Isang araw, "Faye, may gusto ako kay Mark." sabi ng seatmate at naging bestfriend ko na rin na si Celine. At ulitin ko, transferee po ako pero may bestfriend na ako. Siya kasi yung unang nagpansin sa'kin sa room at yun naging close na kami.
"Eh, sino ba yang si Mark?" Sa totoo lang, di ko pa kasi kilala lahat yung mga kaklase ko. Hindi ko memorize yung mga pangalan nila, yung mga mukha lang nila. Hindi kasi first name yung tinatawag sa kanila. Lagi kong naririnig yung last name kaya yun yung alam ko na pangalan nila.
"Si Mark. Di mo kilala? Ayun oh, sa may likuran." Itinuro niya yung daliri niya doon sa taong laging tingin ng tingin sa akin. Di ko alam na Mark pala yung first name niya. Lagi kasing Serrano yung tinatawag sa kanya. Yun yung last name niya.
Sa lahat ng puwedeng magustuhan ng bestfriend ko..bakit siya pa. Ayoko mag-away kami dahil sa agawan ng crush.
"Ha?! Bakit mo naman siya nagustuhan?" pagtatanong ko sa bestfriend ko. Wag mo siyang i-likeeeeee. Hindi puwedeeeee. Mahirap maging martyr.
"Tingnan mo nga, Matalino.. Gentleman.. Gwapo.. ano pang hahanapin mo?" Oo, agree ako sa lahat ng sinabi niya. Nga naman. Maraming ngang magkakagusto sa kanya. Di ko kayang labanan sila lahat.
"Atsaka, " may karugtong pa pala yun?
" Lagi pa siyang nakatingin sa'kin." ANO?! Nakatingin siya kay Celiiiiine?! Eh diba sa'kin yun nakatingin?
"Sa tingin ko may gusto rin siya sa'kin." Sa tingin LANG yun. Posible pa na maling akala lang niya yun. Eh parang sa'kin rin naman talaga nakatingin si Mark ah.
Pero wala na akong magagawa... I am hopeless. Kung gusto siya ng matalik kong kaibigan, mananahimik na lang ako..itatago ko na lang itong nararamdaman ko parang kay Mark. Baka mali pala talaga ako at nanaginip lang ng gising. Sa kanya pala nakatingin yun....Ano ka ba Faye?! Hindi sa'yo! Echosera! TAO PO AKO :-D TAOOOOOOO! :-D
Walang ibang makaakaalam sa crush ko, kung hindi ang sarili ko lamang. Ako at ako rin lang ang makakatago ng buo nito. Mahirap na, mamaya kumalat pa ito.
"Ikaw Faye, sinong nagugustuhan mo? Sa room lang ha." Sa lahat ng tanong naman Celine. Sorry, pero kailangan kong magsinungaling. Ayoko talaga mag-agawan tayo lalo na't sa isang lalake. Mamaya, ito pa ang magiging simula na magiging magka-away tayo ... sa PAG-IBIG.
"Hm.. wala eh." Wala kang dapat malaman. Hanggang dun lang talaga ang masasabi ko sa kanya. Di naman talaga ako nagsisinungaling.. Di ko lang talaga sinasabi kay Celine ang lahat.
"Weeeeh?? Di nga? Mamaya crush mo si Mark ha. " Naku naman, manghuhula pala 'tong bestfriend ko.
"Ngee? Ako? Hindi ahhh, wala talaga." Wala ka nang dapat malaman. Naguguilty na ako T___T
"Sige, sabi mo yan ha. Sabihan mo ako pag magka-crush ka." Ngayon sana.. kaso inunahan mo'ko. Tuloy di ko na masabi sa'yo.
"Oo naman. Bestfriends tayo eh." Ngiti na lang iaabot ko ?
Lumipas ang mga araw... mga lecture ng mga teachers.. activities. Buhay estudyante. Buwan na rin ang nakalipas at dumarami pa ang nagkagusto kay Mark Serrano. Naging crush ng bayan na rin siya. Pero ako ? Nanatiling nanahimik at nagtatago sa nararamdaman ko. Tahimik naman talaga ako ^_^
Lunch time yun at nag-aayos ako ng mga gamit sa locker ko. Lumapit si Mark. Binuksan niya yung locker niya. Di naman ako nagtaka dahil lahat naman siguro may karapatan magbukas ng locker nila. Magkalapit lang kasi yung locker naming..mga tatlong locker lang ang pagitan.
Kaming dalawa lang ang nandoon. Hinayaan ko lang siya, di ko siya pinansin.. eh hindi naman rin kami close. Kunwari akong nag-aayos pa rin ng gamit hanggang nagsalita siya.
"Fairy."
