Thor's POV
"Guys, san kayo mag-aaral? Pasado ako sa UST at UP ." tanong ni Anicka sa buong klase.
"Sa UST kami nila Jen, Steph, Jay at Kier." - sagot ni Annie
"UP Diliman naman kami nila Jason at Rold." sabi naman ni Ken
Pasado ako sa UST at FEU. Dito lang kasi ako nag-entrance esam eh. At gusto ko sa U-Belt lang mag-aral. Pero depende, gusto kong mag-aral dun sa university na gusto niya.
"Hoy! San ka mag-aaral?" tanong sakin ni Mel na ikinagulat ko kasi nga hindi ako sumama sa kanilang mag-entrance exam sa UST eh.
"Ah,eh .. Di ko pa alam." utal kong sagot. Pero sa totoo, inaatay ko pa kasi ang sagot niya,
"Sus! Inaantay mo lang kung saan mag-aaral si Queenie eh." bulong niya sakin na ikinunot ng noo ko.
Bwisit talaga to si Mel eh. Pero totoo, inaatany ko kung san mag-aaral si Queenie. Siya yung type ko dito sa room. Simula palang nung lumipat siya dito nung 2nd yr kami, tinamaan na agad ako sa kanya. Simple lang naman kasi siya, hindi katulad ng iba na kailangan pa ng make-up para gumanda. Kung sa inside personlatiy niya, masasabi kong mabait siya, tahimik lang, matalino din siya. Sa outside naman, mahaba ang kanyang buhok, chinita, maputi, mapula ang labi at ang pinakagusto ko sa lahat PANDAK. Hahaha! Hindi naman siya ganung kaliit, matangkad lang talaga ako siguro ma nasa 5'2 or 5'3 ang height niya. Ewan ko, basta cute at attractive para sakin ang mga maliit eh. :)
"Sa UST, kami ng barkada." dugtong niya. Sabay dating nila Neil, Adrian at Vin. Mga barkada ko yan simula nung elementary pa. Mga loko yan pero nasa lugar din naman.
"Sa FEU kami nila Vanessa at Mae." sabi ni Queenie. Abot langit ang ngiti ko ng marinig ko ang sinabi niya. Ang akala ko kasi sa UST siya mag-aaral eh.
"Panigurado FEU kana. Dun siya eh?" sabi ni Neil.
"Syempre. ayoko namang sa UST mag-aral andun kayo eh. Mga bad influence pa naman kayo. Hahaha." sagot ko na ikinunot ng noo nila maliban kay Vin.
"Bakit kasi hindi mo pa ligawan si Queenie?" sabat ni Vin. Na ikinabigla ko.
Ewan ko din kung bakit hindi ko masabi kay Queeni na gusto ko siya. Ewaaaaan ko ba. Sa barkada kase NGSB kaming lahat maliban kay Vin.
"Alam mo naman sigur na madaming naliligaw dyan na taga kabilang section diba?" pagpapatulo niya
Sus eh ano naman kung madaming naliligaw, eh college pa pwedeng mag-boyfriend si Queenie.
"Colleg na tayo, ilang buwan nalang. Hindi mo parin nasasabi sa kanya." dugtong ulit niya.
Ay ang bobo ko talaga nakalimutan kong mag college na nga pala kami. Teka pano yan? Madaming mga aso ang humahabol sa kanya. Haaaays chance ko na to parehas nmn kami ng school na papasukan. -_-
"Oo nga! Baka maunahan ka ni Paul na taga-Silver" sabat ni Mel
Diamond- Special Science Section
Gold- Secttion 1
Silver- Section 2
Bronze - Section 3
Kung makasagot tong bwisit na to. Akala mo kung sino, torpe din naman katulad ko. :3
"Yayain mo na sa graduation ball, baka nga maunahan ka pa." sabi naman ni Neil.
Bago ko pa masapak ang dalawang ito. Dumating na ang adviser namin at pinapapunta kami sa gym para magpractice para sa graduation..
BINABASA MO ANG
Si Mr. Thorpe
Roman pour Adolescents-- Ang kwentong ito ay para sa lahat ng TORPENG katulad ko. Oo, mahirap talagang sabihin ng nararamdaman mo sa kanya pero ang pinakamahirap ay yung makita mo ang mahal mo na may kasama ng iba at dahil yun sa kaTORPEhan mo. :D Hope you like it. Godb...