Chapter 1

102 2 0
                                    

Nagmamadaling pumasok si K sa company na pinapasukan nya.Late na rin kasi syang nakatulog kagabi dahil sa tinapos nya pa ang ginagawa nyang presentation.

Patakbo namang pumunta si K sa desk nya para asikasuhin pa ang iba pa nyang kailangan mamaya.

Halungkat jan.Halungkat doon ang ginagawa nya.Hindi nya alam kung anu ang unang gagawin nya.Sobra na rin ang kabang nararamdaman nya dahil iyon ang kauna-unahang presentation ang gagawin nya.

Nagulat nama sya ng may mag-salita sa likod nya."Huy K.Easy ka lang kaya mo yan."sambit ni vhong na ka-opisina nya.Ngumiti nalang ang dalaga para mejo mawala ang kabang nararamdaman nito.

Maya-maya lang din ay pumasok na sya sa board room para maumpisahan na ang presentation nya.Sobrang kaba nya dahil mga seryoso ang mga board member at ang mga investors.Lalo pang nadagdagan ang kaba nya ng makita nya sa dulo ng table ang boss nila na kahit minsan ay di nya nakitang ngumiti.Laging seryoso at sobrang strikto.

"GoodMorning to all of you."panimula ni K.

--

Matapos ang kakakabang presentation nya ay medyo naging magaan ang pakiramdam nya ng magpalakpakan ang mga bosses at makipag-shakehands sa kanya at sabihan syang "GoodWork."

Napatingin naman sya sa boss nya na nakatingin lang din sa kanya.Wala syang makitang kahit anung emosyon sa muka nito.Hindi malaman ni K kung Ok ba para sa kanya ang ginawa nito o kulang pa.

Matapos ng mahaba-habang pakikipag-kamay sa mga investors nila ay lumabas na ito.Hindi muna nya pinakita na masaya sya.Nang makalapit na sya sa desk nya ay agad syang nilapitan ng mga kaibigan nya.

"Anu girl kamusta ang presentation mo with our investors and boss?!"sabi ni anne ng lumapit sya sa desk ni K.Wala namang reaksyon si K doon.

"Anu?Mukang natalo tayo ah?"sambit ni vhong.

Bago pa man makasagot si K ay lumapit sa kanila ang secretary ng boss nila.

"K pinapatawag ka ni sir."sambit ni coleen at sabay alis na rin dahil agad din syang pinapabalik ng boss nila.

"Yari ka K."sambit ni billy.

Lumakad na naman na si karylle papuntang office ng boss nila.Kinakabahan sya dahil hindi nya talaga mabasa ang boss nila.Kahit kailan talaga napakaseryoso nito.

Pagpasok nia ay nakita nya ang boss nya na nakatalikod sa pinto.

"S-sir pi-pi-pinatawag nyo daw po ako?"pautal-utal na sambit ni K dahil sa nerbyos.

Humarap naman ang boss nya ng marinig itong nag-salita."Good Job ms.TatlongHari."sambit nito.Nagthankyou naman si K.Bago pa man sya makapag-salita ulit ay nag-salita ulit ang boss nya."And by the way ms.tatlonghari."

"Sir?"sambit nito ng tumigil ito sa pagsasalita.

"Sa susunod na presentation mo mag-ayos ka naman ha.Hindi yung haharap ka sa mga investors na ganyan ang itsura mo.Yun lang. You may go."sambit nito at bumalik sa pag-babasa.

Lumabas naman si K ng office at dumiretso ng Cr.Nakita naman nila anne,billy at vhong si K kung san papunta.Kaya naman sumunod si anne kay karylle to make sure na ok lang ang kaibigan nito.

Pagdating sa cr ay nakita nya si karylle na nakatingin sa salamin at parang tulala sa sarili nito.

"anung problema K?"pag-aalalang tanong ni anne at hinawakan ito sa balikat.

"Pangit ba itsura ko anne?"tanong nito pero nakatingin parin sa salamin

[Ayos ni K.Naka-pants,Blouse.Naka reading glasses at nakaponytail ang buhok.]

Gusto namang matawa ni Anne sa sinabi ng kaibigan pero pinigilan nya iyon dahil sa seryoso ang muka nito."Anu bang pinag-sasasabi mo K ?"

"Mali ba ang ayos ko?"

"Hmm.Bakit ba?You are pretty K."sambit ni anne para paga-angin ang loob ni K.

Ngumiti naman si K at yumakap kay Anne.Lumabas na naman sila ng cr at bumalik sa desk nila.Tuwang tuwa naman ang mga kaibigan ni K ng sabihin nya na pumasa sa mga investors ang ginawa nyang presentation.Ang iingay nila.

Kaya naman natahimik sila ng marinig nila ang boss nila."Bakit ba ang iingay nyu?".

"Ah kasi sir.viceral masaya lang kami para kay K."paglalakas loob ni vhong na sumagot sa boss nila at tinap sa likod si K.

Wala naman ng sinabi ang boss nila at bumalik nalang sa office nito.At lalo pa silang natawa ng makita ang pag-roll eyes ng boss nila.

"Bakla ba yon?"sambit ni billy at tinuro ang office ni mr.viceral.

Pinalo naman ni anne si billy ng mahinga sa braso."Sira ka ang gwapo kaya nya."

Natawa naman si K ng mahina."Gwapo nga suplado naman."

Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni K.

"Shh.Wag kayong maingay marinig kayu nun."sabi ni coleen.

Matapos ang walang humpay na tawanan ng lahat ay bumalik na sila sa mga kani-kanilang trabaho.

-.-.-.-.-.

Unexpected Love-Vicerylle story-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon