CHAPTER 1: Kayenne

89 0 0
                                        

CHAPTER ONE:

“Aba naman Kay, heto ka nanaman. Wag mo ng umpisahan please. Utang na loob.”

Ano na naman bang nakaen ko at nagkakaganito ako? Ang kinaen ko lang naman eh yung goto na binili ko kanila Aling Dory kaninang umaga. Dapat kase kumakaen ako ng mga pang palimot eh. Hays!!

Ako nga pala si Kayenne, Kay nalang for short. Ewan ko ba, hindi ko talaga feel yung pangalan ko so ever since, yung nalang ang naging nickname ko. Nag-aaral ako sa isang unibesidad dito sa New Zealand.

Hindi ko sigurado kung may sakit ako o sadyang tanga tangahan lang.

Nakakapagtataka nga kung bakit hanggang ngayon di ko parin makalimutan ang lahat tungkol sa nakaraan ko.

And I’m feeling guilty about it kasi may boyfriend na ako. Si Alex, ang pangalawang lalaki na dumating sa buhay ko at nagpatibok ng puso ko.

Siguro, tulad lang kami ng ibang magka-relasyon dyan, masaya at nagmamahalan Pero bakit kahit halos pitong taon na ang nakakalipas, eh di parin magawa ng isip ko na kalimutang ang ex boyfriend ko.

Bakit nga ba?

---

September 2007

“Huy Kay! Ano na? Sasama ka ba?” tanong ni Tory

Sinulyapan ko lang sya dahil madami akong ginagawa.

“Saan na naman yan?” sagot ko

Nagbugtong hininga sya at sabay sabi “Meron kasing fieldtrip na inoofer nung Rotary Club sa Manila Water Dam, mukang masaya! Sama tayo, mura lang, for sure madaming gwapings dun!!! ”  sabay tili.

Nakita ko ang pagka- sabik ni Tory, napangiti ako di dahil  madaming boys kundi dahil umiiral nanaman ang pagka maharot netong kaibigan ko.

“ok pag iisipan ko, tawagan nalang kita” banggit ko, habang busy pa rin kakasulat ng report.

“Oy, siguraduhin mong sasama ka ha, magtatampo ako wala akong ibang kasama!” dagdag nya sabay tulak sakin.

Pag tapos naming mag usap ni Tory ay dumiretso na ako sa bahay, buong araw narin akong nasa school, kanina pa kumukulo tyan ko, gutom na ata mga bulate. Hehehe ;)

Pag-dating ko bahay nakapag hain na si mom ng pagkaen. Bigla nya akong nakita at niyakap

“Oh hi anak! Saktong sakto sabayan mo na akong magmeryenda” pangungumbida ni mom.

Isang malaking bowl ng macaroni and cheese ang nakahapag sa lamesa. Paborito ko! Mommy knows best! ;)

Natapos na kaming mag meryenda, busog na mga alaga ko haha!

Dalawa lang kami magkapatid , si ate Kristina at ako. Ever since lumipat kami ng bahay, si ate naiwan dun sa Cavite kase nandun yung trabaho nya as Accountant, hassle lang pag mapalayo sya.

So ibig sabihin neto, only child muna ako nila dad and mom. Mixed feelings actually.

Sa una natuwa ako, it means sakin lahat attensyon ni mom and dad. Mula pagka bata kakumpetensya ko na si ate Kristina sa atensyon ng magulang naming. Paano ba naman kase, nung umulan ng kagandahan, katalinuhan at ng talent, nahakot nya!

Pero I admit, maganda naman ako. Yun ang sabi ng nakararami. Well, I guess, naambunan din ako ng konting kagandahan. I’m also currently part of the Majorettes sa school. Talent din naman ang pagsayaw hindi ba?, Sumali din ako sa mga spelling bee to represent my school, pero sa Math talaga ang kahinaan ko. I hate numbers! Errr.

Mag-gagabi na. Ganito ba feeling ng only child? Grabe ha? Nakaka-embyerna! Na-mimiss ko na tuloy si ate Kristina. Wala na akong kachismisan, at kakwentuhan. Pero isang bagay na  ayaw kong pag usapan.. lovelife .. kasi…

NBSB kasi kami ako

YUP! You heard it right. First year high school palang naman kase ako. Not only because strict ang parents but it’s my choice, masyado pang maaga para magdala ng sakit sa ulo. I’m also that kind na mailap sa mga lalaki.

Ayaw kong pagusapan dahil nahihiya ako. Pano ba naman kasi, sa tuwing may kakausap sakin na lalaki , bigla nalang akong natatameme, namumula ! Ganon ba pag NBSB? Ewan ko din eh. Ah basta weird lang siguro talaga ako.

Pero naalala ko once, na inasar ako ni ate Kristina dahil minsan ko ng nabanggit na may crush ako.

“OHMYY!!! Ang kapatid ko may crush! I’m so proud. Hindi ka na taong kweba!” tili ni ate Kristina.

Oo. taong kweba, yun ang lagging asar nya sakin kase lagi akong nakakulong sa kwarto ko, halos di lumalabas.

Bakit ba? Hindi ko hilig makipag salamuha, lalo na sa mga lalaki.

Di pa nga ako nagsasalita, panay tanong na si ate.

“Ano Kay? Nakausap mo na ba? Mabait ba? Gwapo?! Ano na update naman!?”

Susme! Ano ba tong ate ko daig ko pang ikakasal eh!

“WALA!!” sagot ko na may halong pagka-yamot.

“Hoy babae, kapag di ka nagsabi sakin, ako mismo magtatanong sa mga kaibigan mo. Aba gusto ko malaman kung sino yung natitipuhan ng kapatid ko noh?!”

Eto na nga ba eh, kaya ayaw na ayaw kong simulan sa ganito. Hindi lang may pagka-epal tong si ate, sobra pang higpit tinalo sila mom at dad.

“wala ano ka ba, wala lang yun, osige na tulog ka na ate GOODNIGHT!” sagot ko

then I hang up. Salamat naman at natapos din paguusap na yun. Masama ba ako dahil di ko sinagot yung mga tanong nya? Eh totoo naman na wala lang yun.

pssh. 

Ay naalala ko tatawagan ko pa pala yung si Tory.

Ring.. ring... ring... 

"Hello???? " garalgal na sagot ni Tory

Hala! Alas dose na pala hahaha! ngayon ko lang narealise. 

"Uyyy, Tory sorry , nagising ba kita?, anyway sasama na ako sayo sa field trip" 

 Biglang may sigaw akong narinig sa kabilang linya!

“AHHHHHHH!!”

“HUY AYOS KA LANG BA ?” pag aalala kong tanong.

“OMG! Thank you Kay! Kita nalang tayo bukas sa school ha. Goodnight!”

~_~

Nabuhay ang diwa ng loka.

“Sige, pasyensya na nagising pa kita, mukang di ka pa makakatulog nyan. Goodnight!”

May narinig pa akong bakas ng tili ni Tory, napangiti nalang ako.. sabay baba ng telepono. 

***************************************************************************************************************

HILINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon