0001

6 0 0
                                    

   Nakatitig lang ako sa mga batang naghahabulan sa harap ko habang nakaupo ako. Ramdam ko ang malamig na hampas ng hangin sa balat ko. Sabagay malapit na nga pala ang pasko kaya malamig na. Pasado ala sais pa lamang at mamaya pa magsisimula ang live fountain show dito sa Rizal Park. Inaabangan ito lalo na tuwing magpapasko dahil sa nakakaaliw na mga ilaw at ritmo ng sayaw ng mga tubig na sumasabay sa saliw ng musika.
 
   Ilang taon na nga ba ang lumipas ng huli akong nakapunta dito? Limang taon na din pala. Napabungtunhininga ako at napangiti. Kamusta na kaya sila? Naalala ko tuloy yung mga panahon na nag aaral pa kami at puro gala lang ang nasa isip. Lagi kaming nandito sa Rizal Park pagkatapos ng klase dahil gustong gusto namin yung tanawin dito. Tapos kakain kami ng mga tusok  tusok na talaga namang abot kaya dahil iyon lang ang afford namin noon.

   Napatayo ako ng maramdaman kong may pigura sa likuran ko. Paglingon ko ay sumalubong sa akin ang pamilyar na amoy ng pabango. Ang pamilyar na pares ng mga mata na napaliligiran ng malalagong pilikmata. Nakasuot siya ng slacks at polo na nagpapahiwatig na galing siya sa trabaho. Lumapit siya sa akin at ngumiti.

"Selene. Kamusta?"

Dalawang salita. Pamilyar na boses. Bumalik sakin lahat ng ala ala.

2015

"Arghhh pushanggala ang hirap ng quiz namin sa eco."

   Tawa ako ng tawa habang tinitingnan si Lyarah na sinasabunutan ang buhok niya. Kanina pa siya nakabusangot dahil 3 over 50 daw siya sa quiz nila. Katwiran niya di daw nagturo yung prof at bigla na lang nagpaquiz. Ano pa nga bang bago? Ganyan naman talaga sa college.

"Sabi ko naman kasi sayo wag ka na magreview yan tuloy tsk tsk." Lumapit si Alex kay Lyarah at binatukan ito. Gumanti naman si Alex at nagrambulan na silang dalawa.

   Malamig na simoy ng hangin dahil magpapasko. Mga taong paroon at parito. Mga kaibigan na nag aasaran. Tila kay sarap lang damhin ng sandaling ito.

"Babe gutom ka na ba? Kanina ka pa tahimik e." Napalingon ako sa taong biglang umakbay sakin. Nakakunot ang noo niya at nakatitig sa akin. Di ko napigilang mapabungisngis at kinurot ang pisngi nito. Ang cute talaga ng bf ko.

"Sana ol may jowa. Sana ol may engineer. Sana ol maganda at matalino. Sana ol nag sasana ol." Napahiwalay ako kay CJ ng marinig ang matinis na boses ni Jane. Umarte itong nandidiri at nakaturo sa amin.

"Wala ka lang jowa kasi malandi ka. Malandi! Malandi! Madaming kausap sa messenger." Binatukan ni Jane si Gab at sinabunutan ang buhok nito. Napangisi na lang ako ng humiyaw si Gab.

   Inakbayan naman ako ni CJ at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Habang sila Alex at Lyarah naman ay sinimulan ng kainin ang baon naming mga chichirya. Sila Jane at Gab naman ay naghahabulan na at hawak ni Jane yung racket ng badminton kaya naman nagtatakbo si Gab dahil akto itong ihahampas sa kanya ni Jane.

  Napatingin ako kay CJ at napangiti. Wala na kong mahihiling pa. Kahit college na kami at kami na lang ni Jane ang magkaklase ay di pa rin nawawala samin ang magkita kita sa Rizal Park tuwing may pagkakataon. Kami ni Jane ay kumukuha ng kursong Accountancy. Civil Engineering naman si CJ. Samantalang Business Administration naman sina Gab, Alex at Lyarah. Magkakaklase kami noong senior high school at masasabi kong matibay ang samahan namin. Pero di pala sa lahat ng pagkakataon masaya. Dahil darating yung oras na susubukin ka ng tadhana.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon