May kaklase akong laging tingin ng tingin sa'kin. Mali pala. Hindi ako sigurado kung sa akin nga siya nakatingin, basta banda sa may upuan ko. Minsan, naiisip ko baka may gusto siya saken pero syempre magiging feeler naman ako nun kaya binalewala ko lang yung mga tingin niya.
Kahit nagle-lecture yung mga teachers nahuhuli ko siyang nakatingin sa'kIn..kahit sa free time pag lumilingon ako sa may likuran, kasi doon siya naka upo, nakatingin talaga siya saken. At dahil lagi ko siyang nakikita na nakatingin sa'kin, tinigil ko na ang pagtataka noon at naniwala akong sa akin talaga siya nakatingin.
At dahil sa mga tingin na iyon .. habang tumatagal ay nahulog na ang loob ko sa kanya.
Napakabata ko pa siguro para sa mga ganitong bagay. Pero hindi ko naman ginusto na magkaroon ng pagtingin sa kanya. Naniniwala akong walang pinipiling edad si Kupido. At hindi ko naman ninanais na magkaboyfriend kagad.
BINABASA MO ANG
DAHIL SA TINGIN
RomancePaano kaya mababago ng TINGIN ang pagtingin ng ating bida? Sasabihin kaya niya ang kanyang nararamdaman? O habang buhay niya na lang itatago ito? Paano kung magkapareho pa sila ng gusto ng bestfriend niya? Paano na ang bestfriend niya?