"I FALL FOR MY BESTFRIEND"

135 5 5
                                    

"Manhid ka ba talaga dahil di mo maramdamang mahal kita higit pa sa isang Bestfriend, oh sadyang torpe ka lang na kahit alam mo sa sarili mo na mahal mo na rin ako, ay ayaw mo paring aminin na meron ka ding nararamdaman para sakin!!"

Para ba akong natauhan sa sinabi nyang iyon. Di ko mawari saking sarili kung ano nga ba ang totoo. Natatakot kasi ako na isakripisyo ang aming Friendship sa isang walang kasiguraduhang Relationship...

ilang araw din nya akong iniwasan. Di ko na din sya hinanap-hanap pa. Marahil mas mabuti na rin 'tong ganito para hindi na maging mas kumplikado pa ang tungkol saming dalawa. Ngunit sa loob pa lang ng ilang araw na yun, nami-miss ko na yung simpleng lambingan namin, yung nakakatuwang kulitan at asaran, yung mga bagay na madalas naming pagkasunduan at higit sa lahat, nami-miss ko na ang aking Bestfriend. Hay!! Bakit ko nga ba sya nami-miss?

Umaga iyon. Nagkasalubong kaming dalawa. Para bang kami lang ang tao sa paligid ng araw na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Di ko malaman kung lalapitan at kakausapin ko sya. Gusto kong tumakbo palayo sa kanya, ngunit di ko maigalaw ang mga paa ko, bagkus para ba akong kinokontrol na lumapit dito.  Hanggang sa matagpuan ko nalang ang sarili ko na malapit sa kanya at kinukumusta sya.

"Hi ku-musta ka na?" Halos magkanda-utal ako sa pagsasalita. Pinagpapawisan ako ng malamig. Ngayon lang nangyari sakin ang ganito. Tumugon naman sya sa tanong ko.

"Kung iniisip mong ok lang ako, nagkakamali ka. At ayoko rin namang isipin mong ok lang ako kasi ang totoo, nasasaktan ako."

"hindi ko naman obligado kung magkagusto ka sakin."

"Oo, tama ka. At kailanman ay hindi ko ginustong magkagusto sayo."

Natameme na naman ako. Na-disappoint ko na naman sya. Ano ba kasing dapat kong gawin? Naguguluhan na ko.

Nakita ko sya, may kasamang iba. Mukha namang nag-e-enjoy syang kasama ito. Ok na yun kesa umasa pa sya sakin. Lalo lamang syang masasaktan. Aalis na sana ako para di na nya ko makita nang biglang halikan sya ng kasama nitong lalaki. Di ako nakapagpigil at agad ko silang nilapitan at sinuntok ko sa mukha ang lalaki. Tumalsik ito paupo s a semento, agad naman itong tumayo at akmang susuntukin din ako upang bumawi ngunit napigilan naman agad ito ng Bestfriend ko. Pinagbantaan pa ako ng lalaking yun bago umalis. Di ko napigilan ang sarili kong komprontahin at sigawan ang aking bestfriend.

"Ganyan ka na ba talaga ka-desperada?! Kung kani-kanino ka na nagpapahalik ganun ba?! Hindi ka naman ganyan dati ah! Ok na pala sayo ngayon ang hinahalikan ng kung sino. Dapat sinabi mo na rin sakin para pati ako makahalik sayo!"

At walang anu-ano'y hinalikan ko sya. A kiss that's not intended to intimate and  create passion but to hurt her w/ my kiss.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya."

Sinampal nya ko ng malakas at nagtatakbo syang umiiyak. Saka lamang ako natauhan sa nagawa ko.

Kinabukasan, muli kaming nagkita ng bestfriend ko. As usual, iniwasan nya ko ngunit hinabol ko sya upang humingi ulit ng tawad.

"i'm so sorry of what had happened yesterday."

Nanatili lamang syang tahimik. Marahil ay galit parin sya sakin. Hindi ko rin naman sya masisisi kasi nasaktan ko sya.

"i said, i'm sorry."

"Narinig ko, hindi ako bingi."

Sa wakas ay nagsalita din sya.

"I FALL FOR MY BESTFRIEND"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon