Pangatlo

3 0 0
                                    


Sanya Pov

Kinabukasan nagising ako ng maaga para maghanda sa pagpasok. Pagbaba ko ay naabutan ko si Mama na nagbibilang ng pera.

"Ma, bakit po ninyo binibilang yan?" Tanong ko at hinigop ang kapeng tinipla ko at umupo sa tapat nya.

"Madami kasi tayong bayarin anak tapos yung kapatid mo pinipilit akong pasamahin sya sa fieldtrip nila eh hindi ko naman mahindian dahil alam mong minsan lang humiling ang kapatid mo. Tapos yung mga nautangan natin eh pinagsisingil na ako. Tapos may tuition fee pa tayong dapat bayaran sa school mo" Sagot ni Mama ng hindi man lang tumitingin sakin at patuloy sa pagbibilang.

"Eh may trabaho naman po si Papa diba?" Sagot ko.

"Meron nga anak pero nalulugi nadin eh. Baka nga magtanggal sila ng ilang empleyado dahil nalulugi na sila" Malungkot na sagot ni Mama.

"Ma wag nyo na po alalahanin yung fieldtrip ni Sandra ako na pong bahala duon may ipon naman po ako" Pwede na siguro yung ipon ko, magkakasya naman aiguro yun. Magiipon nalang ulit ako para sa kulang ko sa tuition fee.

"Paano yung tuition fee mo?" Tanong ni Mama at dito lamang sya tumingin sakin.

"Ma ako ng bahala dun. Kayang-kaya ko gumawa ng paraan, tyaka sa susunod pang buwan ang deadline ng bayaran ng may kulang sa tuition fee. Tyaka close kaya kami nung admin ng school kaya nakikiusapan ko haha" Sabi ko. Pero sa totoo lang kulang nalang ihagis ako ng admin palabas dahil sa tuwing bibigyan ako ng papel na kailngan ko ng magbayad eh pumupunta ako ng office para magsabing di pa ako makakabayad. Ayoko ng sabihin pa yun kay Mama dahil ayokong pandagdag pa sa mga iisipin nya.

"Loko kang bata ka! Hahaha. pasensya ka na anak ha? Pag nakaluwag tayo pangako ko babayaran ko lahat ng ipong nagastos mo para sa pamilyang ito" Sabi ni Mama.

"Ma wag nyo na pong isipin yun, pamilya po tayo kaya kailngan natin magtulungan" nakangiti kung sabi.

"Salamat anak" Tumango lang ako at ngumiti.

Inubos ko na ang kape at nagpaalam

"Ma alis na po ako ah?" Pagpapaalam ko.

"Magingat ka" Dinig kung sigaw nya.

Pagdating ko sa school ay maaga pa hinahap ko agad si Bam. I need her help. Nakita ko syang nakaupo sa kanyang upuan habang nagbabasa.

"Uy Bam!" Bati ko.

"Uy, aga mo ata ngayon?" Pangasar na sagot nya. Tinignan ko sya ng masama.

"Joke lang ito naman eh. So ano, alam kung may kailngan ka. What is it?" Kilalang kilala na talaga nya ako.

"Mangongopya ka ng assignment?" Tanong nya

Umiling ako. "Meron ako"

"Mangungutang pang recess?"

Umiling ako. "Meron din akong pera"

"Magpapasama kang gumala?"

Umiling ako. "Di ako mahilig gumala, ikaw lang yun"

"Sabagay. Hmm, magpapasama kang sundan si Travis mo?

Umiling ako ng dalawang beses. "Hindi ah!"

"eh ano kasi? di naman ako mahuhuli besty eh. Sabihin mo na" Sabi nya. Kinagat ko ang kuko ko sa daliri ng slight.

"Ano kasi eh.. I need a job" Sagot ko.

"Huh? Job? As in trabaho?" Tanong nya at tumango ako.

"Bakit?" Tanong nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What Is Love?Where stories live. Discover now