Sanya Pov
Grabe naman tong klase ni Ma'am kakaantok haays! Tagal pang matapos ng pesteng maghahanap ng x. Bahala kayo maghanap dyan wala akong pake dyan hahaha. Wala din ako ex, nbsb ako. And I'm proud. Hahaha.
Paano kasi ayan nanaman ang subject namin na Math. Hanap si x dito hanap si x dyan. Kasawa.
Nawindang ako ng kalabitin ako ng katabi ko, si Bam. Kaibigan ko.
" Ano nanamang iniisip mo ha, babae? " Tanong nya. Alam kasi nyang ayoko ng Math.
" Wala ka naman dun Bam" Sagot ko.
Nabuhayan ako ng marinig ko ang bell. Whoaaa! It means tapo na ang klase huehue.
" Masaya ka na nyan? " Pangaasar nya.
" Masayang-masaya " Sagot ko, kinuha na namin ang bag namin at lumabas. Wala ng dahilan para magtagal wala naman yung crush ko eh. Absent.
" San, bakit absent crush mo? " Tanong nya.
" Bakit sakin mo tinatanong? Bakit di sa Girlfriend nyang si Bobby panget? " Sagot ko. Panget panget naman nun eh, mas maganda pa ako. Maganda kaya ako sabi ng Nanay ko pati Tatay ko. Hahaha.
" Syempre crush mo yun. Bitter mo te " Saad nya.
" Crush ko lang yun hindi ako ang nanay nya. Okay? " Sagot ko.
" Okaaay. Hahaha. Tara let's go. May dinner pa kami ng family ko eh" Ani ni Bam.
" Wow. Sosyal haha! Balutan mo ako pag may natira ah" Sabi ko. Sayang din yun pangulam ko din yun para di na ako manghingi kay Nanay.
" Ibang klase ka. Hahaha. Sige una na ako ah. Ingat ka girl" pagpaalam nya. Tumango at ngumiti lang ako tapos tinahak ko narin ang daan pauwi samin. Lalim! Hahaha.
" bakit kaya absent yung mokong na yun? " tanong ko sa sarili ko habang naglalakad. Bihira lang yun umabsent eh, kaya nga sinisipag akong pumasok palagi eh. Hahaha.
Matagal ko ng crush yung mokong na hinayupak na yun, gwapo kasi eh. Kaya lang snob, mayabang at habulin ng mga panget na babae ako lang naman maganda sa school eh sunod lang si Bam hahaha. Syempre frindsss kami HAHAHAHA. 2yrs ko na atang crush yun, sabi pa nga ni Bam mahal ko na daw, daming alam eh noh. Pero hina-hina sa science at dun ako magaling hahaha. I hate math but I love science. Parehas kami ni crush science din love nya kaya love ko din sya haha. Sya ang Captain ball ng varsity players dito sa school sa bsketball. Sya rin ang base sa banda nila. Ewan ko ba dun, habulin ng panget na babae! Lalo na yung Bobby panget nayun, sobra ang kapangitan hahaha. Oooops! Sanya bad na yun.
Seryoso na nga,kahit makita at mangitian lang nya ako eh ayos na ako dun. Makita ko lang sya sa malayo eh ayos na ako dun. Haays, kelan kaya nya ako mapapansin kahit isang minuto lang.
Sana kahit isang minuto lang, Trav.
.....
" Anak gising na!!!!!" Ayan nanaman ang sigaw ng Nanay ko na walang tigil.
" Gising na ako Ma, wag ng sumigaw. May concert kapa" Biro ko at dumiretso na sa Cr para maligo at magayos. Naguniform na ako para diretso alis na pagkakain. Pagbaba ko.
" Bakit tulog ka kaagad kagabi? Napagod kaba? " Tanong ni Papa.
" Wala lang Pa. Trip ko lang matulog hehe " Sabi ko.
Biglang sumabat at cutie cutie kung kapatid na lalaki mana sakin huehue, " Wag ka po maniwala dyan papa, di kasi kita kras nya" Aba't!
" Manahimik ka ngang bata ka at lumalon ka lang dyan" Ng tinignan ko si Mama at Papa napangiwi ako ng makitang nakangiti. Haay buhay!
" Alis na po ako Mama at Papa " Paalam ko.
" Sige ingat ha? Kamustahin mo kami sa crush mo!" Dinig kung sigaw ng magaling kung Tatay.
Baliw na nga.
