2012 Nagvacation ako sa maynila galing aku ng Pampanga.
Pumunta ako ng Caloocan city beause of my auntie, don muna ako tumira pansamantala, makalipas ng isang buwan, medyo kilala ko na ang mga tao don.
September 25, 2012 Birthday ng isang kaibigan ng tita ku, shempre may handa un at may ka unting kasiyahan, INUMAN - KANTAHAN AT SAYAWAN, Shempre invited ako hehehehe :))
Nagsayawan kaming lahat, may dalawang lalaki sa likod ku, hindi ko alam na magkakagulo pala.
Yung isang lalaki na nasa likod ku may dala palang kutsilyo. Shempre natakot aku :(
Paalis na sana ako biglang hinabol ako nung lalaki, gusto nya akung sak-sakin, buti nalang nakailag ako at biglang may sumalo.
Ako sana ang masasak-sak hindi ko alam may isang lalaki pala na tutulung sakin at sya ang nasak-sak sa kamay at sya si ENZO DIAZ.
Biglang sumigaw ung auntie ku.
Auntie : Enzo ilayo mu ung pamagkin ku.
Shempre hinila ako ni enzo at sabay takbo kami, pumunta kami don sa kaibigan nya para magamot ung sugat nya sa kamay.
Don muna kami tumambay ng mga ilang oras at nag-kwentuhan din.
Ako : Kuya salamat sa pag ligtas sakin. thank you talaga
Enzo : Wala un, ok lang yun ate!
Enzo : Ate ano pangalan mu?
Ako : Gezelle po, kaw?
Enzo : Enzo, Ilan taon kana?
Ako : 17 po
Enzo : My bf ka?
Ako : Wala po, bakit mu naman natanong yan?
Enzo : Pwede kang ligawan?
Ako : Ou naman.
Nong araw na un sinagot ko na agad sya kahit hindi nya ako niligawan, sinagot ko sya hindi dahil easy to get ako, sinagot ko sya dahil pasalamat ko na rin un sa kanya sa pag ligtas nya sakin.
Pero wala akung gusto sa kanya, wala din akung nararamdaman sa kanya nun. dahil ung kapatid nya sobrang crush ko!
Crush na crush ko ung kapatid nya nung naging kami na at hindi nya alam un.
Pero simula nung nalaman kung may asawa na at may anak na ung kapatid nya, shempre na turn off aku, kc aku hindi ku pinangarap na mag boyfriend na may anak at asawa. shempre mahirap na hahahahahaha :)))
Makalipas ng mga ilang buwan natutunan ko na rin syang mahalin.
December 21, 2012 bumalik ako ng pampanga. Naging long distance relationship kami.
January 26, 2013 - sakto birthday ku. sabi nya sakin, hon punta ka dito samin dito kana lang mag birthday, shempre pumunta ako.
Umalis ako ng bahay na hindi nag paalam. Lumayas ako sa bahay, galit na galit ung kuya.
Lumayas ako ng dahil sa kanya. shempre mahal ko sya. sinunod ko lang naman ung nararamdaman ko.
Mga ilang buwan din akung tumira sa kanila. Tumira ako sa mga magulang nya!
Monday to Saturday may work sya, isa syang Construction Worker!
Mag kanu lang naman kinikita nya. Yung sahod nya binibigay nya sa pamilya nya. shempre ako minsan kailangan ko rin ng pera. minsan lang nya aku binibigyan ng pera pag medyo malaki sahod nya.....
Inaasikaso ko sya, gumigising ako ng maaga (5:00am) Para magluto, para sa baon nya at almusal. lagi ko syang iniisip.. iniisip ko kung ano babaonin nya at almusal nya.
Gigising nalang sya para kumain at maligo.
Pag katapos nyang maligo inaasikaso ko ung mga pinaghubaran nya.. nilalabhan ko mga damit nya agad para may masuot ulit sya.
Hindi ko sya pinapabayaan, hindi ko sya pinapalaba ng mga damit nya ni mag hugas ng pinggan hindi ko pinapagawa sa kanya.
Dumating ung araw na lagi na kaming nag-aaway dahil hindi kami nag-kakaintindihan, kc naman hindi sya marunong makinig.
May ngyari kc sa bahay sa kanila. shempre wala sya non may work sya. ako lang ang nandon. dumating ung time na nag away kami ng kapatid nya gusto akung bugbugin.
Mahirap makisama sa pamilya nya. Mga kapatid nya gangzter at respeto sa matatanda. Mahilig mag mura at mahilig makipag bugbugan.
Umalis nalang ako non, para umiwas sa gulo. dumating sya gabi na. nag sumbong ako sa kanya hindi nya ako pinakiggan, sinigawan nya pa ako. at nag away na rin kami.
Nong gabi na un don nalang ako na2log sa tita ku, hindi na ako umuwi sa kanila. umiyak ako ng umiyak at sinaktan ko pa sarili ko. untog ung ulo sa pader. sinuntok ung pader, basta sobrang sakit ung nararamdaman ko non.
Hindi nya ako pinahalagahan, pinabayaan nya lang ako.
Ako nalang lagi ung nag sosorry sa tuwing nag aawway kami. napaka pride nyang tao!
Umiyak ako ng dahil sa sarili ko. umiyak ako hindi dahil sa kanya. iniyakan ko ung sarili ko bakit ang tanga ku. bakit ku pinagpipilitan sarili ko sa kanya kung ayaw naman nya sakin.
February 11, 2014 bumalik ako samin at pinatawad na ako ng kuya ko.
Nagpasalamat ako kay papa god dahil tinanggap ulit ako ng family ko, ang dami kung kasalanan sa kanila pinatawad pa rin nila ako. binigyan ulit ako ng chance.
Kaya ung chance na binigay nila sakin hinding hindi ko na sasayangin un.. Thank you ulit!