“Ang gwapo at bait talaga nya!” pabulong na sabi ni Kay
Halos kakauwi ko lang sa trabaho, isang accountant ng isang firm dito sa Cavite. Sa layo ng bagong nilipatan nila Kay, mom at dad, nagdesisyon akong pumarito nalang dahil ‘tipid mode’ muna ako since gusto ko ng maka-ipon at madalaw ko na sila mom, dad at kapatid ko.
“OHMYY!!! Ang kapatid ko may crush! I’m so proud. Hindi ka na taong kweba!” halos pumiyok akong sumigaw ng marinig ko yun!
Aba aba, meron na palang hinahangaan. Sorry kung medyo OA, simula kasi pagkabata, taong kweba na tong kapatid ko. Ngayong high-school nalang nga yan nagkaroon ng lakas na loob makipag usap sa mga tao. Ewan ko ba, yun na talaga sya. Pero lumaki naman kami parehas sa pamilyang mahilig makipag-halubilo.
“Ano Kay? Nakausap mo na ba? Mabait ba? Gwapo?! Ano na update naman!?” Dagdag ko.. Masisisi mo ba ako? ABA! Himala ata na nakaka-appreciate na sya ng ibang tao, eh halos may sariling mundo ata yang kapatid ko na yan.
“WALA!!”
hala na- bad mood na ata hehe, pano ba naman, masama bang malaman eh ate nya ako, kapatid ko sya dapat kung sino unang makaka-alam ng lovelife nya syempre dapat ako yun!
“Hoy babae, kapag di ka nagsabi sakin, ako mismo magtatanong sa mga kaibigan mo. Aba gusto ko malaman kung sino yung natitipuhan ng kapatid ko noh?!” Dagdag ko.
Alam ko naman na nahihiya sya pero she’s growing old, gusto kong magkaron sya ng confident na mag-open up sakin para ng sa ganon may masabihan sya ng mga ‘kilig moments nya, or di kaya problema’. ;)
“wala ano ka ba, wala lang yun, osige na tulog ka na ate GOODNIGHT!” sagot nya sabay baba ng telepono.
I’ll give her time, pero kahit ayaw nyang sabihin ngayon, dadating din yung time na lalapit yun!
:D
tama, bilang ate susuportahan ko sya pero hindi ako titigil sa pangungulit hanggang mag-open up sya! Hahaha!!

BINABASA MO ANG
HILING
RomanceIpaglalaban mo ba ang isang pag-ibig na totoo ngunit matagal mo nang isinuko o ipaglalaban mo ang isang nasimulang pag-ibig, pag-ibig na hinahangad magkaroon ng lahat. Ano ang pipiliin mo?