"Hm." Di ko kasi pwede tawagin siya sa pangalan niya, baka mahalata niya na kilala ko siya at baka may matuklusan pa siya bukod dun.
"First honor ka?" Nga pala, matalino siya. Academics pala ang nasa isip niya ngayon. Baka makikipag-kumpitensiya sa'kin to. Wala naman akong balak makikipagtaasan ng grado. Basta nagsisikap lang ako.
" Hindi, Second honor ako..ikaw?"
"Second din. Ang talino mo tapos Second ka lang?" Talagang pareho pa kaming Second Honor. Ayoko bigyan ng kahulugan to. OMG, MEANT TO BE YATA KAMI >:D Sana >_<
"Mababa kasi yung isa kong subject. Sige, mauna na ako." Pagkakataon mo na ito Faye!! Ba't mo pinalampas??
"Uy! Wait lang!" Naglakad na ako palayo. Ayaw ko nang humaba pa iyong pag-uusap namin, lalo na't medyo kinikilig ako sa kanya kanina. Iba kasi siya makipag-usap sa akin. Parang mahinhin, yung mababa iyong boses.
Tapos ang mga mata niya kanina..grabe kung makatingin. Nakakapamatay. Iniiwasan ko nga ang kanyang mga mata. Hindi ko kayang tumagal sa ganoong sitwasyon. Nakakatunaw. Matutunaw ako.
Tapos na ang klase at oras na para maglinis kami ng room. Tyempo, saktung-sakto, magka grupo pala kami sa cleaners every Wednesday yung araw namin. Kaya ayun, ako nagwawalis. Siya nagsca-scrub.
Habang nagwawalis ako, nagulat ako kung bakit ako nabangga, eh wala namang poste. May kung anung humarang sa'kin.
Hindi bagay.
Hindi hayop.
Malamang Isang tao.
At dahil maliit ako at syempre pag nagwawalis .. nakayuko. Dahan dahan akong tumingin paitaas galing sa kanyang paa,
pants,
shirt..
"Fairy" sabi niya. Gulat na gulat naman ako. Pamilyar yung pagkabigkas niya ng pangalan ko.. Tiningnan ko ang kanyang mukha.. si Mark pala 'to! Ano na naman kaya ang sasabihin nito?
"O?." Di ko alam anung isasagot ko. Eh pano kasi kung mangharang, WAGAS.
"Kuya mo sina Jaebee at Ken?" At saan niya naman nabalitaan? Wala naman sigurong masama kung kuya kuya mo yung kaklase mo. I love to be their sister. ^o^
"Uhm.. Oo. Bakit?"
"Wehh? Crush mo siguro sila noh? " Crush ko pa? Kaya nga kuya ko na lang sila. Eh, ano ka ba naman. Ikaw yung crush ko. Ikaw! Sabi ko nga, di ko pinaparamdam. Kasi hindi pwede. BAWAL.
"Hindi ah! Kuya ko lang sila."
"Talaga??" Si Mark? Nagseselos? HUYES!! Huwag mo kasing pilitin Crush. Ikaw kasi ang crush ko. Wala ka nang magagawa. I CRUSH YOU
"Oo nga." Talagang kuya ko lang naman talaga sina Jaebee at Ken kahit magkaklase kami. Ganito kasi yan......
*start of flashback
"Kuya Jaebee!" Kinawayan ko siya kasi wala lang. Nakasimangot eh, gusto kong makita siyang nakangiti. Pagod kasi kaya ayan.
"Oyyy, sistah!" Kinawayan niya rin ako. Ayun nakangiti na siya. I love his smile. Yun talaga ang tawag niya sa'kin.
Papalapit sila sa'kin. Sila kasi kasama ni Jaebee si Ken, kakagaling kasi nila sa Basketball practice. Varsity players kasi silang dalawa.
"Kuya mo si Jaebee?" tanung ni Ken.
"Oo eh.. heheh" Nahihiya pa ako nun. Baka kasi kung ano yung isipin niya.
"Ako. Puwede mo rin ako maging kuya." Si Ken? Gusto ring maging kuya ko ?
----------
Salamat po sa lahat na nag-effort na bumasa nito. ^_____^
Mapopost ko na sana lahat... Kaso grabe po BROWNOUT dito >_<
Click niyo po yang Second -------------------------------------->>>>
para sa kasunod ^o^
BINABASA MO ANG
DAHIL SA TINGIN
RomancePaano kaya mababago ng TINGIN ang pagtingin ng ating bida? Sasabihin kaya niya ang kanyang nararamdaman? O habang buhay niya na lang itatago ito? Paano kung magkapareho pa sila ng gusto ng bestfriend niya? Paano na ang bestfriend niya?