Habang naglalakad ako andami kung nakasalubong na mga kabataang magkaakbay at magkahawak kamay. Jusko tong mga to, tinalo pa ako. Samantalang di ako pinapansin ng crush ko.
Pagdating ko sa school, madami pang estudyante na hindi pa pumapasok sa mga room nila. Yung iba ngchichikahan, yung iba nagtatawanan, yung iba naglalandian.
Hinayaan ko nalang sila at umakyat na ng hagdan ng makasalubong ko yung pp girls. Hahaha. Mga akala mong dyosa sa kagandahan ang mukha. Mukha namang mga clown.
" Ohh, the ugly girl is here" Parinig nung leader ng mga dyosa sa panget.
" Oo nga eh, bakit nandito kayo?" Pangaasar ko.
"What the?!" sagot nung isang alipores nya na akala mong galing sa suntukan sa sobrang pula ng labi.
" Sige ha? Akyat na ako mga UGLY GIRLS!" Pambawi ko at umakyat na.
Patakbo akong umakyat at tinignan ko yung mga mukha nilang panget a dinilaan ko sila hahaha. Hindi ko napansin na may nabangga ako. Pagharap ko ay,
" Ay sorry" Kilala ko kung kaninong boses yun. Pati talaga boses nya eh ang gwapo.
"Ah hindi.. Ano.. Okay lang.. Okay kaba?" Nauutal kung sagot. Paano ba naman kasi isipin nyo, mahigit 2yrs akong sanay na sa malayo ko lang sya natatanaw pero ngayon nakausap at nakabangga ko pa. Destiny grabe ka ah, libre kita ng fres mamaya. Haha.
" Haha. Ano yun Miss? Di kita maintindihan" Natatawa nyang sagot. Ang charming din nya. Haays. Bakit ba kasi ang gwapo mo? Bakit ganyan? Huhu. Dapat ako nalang eh, hindi yung Bobby panget na yun. Malaki lang hinaharap nun eh.
"Ahm Miss?" Nagising ako sa pagdedaydream ko ng iwagayway nya ang kamay nya sa mukha mo. Ano bayan! Nakakahiya. Sanya umayos kanga!
" Ayy sorry. Hindi wala po yun. Sige una na ako" Pagpapapaalam ko. Masyado na akong kinkabahan.
" Hahaha sige" Sabi nya at ngitian ako!!!!! Hindi na ako sumagot pa dahil pakiramdam ko nalaglag na panty ko. Huhu. Bam saan kana? Syempre joke lang hahaha. Tumalikod na ako at nagsimulang malakad ng..
"Sa susunod wag kang tatakbo baka mahulog ka" Paalala nya.
"Matagal na akong nahulog"
"Huh?" Tanong nya. Narealize ko nalang kung anong naisagot ko. Gosh! Sanya naman!
"Ahm sabi ko sige salamat magiingat na ako sa susunod, sige salamat" with that umalis na ako at baka kung ano pang masabi ko. Haays.
Travis Pov
Pagtapos umalis nung babaeng nakabangga ko naglakad narin ako.
"Weird" Bigla kong nabanggit. Ano kayang sinabi nung babae? Ang cute nya hahaha. Namumula sya nung kausap ako.
"Weird? Anong pinagsasabi mo, dude?" Si dew. Kaibigan ko, nadinig pala nya ako.
"Wala yun. May nakabangga kasi akong babae kanina medyo weird haha" Sagot ko.
"Tsk. Ikaw ang weird. Yung girlfriend mo pala hinanap ka sakin kanina" Sabi nya.
"Sige salamat. Puntahan ko nalang" Sagot ko.
Habang papunta ako sa room ni Bobby, may nakita akong babaeng tumatawa sa isang room, may kasamapa syang isang babae na parang inaasar sya. Yung babaeng tumatawa eh yung babaeng nakabangga ko. Kanina lang nakabanggaan ko ngayon tawa naman ng tawa haha.
Napahinto ako at dun ko namalayan na nakangiti na pala ako. Kinamot ko ang ulo ko at..
"Weird" mas mabuting tumuloy na ako kay Bobby.
.......
Hi guys! Hope you enjoy.
YOU ARE READING
What Is Love?
Fiksi RemajaAno nga ba ang pagmamahal? Ano bang ibig sabihin pag nagmahal ka? May limitasyon ba yun? Paano mo masasabinh nagmamahal kana? Mali bang magmahal? Andami kung tanong, kelan kaya yan masasagot?