Day 7

18 2 0
                                    


  6:00pm 

 Abala si mama sa pagpapausok ng bahay. Makikita ang halos buong bahay ay nababalutan nito . Tanging dasal na inaalay ni mama na nagbabakasakaling mawala ang masasamang espirito.Maging ang kalapit na puno ay kanyang inalayan ng pagkain at dasal . Nang matutulong na kami ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko .. Wala ng nagpapakita o gumugulo sa isip ko .. Pero akala ko lang pala iyon . Nagising ako ng 3am . 

Isang ungol ng batang lalaki ang aking narinig. "Uhhhh...uhhhmmm.. Huhhuhhh...huh.. " Kaya naman agad ko itong pinuntahan . Tinignan ko sa sala , sa kusina osaan mang sulok nh bahay ay wala akong nakita . Kaya nmn bumalik na ako sa aking tinutulugan kasi sa isip isip ko ay baka sa kabilang bahay galing ang ungol na un . Hndi ko maipikit ang aking mga mata ... Naririndi na ako sa ungol ng bata . Ungol na nakakapangkilabot. Sa palagay ko nga ay tapos na ang ungol pero umiikot lamang ito sa aking isip . Biglang naramdaman ko sa aking mga paa ang init. Sa pagsulyap ko ay mayroong maliliit na nilalang . Duwende ! Oo duwende nga. Umiiyak... Ang ungol na un.. Ang ungol na kanina pang gumugulo sa akin . Iyak siya ng iyak .. Hndi ko mawari kung bakit . Natakot akot kinuha ang aking unan at inalagay sa aking mukha para hndi ko na masulyapan pa ang duwende hanggang sa unting unting umiinit ang buong katawan ko . Sobranh init. Nanginginig ako noon at pinagpapawisan ng husto ..Kinaumagahan ay dnala ako nila mama sa malapit na albularyo upang magpatawaas. At doon nakita nga ang duwende . Na naging sanhi ng pagkakalagnat ko .   

9 Nights PhenomenonWhere stories live. Discover now