko ba susunduin ka ng tito mo?"

"Oo nga po, ma'am. Pupuntahan ko po siya sa quadrangle. Nagbabasketball daw po sila doon nila Tito Rouel at Tito Ken. "

Quadrangle? Ah oo, pag pupunta kasi ng faculty room, madadaanan ang quadrangle.

Habang papalapit kami sa quadrangle, lalong bumibilis tibok ng puso ko. Lalong lumilikot ang paggalaw ng mga butterflies sa tiyan ko.

Tatlong hakbang nalang..

Dalawa..

Isa..

"Tito father!" sigaw ni Brendan na biglang nagpalingon ng tingin yung tatlo sa direksyon namin.

Bigla na lamang ako hinila ni Brendan papalapit sa kanila habang naglapitan rin ang tatlo sa isa't isa.

Grabe, ganong ganon parin ang itsura ni Marco, walang pagbabago. Simple pa rin siya kahit nagcollege sa Manila.

Biglang nagkatinginan si Rouel at Ken.

"Una nako mga bro ah, sunduin ko pa si misis sa trabaho eh. Kayla, nice to see you. Una na ako ah." sabi ni Rouel habang naglalakad palayo.

"Pre, sabay nako!" habol ni Ken.

Magkaharap lang kami na nagtitinginan ni Marco na walang sinasabi habang nagtataka lang sa tabi namin si Brendan na walang alam sa nangyayari.

"Tito Father?" tanong ni Brendan.

"Ay!" sambit ni Marco na tila nagising sa katotohanan.

"Kayla, pamangkin ko pala, si Brendan. Panganay ni Kuya Brix at Ate Cleo." nahihiya niyang pagpakilala. Hindi siya makatingin ng diretso sakin.

"Bakit 'father'? Pari ka na ba?" natatawa kong tanong sakanya.

Tito Father ♥  [One shot] [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon